CHAPTER 1
"Hoy! Gumising ka na dyan!"
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ng maramdaman ko ang isang malamig na tubig na ibinuhos sa akin para lang magising ako. Basang basa ang damit ko at pati higaan ko ay nabasa rin ng tubig.
I looked at him hopelessly.
He crossed his arms over his chest. "What? Kulang pa ba ang isang baldeng tubig para mahimasmasan ka?" sarkastikong tanong nya.
Napalunok ako pagkatapos ay napahilamos sa mukha. It's okay, Hervisca, buti nga at hindi kumukulong tubig ang ibinuhos sayo.
"Fix yourself, darating sila Mom and Dad and you're going to behave like a dog, naiintindihan mo ba?"
Wala sa sariili akong napatango sa kanya. He then left my room and shut the door loudly. Tumayo ako at kinuha ang tuwalya saka pinunasan ang sarili. Sunod kung kinuha ang kumot at unan ko saka ito pinigaan. Nang matapos ay lumabas ako at isinampay ito sa sampayan para matuyo.
I go back to my room and fix my stuffs. Pinunasan ko ang kawayan kong kama pagkatapos ay inilagay sa isang malaking kahon ang mga gamit ko. Whenever his parents come to visit, I have to hide my things because his parents can't know that I'm staying here in the warehouse.
He doesn't want to let his parents know about our situation. He made his parents believe that we are the perfect couple in their eyes. He doesn't want his parents to be dissapointed at him because he knows that Tita and Tito loves me like they did to him.
His parents treating me like their own child. Maski lamok nga ayaw akong padapuan ng mga iyon. Sa mga asawa ng anak nila, ako ang pinaka-paborito nilang manugang. I don't know basta ang sabi lang nila dahil daw sa maganda at mabait ako.
Napahinga na lang ako ng isang malalim na buntong hininga.
Malaki ang bahay ng fiancé ko, kung tutuusin para itong mansyon na makikita mo sa mga palabas. Sa loob ng dalawang taon kong pananatili dito, nakakapasok lang ako sa loob kapag bumibisita ang mga magulang niya. He doesn't allow me to come inside because he says I have no position in his life.
He doesn't treat me as his fiancée and he never will be. Matagal ko ng alam iyon. That's why I'm staying separately from him.
Mayroong maliit na bodega ang mansyong ito. It is located at the end of the mansion and you can tell the space is quite small once you step inside. Kumbaga pang isang tao lang talaga. Sa unang tingin, aakalain mo na tirahan ito ng aso. The whole area was exceedingly unclean and odorous when I initially moved in. Kaunting renevotation lang naman ang ginawa ko at kahit papaano ay nagmukha na siyang bahay.
'Yon nga lang, hindi maiwasang sumakit ng likod ko sa tuwing gigising ako sa umaga. Matigas na kawayan ang kama ko at isang tao lang ang maaaring humiga dito. Medyo umaalog na rin ito kaya nagda-dahan dahan na lang ako sa tuwing hihiga ako.
I took out my make-up kits and the clothes I was going to wear. It was yellow floral dress and up to my knees. Alam kong bagay ito sa akin dahil hindi rin naman maitatanggi ang maputi kong kutis.
Nang makitang maayos na ang lahat, saka lang ako naglakad patungo sa c.r para maligo.
Halos dalawang taon na rin ang lumipas simula nang ianunsyo ng mga magulang niya na ito ang magsisilbing tahanan naming dalawa. Ngunit sa dalawang taong pananatili dito ay kahit kailan hindi ko naramdaman ang pagmamahal niya.
He is Risennio Advinne Duchess, my fiancé. I met him because of one of my best friends, Cereinna. Actually, trio talaga kaming tatlo and we're always with each other. Magkaklase kami noong college and God knows how much I adore him silently.
YOU ARE READING
Tides Turned (Ruin #1)
Romance"You're going to die in the worst possible tragic way, I'd make sure of that." Hervisca Caprisce Versaylles, a kind-hearted woman who allowed herself to be destroyed by the person she loves. She thinks she deserves it. She can't escape her past mis...