Chapter 6

12.3K 215 87
                                    

Dedicated to: zaxhira, Clarisse Grantos Tuang, dheurlii, tearsofpen_ charmyxx, Itss_donna, purplewinker_fairy, kulinnn_ RedWrecker

A/N: Again, sa mga hindi po nasama sa dedication, please pardon me. Sa next na lang 'yung iba kasi sobrang dami niyo. Anyway, thank you for supporting this story. Sa mga nagbabasa nito kahit matagal ang update, thank you so much! If you want to ask me regarding this, you can message me in my Facebook account. My username is MsChinGorgeous WP or direct message me here. Thank you! Merry Christmas and Happy New Year!♥️

CHAPTER 6

"Let's go ate Isca, faster!" nakapulupot ang kamay ni Daynielle sa aking braso at nagmamadaling hinila ako.

I smiled weakly. "Teka lang naman, Daynielle. Kanina pa tayo ikot ng ikot dito sa mall, hindi ka ba napapagod?"

Huminto kami sa paglalakad at marahan niyang inalis ang kaniyang kamay sa aking braso. Nandito kami ngayon sa mall at kasalukuyang nagwi-window shopping itong si Daynielle. After our lunch, Daynielle and I left the mansion and she decided to go in the mall. Mayroon raw siyang gustong bilhin at kapag may nagustuhan daw ako ay huwag akong mahihiyang magsabi.

Kanina pa kami paikot ikot dito, marami na rin siyang nabili ngunit hindi pa rin sapat iyon para sa kanya. Hindi ko alam kung paanong hindi siya nakakaramdam ng pagod, gayong ako ay sumusuko na. Masakit na ang talampakan ko dahil sa suot kong heels. Kung maaari lang na magpaa dito ay kanina ko pa ginawa. Subalit, nakakahiya namang gawin iyon, makakaani ako ng atensyon.

Napanguso siya "I'm not tired, ate. Gusto ko lang naman na mas makasama ka ngayon. After this, we couldn't see each other again because I might get busy. You know that I have a lot of projects right now, magiging mahirap for me na makapunta ulit sa mansyon."

Napailing ako. "Hindi naman pwede na araw araw tayong magkasama, Daynielle. I have my own life, you too as well."

"That's my point, ate Isca. Kaya nga sulitin na natin 'to. Marami pa tayong gagawin ngayong araw, kaya please don't be tired. Just enjoy this moment." muli niyang pinulupot ang kanyang kamay sa aking braso as she stared at me while blinking her eyes. She pouted cutely, trying to convince me.

I laughed softly as I nodded at her. Napatalon siya sa tuwa at muling hinila na naman ang aking braso.

She wants to buy a new phone kaya nagpunta kami kung saan pwedeng makabili ng cellphone. She has tried almost every brand. Kapag nagustuhan niya ang isa ay binibili niya agad. Kapag hindi naman, hindi niya na pinapatapos sa pagpapaliwanag ang nagbebenta.

"Daynielle, ang dami mo ng nabiling phone, hindi pa ba sapat 'yan?" I whispered.

She tilted her head. "No, ate kulang pa ng tatlo." hindi niya ako nilingon. Nanatili ang kanyang atensyon sa paghahanap pa ng ibang brand ng cellphone.

I breathed. "Tatlo? Lima na 'yan, ah ang dami mo namang ginagamit na cellphone." dagdag ko.

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. "You know my life right? Marami akong stalker ate, and I don't freaking know kung paano nila nakukuha ang number ko. They always call me and bother me. Minsan tuwing madaling araw pa." napangiwi siya. "You know what's the worst? Puro lalake and they want a relationship with me!"

Napairap ako. "Kung gano'n bakit hindi ang sim card mo ang palitan mo?"

Umiling siya. "No, if I change my sim card, it won't change anything ate. They can track my IP address, that's why I need to buy a new phone everytime."

Tides Turned (Ruin #1) Where stories live. Discover now