A/N: This update is kinda rush, please kindly bear with me. I hope you enjoy this, Happy Valentine's Day everyone!
CHAPTER 15
Past
"Where's my Cereinna?!" isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong pasilyo ng hospital.
Kaagad akong napatayo sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon. Muling kumalabog ang dibdib ko sa takot at kaba. Nanginginig ang mga kamay ko at nanghihina ang buong katawan ko. Hindi ko magawang tumayo ng maayos at kinailangan ko pang sumandal sa pader para masuportahan ang pagtayo ko.
"T-Tita," Risen called her, voice was shaking.
"Ang anak ko, Risen! Where is she?" Lumapit ito kay Risen at hinila ang kanyang kwelyo.
Sa takot ko ay hindi ko magawang tingnan siya kaya nanatili lamang ang tingin ko sa ibaba. Sunod sunod ang marahas kong paglunok.
"S-She's in the operating room, the doctor's doing their best to save her life, Ti—"
Isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ni Risen. Sa sobrang gulat ko ay napapikit ako at humigpit ang hawak ko sa aking palda. Puno ng dugo ang suot kong uniform at maski ang kamay ko ay mayroon ding dugo.
"You son of Satan! Pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mong pananakit sa anak ko!" her voice glistened with rage. "I know everything! Alam ko kung ano ang mga ginawa mo sa kanya! S-She loves you for a very long time and you're aware of it, but you still chose to hurt my princess!" nabasag ang boses niya.
Hindi nakasagot si Risen.
"You broke her heart! You will going to pay for this! Sinaktan mo ang anak ko, mas doble ang ibabalik ko sayo!" nanginig ang boses niya sa galit. "You know me well, Risen. Your parents know what demon I am. They knew what I can do. I'll do anything to make you experience what hell feels like."
I gasped when Risen suddenly knelt down in front of her.
"I-I'm sorry, please gagawin ko ang lahat para mapatawad niyo lang ako. Alam kong nasaktan ko ang anak niyo, and I'm sorry for that. N-Ngunit ang nangyari ngayon kay Cereinna ay hindi ko na kasalanan. I can't control everything." his voice cracked. "The one who did this to her is not me, Tita. This is not my fault. Kaya siya nasagasaan ay dahil hinahabol niya si Hervisca. I don't know what happened but all I saw was Hervisca pushed her!"
My heart thundered in my chest. Nanlaki ang mata ko sa narinig. Unti-unti kong nilingon si Risen na ngayon ay masama ang titig sa akin.
"W-What?" I could see the disbelief in her eyes as she glanced at me.
He bit his lips. "I saw it, Hervisca. Cereinna's trying to talk to you, she wants to apologize to you but you pushed her!" he yelled. "I was watching from afar, I saw everything. Hindi niyo alam na mayroong pick-up truck na nawawalan ng preno mula sa malayo. N-Nang sandaling itulak mo siya doon siya nahagip ng sasakyan. S-Sumigaw ako but both of you didn't hear me." he covered his face as he began crying.
My mouth dropped open as my heart beats loudly in unison. Nanigas ang buong katawan ko. Kitang kita ko kung paanong nanlisik sa galit ang mata ni Casthania habang nakatingin sa akin. She quickly approached me and violently pulled my hair with no mercy. I couldn't defend myself because I was so taken aback by her rage-filled scream. Pinaghahampas niya ako habang sumisigaw siya sa galit. Ang tanging nagawa ko lang ay ang tiisin ang sakit. Hindi ko magawang umiyak dahil pakiramdam ko naubos na ang luha sa aking mata.
"Ikaw ang may kasalanan! Fuck you!" she slapped my face ferociously. "Noon pa lang sinabi ko na kay Cereinna na wala kang idudulot na maganda sa kanya but she didn't listen! Palagi niyang sinasabi na kaibigan ka niya ngunit anong ginawa mo?!" nanginig ang boses niya sa galit.
YOU ARE READING
Tides Turned (Ruin #1)
Romance"You're going to die in the worst possible tragic way, I'd make sure of that." Hervisca Caprisce Versaylles, a kind-hearted woman who allowed herself to be destroyed by the person she loves. She thinks she deserves it. She can't escape her past mis...