A/N: Ang sabi ko, magre-rest muna ako pero dahil sa ayaw niyo ng binibitin, sige mag-u-update ako. Sorry dahil natagalan ako sa pag-update, naging busy talaga ako and it's too hard for me to write dahil medyo hectic ang schedule ko. For those waiting for my updates, thank you so much! I really appreciate it. Updates will be once a month charot HAHHAHA I mean, basta kapag may vacant time, rest assured na mag-u-update ako. Thank you sa patuloy na suporta!♥️
CHAPTER 12
Walang nagsalita sa aming dalawa. There was an awkward silence between us. Diretsyo lang ang tingin niya sa kalsada habang nagmamaneho. Hindi ko alam pero nang tingnan ko siya ay halos kumalabog ang puso ko.
Masyado siyang seryoso sa kanyang ginagawa. He was too focused on driving as if he didn't want to mess up. Banayad at maingat ang pagmamaneho niya kahit wala namang traffic.
Wala rin akong balak na kausapin siya. Tumingin ako sa labas at pinilig ang aking ulo. Bahagya akong sumandal sa bintana at pinanood ang tanawin na nadadaanan namin.
I have no idea where we are going. Kanina ko pa siya tinatanong ngunit hindi niya ako sinasagot. Bahala na siya. Ayokong ubusin ang natitirang enerhiya ko sa katawan lalo't kagagaling ko lamang.
"Matulog ka muna, malayo pa tayo." narinig kong sabi niya.
Hindi ko siya nilingon. "Hindi ako inaantok."
I heard him sighed. "What do you want?"
"Umuwi."
Nagulat ako nang bigla niyang itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nilingon ko siya at nakita na bahagya niyang minamasahe ang kanyang sentido. He calms himself down. He took a deep breath before looking at me.
"Pwede bang kahit ngayon lang, pagbigyan mo ako?" his voice is soft and kind.
Hindi ko siya sinagot.
"Gusto kong maging masaya ka, kahit ngayon lang. I want you to be happy because you deserve it. Is it too much to ask to see your smile and hear your laughter?" pumungay ang kanyang mata.
Napalunok ako ng paulit ulit kasabay nang pagbaba ng aking tingin. My heart was pounding harder than ever. Pakiramdam ko sa oras na magtama ang paningin naming dalawa ay kusa na lamang tutulo ang luha sa aking mukha.
"You deserve a great life, Hervisca. Gusto kong ibigay ang lahat sayo kahit hindi mo hinihiling. You deserve better, you know you do. . ."
I had to bite my lip to avoid myself from getting crying. Ayokong makita niya na umiiyak na naman ako. Mas lalong kumalabog ang puso ko nang sandaling hawakan niya ang aking panga at inangat ito para makita ang buong mukha ko.
"You always had me, kahit alam kong hindi ako ang nilalaman ng puso mo. Hayaan mo na lang akong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal. I want you to experience all the things you deserve in this world. Kahit hindi na sa akin, basta makita lang kitang masaya . . . kumpleto na ako."
Tears slowly flowed down my face. Hindi ko na napigilan at kusa na itong bumagsak sa aking mukha. Why does he always makes me cry? This time, umiiyak ako hindi dahil sa sakit kung di dahil sa labis na kasiyahan. Gusto kong suklian ang pagmamahal niya. Gustong gusto ko, ngunit hindi pa ako handa.
Habang nakatingin ako ng malalim sa mga mata niya hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko. Bakit hindi na lang siya ang minahal ko? Kung siya siguro ang minahal ko hindi ko mararanasan ang lahat ng ito. Bakit kasi ngayon lang siya dumating? Bakit hindi noon? Ngayon pa na masyadong magulo ang ikot at takbo ng mundo ko.
He gently used his thumb to dab away my tears.
"I hate seeing you crying." he sigh. "All you have to do now is just to be happy. Forget everything that burdened you and enjoy this day. Do you understand?"
YOU ARE READING
Tides Turned (Ruin #1)
Romance"You're going to die in the worst possible tragic way, I'd make sure of that." Hervisca Caprisce Versaylles, a kind-hearted woman who allowed herself to be destroyed by the person she loves. She thinks she deserves it. She can't escape her past mis...