Chapter 34

8K 118 29
                                    

CHAPTER 34

The next few days were normal. It passed by like a wind. Nakauwi na rin kami sa penthouse ni Kael habang ako ay naging abala sa pag-aalaga kay Auri. Ganoon din ang ginawa ko kay Kael na kasalukuyan ding abala sa kanyang kompaniya. Minsan ay gabi na siya nakakauwi at nakakatulog na lang si Auri sa kakahintay sa kaniya. Hindi ko nga alam kung nakakakain pa ba siya ng tama o nakakapagpahinga pa ba siya kahit saglit lang.

I'm worried about him.

Bumukas ang pintuan at iniluwa no'n si Kael na mukhang pagod na pagod. I can see the dark circles under his eyes due to lack of sleep. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. It's almost three o'clock in the morning. Bahagyang namilog ang mata niya nang makita akong nakatayo at titig na titig na sa kaniya.

"Why are you still awake?" tanong niya.

"Hinihintay kita."

Napangiti siya. Humakbang siya palapit sa direksyon ko saka ako niyakap.

I hugged him back. "Kumain ka na ba?"

Umiling siya. "I'm not hungry. Gusto ko na lang magpahinga." his voice sounds sleepy.

Huminga ako. "Sige, magpahinga ka na."

Tumango siya saka humiwalay sa akin. I removed his neck tie before he entered our room. Pabagsak siyang humiga sa kama. Kaagad naman akong nagtungo sa paanan niya at tinanggal ang sapatos at medyas niya. Hindi naman nakatakas sa pandinig ko ang mahinang bulong niya.

"Thank you, mahal ko."

I smiled as my heart flutter. Sunod kong ginawa ay inayos ko ang kumot sa katawan niya. Pagkatapos ay saka lamang ako tumabi sa kaniya. I stared at him long and hard. His chest rose up and down, gently creeping. Isinuksok ko ang mukha ko sa kanyang dibdib at pinakinggan ang ritmo ng paghinga niya.

Nitong mga nakaraang araw ay kita ko sa mukha niya ang sakit at pagod. Alam kong nasasaktan din siya sa ginawa niya. It pains him, but I know he had no choice. At naiintindihan ko siya.

Tinupad niya ang sinabi niya na pababagsakin niya ang kompaniya ng mga Duchess.

Without saying anything more, he successfully brings down the Dio Merchandise Company.

Naging usap-usapan iyon online at maraming gustong hingiin ang opinyon ni Kael ngunit tumanggi siya na magbigay. His parents, particularly Risen, the company's CEO, were the most affected by what happened. Mukha namang walang pakialam doon sina Rhodge, Rusthe, at Daynielle dahil maski sila ay abala rin sa mga career nila.

Nang minsang pumunta ako sa kompaniya ni Kael kasama ang anak namin ay nasaksihan ko kung paanong lumuhod ang mga magulang nito sa harapan niya. Paulit ulit silang nagmakaawa at humingi ng tawad ngunit parang walang naririnig si Kael dahil hindi niya ito pinapansin. Hanggang sa inutusan niya ang mga guards na palabasin sila.

I understand him. Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit niya. He was mad at his parents and that's valid. It's take time to heal a broken heart lalo at matagal niya na iyong kinikimkim. And I'm always here to support him in every decision he makes.

Kinabukasan ay nagulat na lang ako nang makita ko si Daynielle sa sala. Nakasalampak siya sa sahig habang kasama si Auri na kasalukuyang hawak sa kanyang kamay ang Blythe doll niya. Nasa sahig ang doll house niya at iba pang laruan niya.

Daynielle gazed at me. "Hi, ate Isca! Good morning!" nakangiting bati niya.

Nagtataka ko siyang tiningnan. "Daynielle, ang aga mo namang nandito, wala ka bang taping? Trabaho?"

She sighed then shook her head. "My manager told me that I should take rest, because of the issue . . . you know, about my family."

Napatango tango ako sa kaniya. "Are you okay?"

Tides Turned (Ruin #1) Where stories live. Discover now