CHAPTER 23
TW: Sensitive Content, Self Harm.
Nasa sasakyan na kami at kasalukuyang papunta sa mansyon. Hindi gaanong mabilis ang takbo ng sasakyan dahil maingat magmaneho ang driver. Habang nasa biyahe ay hindi nagsasalita si Kael. Tahimik lang siya at nasa unahan ang paningin. Hawak hawak ko lang ang kamay niya at marahan iyon na hinahaplos.
Hindi ko rin naman magawang basagin ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa dahil alam kong wala siya sa mood para makipag-usap. Hindi ko na ipipilit. Hahayaan ko na lang muna siya. Ilang minuto ang lumipas hanggang sa makarating na kami sa mansyon.
"Mauna ka nang lumabas, Kael." mahinang saad ko.
Saka niya lang ako nilingon. Tumango siya pagkatapos ay lumapit sa akin at hinagkan ako. "Call me when you're done, I'm sorry."
Umiling ako. "Okay lang, huwag mo ng isipin 'yon. I'll update you kapag tapos na akong ayusin ang lahat ng gamit ko."
Muli siyang tumango pagkatapos ay humiwalay na sa akin. He then kissed my forehead, the tip of my nose, and then briefly paused on my lips with a gentle kiss. Nauna na siyang bumaba pagkatapos noon. Naiwan ako saglit sa loob ng sasakyan niya. Mula sa loob ay tinanaw ko si Kael na dire-diretsong pumasok sa gate ng mansyon. Nang mawala na siya sa paningin ko ay doon ko lamang nagawang bumaba ng sasakyan.
When I got down, I noticed a lot of cars parked on the side of the mansion. Yung iba ay paparating pa lang at kasalukuyang nagpa-park ng kani-kanilang sasakyan. Naglakad na ako papunta sa gate ng mansyon ngunit kaagad akong napahinto nang malayo pa lang ay natanaw ko na ang guard na nakatayo at nagbabantay doon. The two security guards currently checking the invitation card of each guest who entered.
Nakaramdam ako ng kaba dahil wala naman akong ipapakita na invitation card once na sinubukan kong pumasok. Huminga ako ng malalim upang ikalma ang aking sarili. Nagtago muna ako sa ilalim ng puno saka nag-isip kung ano ang pwede kong gawin. Naalala ko na mayroon nga pa lang daanan mula sa likod ng mansyon. Mayroong tagong pintuan doon na hindi na ginagamit dahil dati iyong daanan kapag magtatapon ka ng basura. Sana ay hindi naka-locked iyon.
Binagtas ko na ang daan papunta sa likod ng mansyon. Wala gaanong tao na dumadaan dito dahil papunta na nga ito sa likurang bahagi ng mansyon. Madilim at walang kailaw-ilaw. Tahimik ang daan at wala kang ibang maririnig kundi ang malamig na simoy ng hangin. Mabilis ang kalabog ng dibdib ko ngayon. Kahit pa nga mahangin ay namumuo pa rin ang pawis sa aking noo. Nang makita ko ang pintuan ay halos magpasalamat ako sa lahat ng santo sa langit. Simpleng pintuan lamang iyon. Isang luma at nangangalawang na yero.
Kaagad akong lumapit at tiningnan kung naka-locked ba. Napangiti naman ako ng malawak nang malaman kong hindi iyon naka-locked. Marahan kong tinulak ang pintuan at sa wakas nakapasok na ako. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay tanaw ko na ang bodega ko. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at nagmamadali akong tumakbo papunta roon.
When I got inside the warehouse, pinasadahan ko nang tingin ang kabuuan nito. Mabuti na lamang ay wala ako gaanong gamit, hindi magiging mahirap para sa akin na kunin ang mga gamit ko. Humakbang ako patungo sa cabinet at kumuha ng malaking bag. Doon ko isa-isa inilagay ang mga gamit ko. Habang nasa kalangitnaan nang pag-aayos ng gamit ay biglang bumukas ang pintuan kaya kaagad akong napatigil sa ginagawa saka nilingon kung sino man ang pumasok.
"Ma'am! Ano pa pong ginagawa niyo dito? Magbihis na kayo! Kailangan po namin ng tulong, masyadong maraming bisita." si Irena, ang kasama ni Grace sa kwarto.
Napalunok ako. "H-Hindi ako puwede sa loob, kaya niyo n-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil kaagad siyang lumapit sa akin at inabot ang uniform ko na pangkatulong.
YOU ARE READING
Tides Turned (Ruin #1)
Romance"You're going to die in the worst possible tragic way, I'd make sure of that." Hervisca Caprisce Versaylles, a kind-hearted woman who allowed herself to be destroyed by the person she loves. She thinks she deserves it. She can't escape her past mis...