Dedicated to: sheinrseeee
Thank you so much sa mga comments mo here! I really appreciate it! You're one of the reasons why I kept going. Thank you again!♥️
CHAPTER 8
"What the fuck is happening here?!" Risen exclaimed.
Kaagad akong nag-angat ng tingin. Ngayon ay nasa harapan na ni Cereinna si Risen na para bang pinoprotektahan niya ito.
"H-He pushed me!" sumbong ni Cereinna kay Risen. Masama niyang tinitigan si Kael.
Kael sarcastically chuckled. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaluhod at humarang sa harapan ni Kael.
"I-It was all my fault." nahihirapang saad ko.
Anger rushed through Risen's eyes. He gave me a sullen glare. "Bakit magkasama kayong dalawa?"
I bit my lower lips. Nagbaba ako ng tingin at nilaro ang aking daliri.
"You dumb cunt. Bakit hindi mo tanungin ang babaeng 'yan kung bakit nya sinampal si Hervisca?" matalim ang sambit ni Kael mula sa likuran ko.
Cereinna clenched her fist. "She deserve it! Sino ka ba at nangingialam ka? You know nothing!"
Kumuyom ang kamao ni Risen kaya kaagad akong nag-angat ng tingin.
"You pushed her?!" nanginig ang boses niya sa sobrang galit.
Tanging nakakalokong ngisi lamang ang iginawad ni Kael kay Risen. Isinuksok niya ang dalawang kamay sa kanyang bulsa. Risen's eyes were shining with fury as he clenced his fist.
"She just woke up from being comatose in two years!" malakas na sigaw ni Risen.
Nakita kong namilog ang mata ni Kael. Napakagat ako ng mariin sa aking labi. Malakas ang pintig ng aking puso sa mga sandaling ito.
I looked at him. "Kael, please umuwi ka na." I begged.
He was staring at me closely, as if he's reading my thoughts right now. Hindi siya nagsalita, he was just gazing my face as if he was memorizing my features.
"See? She's flirting with that guy, Risen!" bulaslas ni Cereinna.
"Nagkakamali ka, Cereinna." I gulped as my voice crumbled.
Dumapo ang tingin ko kay Risen na ngayon ay nanggagalaiti pa rin sa galit. Nanginig ang kamay ko kaya inilagay ko ito sa aking likuran para hindi nila makita.
"Really?" she grinned. "You and your lies, Hervisca. You can't fool me."
Narinig ko ang sarkastikong halakhak ni Kael. "You keep saying that we're flirting. How about the two of you? As far as I remember, Hervisca is the fiancée of this fucking guy. Bakit kung umasta ka ikaw ang mas mataas dito?"
Cereinna gritted her teeth. "Because I am! Kung hindi lang ako na-coma ng halos dalawang taon, ako dapat ang nasa posisyon niya ngayon!" rage filled her eyes. "Why don't you ask her the reason why I fell into a coma?"
Kael shrugged. "Hindi na. I'm not interested in your bullshit story."
Hindi pa man nakakasagot si Cereinna ay mabilis na lumipad ang kamao ni Risen sa mukha ni Kael. Nanlaki ang mga mata ko sa mabilis na pangyayari. Bahagyang napaatras si Kael dahil sa lakas ng impact ng suntok sa kanya ni Risen. Napahawak siya sa kanyang panga at napansin ko na dumugo ang gilid ng kanyang labi.
Dali-dali akong humakbang palapit sa kanya at tiningnan ang kalagayan niya. My heart races rapidly. Naiinis kong inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa kanyang panga. My hands were shaking with fear when I saw blood dripping from his lips.
YOU ARE READING
Tides Turned (Ruin #1)
Romance"You're going to die in the worst possible tragic way, I'd make sure of that." Hervisca Caprisce Versaylles, a kind-hearted woman who allowed herself to be destroyed by the person she loves. She thinks she deserves it. She can't escape her past mis...