Chapter 14

13.2K 156 50
                                    

CHAPTER 14

Past

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng gabing iyon. It feels like I was a lantern that floating in the air. Iyon ang unang beses na mayroong nakapagpatibok sa puso ko. Hindi ko magawang maipaliwanag ang naramdaman ko. This feeling is new to me. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito. Hindi ko alam na ganito pala ang epekto at nagagawa ng pag-ibig. I am not even sure if this is love. Ang tanging masasabi ko lang sa ngayon ay hindi ko maintindihan ang sarili ko kapag kaharap ko ang lalaking 'yon.

Sa sumunod na araw ay hindi ako pumasok. Gaya ng sabi ko kay Cereinna ay nagtungo ako sa simbahan para mag-serve doon. Tuwing Linggo ay nakagawian ko na ang pagsisimba. My adoptive mother always tells me that Sunday is the day to serve God. Kailangang palagi akong may oras para sa Panginoon. Hindi ko raw dapat kalimutan ang pagsisimba tuwing Linggo. Ang katwiran ng aking nanay, isang oras sa isang araw na nga lang ang ilalaan mo sa Panginoon, hindi mo pa magagawa?

That's why I always cancel all of my schedules in Saturday and set that aside. Hangga't maaari, hindi ako pumapayag na mayroon akong iba pang gagawin tuwing Linggo bukod sa pagsisimba.

"Hervisca!" tawag sa akin ni Cereinna mula sa malayo at kumakaway pa.

Nilingon ko siya at binigyan ng isang matamis na ngiti. Today is Wednesday, at ngayong araw na lang kaming ulit nagkita. Hindi kasi ako nakapasok kahapon dahil kinailangan kong asikasuhin ang mga requirements ko na hindi ko pa naipapasa sa registrar. Kailangan bago kami umakyat sa stage para kunin ang aming diploma ay kumpleto dapat lahat ng requirements namin. Hindi pa nakatulong ang pagkakaroon ko ng problema sa aking pangalan.

My real name is Hervisca Caprisce Versaylles. Ngunit iba ang pangalan na nakalagay sa aking birth certificate. It was Hesvienne Caprisce Versaylles. Kaya kinailangan kong gumastos ng malaki maayos lang ang pagkakakilanlan ko.

Kaagad nawala ang ngiti sa aking labi nang makita si Risen sa kanyang tabi. I suddenly want to run away with him. Ayokong makita siya dahil nagiging iba talaga ang pakiramdam ko kapag nasa paligid siya. Naglakad sila patungo sa direksyon ko. Cereinna wrapped her hands around my arm as she stood next to me.

"Kain tayo? Libre kita." nakangiting turan niya.

Napangisi ako. "Bakit? Gutom ka na naman?"

She pouted. "Yes, kaya tara na."

"Where do you want to eat?" biglang tanong ni Risen sa aming dalawa ni Cereinna. His two hands were in his pants pockets.

Nagtama ang paningin naming dalawa kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. 

"Libre mo ba?" Cereinna asks, raising her eyebrows.

He smirked as he shook his head. "Anything you wants, I'll definitely give."

Cereinna's face blushed uncontrollably. Para bang may sinabi ang lalaki na nakalikha ng kilig sa kanyang sistema.

"Okay!"

Naunang maglakad si Cereinna habang ako ay nasa likuran niya. Nalaman ko kay Cereinna na dito na ipinagtuloy ni Risen ang kanyang pag-aaral. Mabilis naman ang naging proseso kaya ngayon ay pumapasok na siya. Naging kaklase namin siya dahil iisa lang naman ang kursong kinuha naming tatlo. Architecture.

"You? What do you want?" he whispered.

Tumayo siya sa tabi ko kaya ngayon ay hindi na ako mapakali. Diretsyo lamang ang tingin ni Cereinna sa unahan kaya hindi niya napansin na wala na sa tabi niya si Risen.

I gulped hardly. "Wala, hindi ako nagugutom." I almost thanked God because I didn't stuttered with the words I said.

Tumango siya at hindi na ako muling tinanong pa. Humakbang siya palapit kay Cereinna pagkatapos ay inakbayan ito. Nasa likuran lamang nila ako at pinapanood silang dalawa habang naglalakad. I wouldn't lie, if I didn't know they were best friends, I would assume they were couple. Masyado silang malapit sa isa't-isa, 'yong tipong kilala nila at kabisado ang isa't-isa. Para bang dalawang taong nagmamahalan at hindi na mapaghihiwalay pa-na maski tadhana ay hindi iyon magagawa sa kanilang dalawa.

Tides Turned (Ruin #1) Where stories live. Discover now