EPILOGUE
Trigger Warning: Sensitive language and content. Read at your own risk.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko at napaupo ako sa sahig. Nanubig ang mata ko nang tingnan ko si mama. Kaagad niyang dinaluhan ang umiiyak na nakababatang kapatid ko. Nadapa ito at sumubsob ang kanyang tuhod kaya nagkaroon ng galos doon.
Nang makita ni mama ang sugat sa tuhod ni Risen ay nanlilisik ang mga mata niya nang balingan niya ako ng tingin.
"Anong ginawa mo sa kapatid mo?!"
Hinawakan ko ang pisngi ko na sinampal niya. "W-Wala po akong ginagawa. Nadapa siya, tinutulungan ko lang siya." naiiyak na sagot ko.
Kita ko sa tabi ni mama si kuya Rhodge na mayroong nakakalokong ngisi sa kanyang labi habang nakatingin sa akin. Ipinahawak sa kanya ni mama si Risen saka galit na galit akong nilapitan.
"Hindi ba sinabi ko na sayo na huwag na huwag kang lalapit kay Risen?!" sigaw niya pagkatapos ay marahas akong hinila kaya napatayo ako. "Alam mo ng kamalasan ang dala mo dikit ka pa ng dikit!"
Tuluyang tumulo ang luha sa aking pisngi.
"Kahit kailan talaga problema ang dala mo sa pamilyang 'to! Pagkatapos ma-ospital ng asawa ko ngayon si Risen naman ang balak mong dalhin sa ospital?!" Sinampal niya ulit ako.
Pakiramdam ko ay namamanhid na ang mukha ko dahil sa ginagawa sa akin ng sarili kong ina. Wala akong ibang magawa kung 'di tiisin ang lahat. Lilipas din naman ito, bukas o sa susunod na araw hindi na galit sa akin si mama.
But I was wrong.
"Rembrandt! Ano na naman bang ginawa mong bata ka?!" malakas at nakakapangilabot na sigaw niya.
Kaagad na dumaloy ang takot sa buong katawan ko. Takot na baka mapalo na naman ako. My hands and legs began to shiver in fear. Bakit galit na naman sa akin si mama?
"I warned you! Bakit ba hindi ka nakikinig sa akin?"
"I-I'm sorry po." my lips quivered.
She suddenly grabbed my hair making me groaned in pain.
"Walang magagawa 'yang lintek mong sorry! Paulit ulit ko na sayong sinabi na wala kang kakausapin kina Rhodge at Risen!" she gave me a hostile glare. "Alam mo, kung alam ko lang na magiging sakit ka sa ulo? Hinayaan na sana kitang mamatay noon! Isang malaking pagkakamali na hinayaan pa kitang mabuhay!"
I cried.
Ilang sandali lang ay marahas niya akong hinila at kinaladkad palabas ng bahay namin. I was then shoved inside our shuttered storehouse by her. Humahagulgol akong yumakap sa binti niya at paulit ulit na nagmakaawa.
"Ayaw ko po rito mama, madilim po rito!" I sobbed.
She violently removed my hands from her legs. Mabilis siyang lumabas at isinarado ang pintuan. When I heard the clang of the chain, I knew she was going to lock me up again. Malakas kong hinampas ang pintuan habang umiiyak.
"Mama, ayoko po rito! Natatakot ako, please po hindi na ako uulit! Hindi na ako lalapit kay Risen, basta 'wag lang po ako rito!" hikbi ko.
Wala na akong narinig na sagot mula kay mama. Umalis na siya. Tumayo ako at kaagad na nagtago sa loob ng isang kabinet. I closed my eyes so tightly as my hands started to trembled in fear. Takot ako sa dilim. Monster will come and eat me. Ayoko rito.
Hindi lamang isang beses na nangyayari ito sa akin. Palagi akong ikinukulong ni mama rito sa loob ng isang maliit na bodega sa tuwing nakakagawa ako ng mali. Minsan umaabot ako ng isang linggo rito at tubig lamang ang laman ng tiyan ko. Makakalabas lamang ako kapag binuksan na ni mama ang bodega.
YOU ARE READING
Tides Turned (Ruin #1)
Romance"You're going to die in the worst possible tragic way, I'd make sure of that." Hervisca Caprisce Versaylles, a kind-hearted woman who allowed herself to be destroyed by the person she loves. She thinks she deserves it. She can't escape her past mis...