Special Chapter

4.8K 62 22
                                    

SPECIAL CHAPTER

KAKARATING ko pa lang sa bahay nang marinig ko ang malakas na pagkabasag ng mga pinggan sa kusina namin. As usual they are fighting again. I let out a deep breath.

"Stop it, Risen! Ganyan na lang ba talaga ang gagawin mo sa buhay mo? Nakakasawa ka na!" umiiyak na sigaw ni mom.

Humakbang ako patungo sa kusina at tiningnan silang dalawa. Gulo gulo ang mga gamit namin sa kusina. There were broken plates and glasses all over the floor, along with an overturned table and kitchen utensils.

Hindi makatayo ng maayos si dad dala ng kalasingan. "S-Shut up, Cereinna. Your voice irritating me."

Dumaan ang gulat sa mukha ni mom. "W-What?"

"You heard me! Will you just shut up? Rinding rindi na ako sa boses mo!" malakas na sabi ni dad pagkatapos ay inihagis ang bote ng alak na hawak niya sa sahig.

Halos mapatalon ako sa gulat nang tumama iyon sa sahig namin. Nagkandabasag basag ang bote at kahit malayo ako sa kanila, tinamaan pa rin ng bubog ang kaliwang siko ko. Kita ko ang pagbaon ng bubog sa siko kasabay ng mahinang pagdaing ko.

"Ikaw ang tumigil, Risen!" agap ni mom. "We've been here for more than a decades and you still haven't gotten over Hervisca! What were you thinking? Na mamahalin ka pa rin niya? Wake up, Risen, may pamilya na yung tao at may pamilya ka na rin! She will never love you!"

Hervisca. I pressed my fingers tightly against my palm. Just hearing her name makes my blood boils with rage. I don't know who the fuck she is. I hate that woman. I hate everything about her! Palagi nilang pinagtatalunan ang babaeng 'yon. Kahit noon pa man na nasa Pilipinas pa lang kami hanggang ngayon.

We've been here in Los Angeles for more than years at sa loob ng maraming taon na 'yon wala silang ibang ginawa kung 'di ang mag-away. Si Austin ang kambal ko, palagi siyang wala rito sa bahay dahil alam niyang palaging ganito ang mangyayari. He's always with his friends, doon na nga rin siya natutulog at minsan lang umuwi rito sa bahay namin kapag alam niyang wala sila mom and dad.

Palaging ako ang naiiwan dito para asikasuhin sila. I need to clean the house, do the chores, and study. Hindi na nagagawa iyon ni mom dahil nagtatrabaho siya as an assistant in a well known company. Sumasideline din siya at nagtitinda ng kung ano ano dahil alam niyang kulang na kulang pa rin ang sinasahod niya sa dami at laki ng gastusin namin dito sa bahay. Si dad naman ay walang ibang ginawa kung di ang mag-inom buong araw. Madaling araw na siya kung umuwi minsan nga ay hindi na.

I vividly recall the time when he was sleeping on the streets when I spotted him. I was a preschooler that time and was heading home from school. Snow was falling, and he was terribly inebriated. His lips nearly pale from the cold at that time, thus he was lying on the ground as if he had passed away. Kahit maliit pa ako noong mga oras na yon ay hindi ko siya iniwan. Hirap na hirap akong inakay siya pero itinulak niya lamang ako.

I didn't give up. Paulit ulit ko siyang tinulungan pero paulit ulit niya rin akong itinulak as if he doesn't want me to help him. I had no choice but to leave him behind.

Natauhan ako nang sandaling makita kong nasa sahig na si mom, nakasalampak siya roon habang hawak hawak niya ang kaliwang pisngi niya. Sinampal siya ni dad.

"You don't tell me what to do! Asawa lang kita, Cereinna at alam kong alam mo na kahit kailan ay hindi kita minahal!" he gave her a hostile glare. "Si Hervisca! Siya ang totoong minahal ko! K-Kung hindi dahil sayo, hindi naman mawawala sa akin si Hervisca." nag-unahang bumagsak ang luha sa kaniyang mukha.

Mariin kong kinagat ang aking labi at nagbaba ng tingin. Ikinuyom ko ang palad ko.

"B-Bakit kasi ipinilit mo pa? I told you everything! Sinabi kong si Hervisca ang mahal ko pero anong ginawa mo? Sinira mo ang lahat! You ruined everything!" he sobbed harder.

Tides Turned (Ruin #1) Where stories live. Discover now