A/N: Hi, I just want to say sorry dahil sa mabagal at matagal kong update. Malapit na kasing matapos kaya hindi ko gaano minamadali. Hope you understand. Thanks!
CHAPTER 35
Tatlong araw. Tatlong araw nang nawawala ang anak ko. Hindi ko magawang makatulog dahil punong puno ng pangamba ang isipan at puso ko. I feel like a piece of myself is missing, and I can't help but cry. I felt weak and the pain was excruciating, as if I'd lost my will to live.
Nanatili ako sa kwarto ng anak ko at hindi lumabas ng halos isang araw. Mahigpit ko lang na niyayakap ang manika niya habang patuloy ako sa pag-iyak.
Sa loob ng tatlong araw ay kita ko rin ang walang humpay na paghahanap ni Kael kay Auri. Hindi kami tumigil sa kakahanap sa kanya. Tumulong din sa amin sina Aushe, Viyou, Rusthe, at Daynielle. That day, we all checked the cctv footages at nakita namin doon ang dalawang tao na kumuha kay Auri. Hindi namin matukoy kung lalaki ba ito o babae dahil sa suot nilang kulay itim, maski buong mukha nila ay natatakpan.
Kitang kita ko kung paanong lumabas mag-isa si Auri ng kwarto niya habang kami ay abala sa pag-uusap sa sala. She left until the camera caught her outside the penthouse. Lumapit sa kanya ang dalawang tao at kinausap siya pagkatapos ay isinakay na siya sa kulay itim na van. Ang tanging naiwan na lang ay ang manika niya na nahulog nang ito ay mabitawan niya nang siya ay isinakay sa van.
I was hopeless. Sa loob ng dalawang araw na paghahanap namin sa kanya ay wala pa rin kaming lead kung nasaan siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa anak ko. Ikamamatay ko.
I wiped the tears from my face when I heard a knock from the door. Bumukas ang pinto at bumungad sa aking paningin si Kael na mayroong hawak na tray sa kanyang kamay. He entered the room and walked towards me.
"You need to eat, Hervisca. Ilang araw ka nang walang kain." malambing na saad niya.
Nag-iwas ako ng tingin. "Wala akong gana."
I heard his raspy breath. "Please,"
Hindi ko siya pinansin. Inilapag niya ang pagkain at naupo sa tabi ko. Hindi ko pa rin siya tinitingnan.
"Kailangan mong kumain para magkaroon ka ng lakas." dagdag niya pa.
I didn't say anything. Tikom lang ang bibig ko at walang balak na makipag-usap sa kanya. Naramdaman ko ang pagkuha niya ng kutsara at itinapat ito sa bibig ko na para bang sinusubukan niyang pakainin ako. Dahil sa inis ko ay naiirita kong tinabig ang kamay niya na naging dahilan para tumalsik ang kutsara at matapon ang pagkain na naroon.
I glared at him. "Sinabi ng wala akong gana! Hindi ka ba marunong umintindi?!" sigaw ko sa kanya.
His face was filled with pain. He lowered his gaze and bit his lower lip tightly. Kitang kita ko ang sakit na dumaan sa kanyang mukha. Bigla ay tinamaan ako ng konsensya sa nagawa ko. Marahas akong napalunok kasabay ng muling pag-iwas ko ng tingin sa kaniya.
"U-Umalis ka na muna, Kael. Gusto kong mapag-isa." walang emosyong sabi ko sa kanya.
Humalukipkip siya kasabay nang pag-iling niya. "No, dito lang ako. Hindi kita iiwan."
I gritted my teeth as I turned my gaze at him. " I don't want you here, Kael. Now please, leave." puno ng pagtitimpi ang boses ko.
Hindi siya nagpatinag at muling umiling. "Hindi ako aalis, dito lang ako."
Mariin kong kinuyom ang palad ko at padarag na umalis sa kama. Naglakad ako sa harapan niya at marahas na hinila ang braso niya. "Leave me alone!"
Dahil sa lakas ng pwersa nang pagkakahila ko sa kanya ay napatayo siya. I pushed him as hard as I could. Gusto kong mapag-isa. Hindi ko kailangan ng kasama.
YOU ARE READING
Tides Turned (Ruin #1)
Romansa"You're going to die in the worst possible tragic way, I'd make sure of that." Hervisca Caprisce Versaylles, a kind-hearted woman who allowed herself to be destroyed by the person she loves. She thinks she deserves it. She can't escape her past mis...