Chapter 22

9.8K 152 43
                                    

CHAPTER 22

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Ang araw ay masakit na sa balat. Nang buksan ko ang mga mata ko ay tumambad sa harapan ko ang mukha ni Kael. Magkatabi kaming nakahiga sa kama. Mahimbing siyang natutulog at kaakit akit ang pilik mata niya na mahahaba. Ang kamay niya ang nagsilbing unan ko habang ang isa pa ay nakayakap sa akin.

Sinubukan kong alalahanin ang nangyari kahapon at nang maalala ko ito ay muling nadurog ang puso ko. Skye's face flashed in my head. Wala na siya. Wala ng kasama si Heaven. Mas lalo akong lumapit kay Kael at ibinaon ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Naramdaman ko naman ang bahagyang paggalaw ng balikat niya.

"Goodmorning, love." humigpit ang yakap niya.

Hindi ko magawang magsalita. Para bang nawalan ako ng boses at nanuyo na ang lalamunan ko.

Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. "You still sad about it?"

I buried my face in his chest more. Narinig ko ang malalim na paghinga niya.

"I buried Skye in backyard, si Heaven ay kanina pa nandoon, hindi niya iniiwan ang puntod ni Skye."

Naramdaman ko ang tanikala ng kirot sa aking dibdib. Ipinikit ko na lamang ang aking mata para maiwasan ang pamumuo ng luha sa aking mata. Isang beses niya pa akong pinatakan ng halik, this time sa noo na.

"Don't be sad, nandyan pa naman si Heaven, she's not going to leave you."

Marahan akong tumango habang nakayakap pa rin sa kaniya. Ilang saglit pa kami na sa ganoong posisyon lang. Kahit pa nga tirik na ang araw sa labas ay walang may balak sa amin na bumangon. Nanatili lamang kami sa ganoong pwesto, magkayakap sa isa't isa. It's like we're recharging and draw strength from each other. It seems that each other has become our resting place. I feel relaxed and at peace in his arms. Gusto po sanang magtagal sa ganoong posisyon naming dalawa ngunit alam kong kailangan na naming bumangon. Kailangan niya nang mag-asikaso dahil may trabaho pa siya.

"Let's go, you have to eat." he murmured against my neck.

Umiling ako. "Wala akong gana, Kael."

Kaagad na nalukot ang mukha niya. "You need to regain your strength. And I don't want you to skip your meal." Kumalas siya sa akin at umahon na sa higaan.

Nanatili akong nakahiga at wala pa ring balak na bumangon. A smile crawled to his lips, like he's planning something. I screamed when he suddenly picked me up like a bridal style. Wala akong ibang nagawa kung di and kumapit sa kaniya at ipulupot ang kamay ko sa kaniyang batok. Dinala niya ako sa sala, marahan niya akong ibinaba at pinaupo sa silya.

He lowered his gaze at me then landed a soft kiss in my lips. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya.

"I'll cook something," Tinalikuran niya na ako at naglakad papunta sa kusina.

Pinanood ko ang likuran niya. Mula sa aking kinauupuan ay tanaw na tanaw ko ang bawat kilos niya. Nakatalikod siya sa akin kaya wala siyang ideya na pinapanood ko siya ngayon. Nakaharap siya sa sink habang sinisimulan ang iluluto niya. Tinupi niya ang dulo ng kaniyang long sleeve hanggang siko niya. He then focused his attention sa kaniyang ginagawa. Seryoso lang siya sa ginagawa niya as if he doesn't want to messed up. Wala akong ibang ginawa kung di ang hintayin siyang matapos.

Paminsan minsan ay nahuhuli ko siyang sumusulyap sa direksyon ko pagkatapos ay bibigyan ako ng isang matamis na ngiti. Tila ba sa akin siya kumukuha ng inspirasyon sa kaniyang ginagawa. Nang ma-bored ako ay nagdesisyon na akong tumayo at lumapit sa kaniya. Hindi niya naramdaman ang presensya ko dahil masyado siyang focus sa niluluto niya. Nang makalapit ako kaagad sumalubong sa akin ang mabangoy amoy ng pagkain na niluluto niya.

Tides Turned (Ruin #1) Where stories live. Discover now