Dedicated to: Kristine Salomon, creysdeynnn, sha_nel, maxieloveyoo, thebestjaynne, JashyLeigh MissAtinLUZ, xxsoteria, KynLee074, querenciaelle
A/N: Hope you enjoy this chapter. Sa mga hindi nasama sa dedication, huwag pong magtampo, may next pa. Merry Christmas everyone! I love you all!♥️
CHAPTER 5
The following days, I locked myself away. Hindi ko magawang kumilos. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng buhay. Nagmistulan akong lantang gulay at nawalan ng gana sa lahat. Nakaupo lang ako habang tulala at malayo ang tinatanaw.
My heart throbbed in pain when I suddenly remember everything. His words are still in my heart, stuck and indelible. Hindi ko matanggap ang mga sinabi nya. He judged me without knowing anything.
Muling tumulo ang luha sa aking pisngi. Ilang araw na ang lumipas pero masakit pa rin talaga. Hindi ako gano'n, alam ko sa sarili ko na hindi ako gano'n.
Pinunasan ko ang aking mukha at huminga ng malalim. Napalingon ako sa pintuan ng marinig ko ang isang malakas na katok na nagmumula sa labas.
"Ma'am, buksan nyo na po itong pintuan. May dala po akong tinapay para sa inyo!" muli siyang kumatok. "Ma'am nag-aalala na po kami sa inyo! Buksan nyo na po ito, please."
Mariin kong kinagat ang aking labi. Sa sumunod na mga araw ay palaging pumupunta si Grace dito to check me. Alam niyang ilang araw na akong hindi kumakain, kaya mas lalo siyang nag-aalala. Wala akong ganang gumain, and I can't believe until now ay hindi pa rin kumakalam ang aking sikmura. Palagi siyang nasa labas at hinihintay na pagbuksan ko ng pintuan ngunit hindi ko iyon ginawa.
I took a deep breath before I stood up. Sa aking pagtayo ay doon ko naramdaman ang panghihina ng aking tuhod. Muntik pa akong matumba, mabuti na lamang ay mabilis akong nakahawak sa upuan. Napahawak ako sa aking ulo dahil bahagyang kumirot iyon. Marahan kong minasahe ang aking sentido saka muling napahinga ng malalim.
Humakbang ako papunta sa pintuan at binuksan ito. Bumungad sa harapan ko si Grace na nakaupo sa gilid ng pintuan habang pinipitas ang mga halaman na nasa tabi nya. Ang tinapay na dala nya ay nakalagay sa kanyang hita. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakikita.
"Lalabas si ma'am," pinitas nya ang isang dahon. "Hindi lalabas si ma'am." muli siyang pumitas ng isa pang dahon. "Lalabas si ma'am . . . hindi lalabas si ma'am."
Napangiti ako sa ginagawa niya. Paulit ulit niya iyong sinabi na para bang nasa mga dahon nakasalalay kung lalabas ba ako o hindi.
"Lalabas si ma'am!" natutuwang sigaw nya matapos pitasin ang natirang dahon.
I crossed my arms at sumandal sa pintuan. Nanatili ang tingin ko sa kanya. Tumayo siya at nang lingunin niya ang pintuan ay halos mapatalon siya sa gulat nang makita ako.
Napahawak pa sya sa dibdib. "Ma'am! Nagulat po ako!"
Mahina akong natawa. "Kinalbo mo na ang halaman ko, Grace."
Nahihiya siyang tumawa at napahawak pa sa kanyang batok. "S-Sorry po ma'am, ipagtatanim ko na lang po kayo hehe."
Napailing ako at tinalikuran na siya. Pumasok siya sa loob at inilapag niya ang tinapay na dala niya sa lamesa. Mukhang napansin nya na magulo ang mga gamit ko dahil napasinghap siya nang pagmasdan nya ang buong paligid. Nakakalat pa rin ang mga damit ko sa sahig. Ang mga pilas ng notebook ay nandoon rin. Habang ang kama ko na ngayon ay kawayan na lang ay nasa isang sako at nakalagay sa sulok.
YOU ARE READING
Tides Turned (Ruin #1)
Romansa"You're going to die in the worst possible tragic way, I'd make sure of that." Hervisca Caprisce Versaylles, a kind-hearted woman who allowed herself to be destroyed by the person she loves. She thinks she deserves it. She can't escape her past mis...