Chapter 26

9.4K 157 66
                                    

CHAPTER 26

The next following days was challenging for me. Autumn and I's nonstop training was killing me. I'm not sure how Autumn manages to balance her work as Kael's secretary and then her, training with me.

Itinuro niya sa akin ang paggamit ng mga armas. Halos limang oras kaming nasa shooting range. Itinuro niya sa akin ang lahat. It's a good thing that I am a fast learner, I can quickly understand what she is saying.

She believes that everything she teaches me will benefit me. Autumn had a feeling that Casthania was dangerous. Inutusan niya rin ang malapit na kaibigan niya na maghanap ng mahahalagang impormasyon tungkol kay Casthania. It was her way to know if Casthania is involved in crimes.

Ngayon ay nandito kaming dalawa sa gym ng Deluxe Durga upang magsanay. I was wearing a black sports bra and leggings. Iinuturo niya naman sa akin ang self defense. Halos tatlong oras na rin kami nandito. Hindi kami tumitigil. I'm not sure where she gets her strength or how she maintains her stamina or speed. Ni hindi ko siya makitaan ng pagod.

Samantalang ako, pagod na pagod na.

"Fuck it, Isca! Tuck your chin, and look at your target!"

Sinunod ko ang sinabi niya. I gestured to her as I clenched my fist firmly. Umangat ang gilid ng labi niya. Napaatras ako nang muli siyang nagsimula. She throw me two punches. Luckily, I am still fast that I successfully blocked it. She then kicked! Bahagya akong napaatras dahil sa impact ng sipa niya.

She smirked. "Too weak,"

Mariin akong napalunok. Muli kong hinanda ang sarili. This time, ako na ang sumugod sa kanya. I punched her thrice but she memorized my moves that it makes easy for her to blocked my punches. Nahuli niya ang kamay ko at mahigpit niya iyong hinawakan. Mabilis niyang inikot ang kamay ko at inilagay ito sa likuran ko. I groaned in agony, knowing she was going to break my hand.

Kapwa kaming mabilis ang paghinga.

"You never learn, Isca. Hindi mo ginagamit ang utak mo when it comes to this," hawak niya pa rin ang kamay ko habang nasa likuran ko. "You're too busy memorizing my moves, kapag ganyan ka ng ganyan, ikaw ang mapapatay ni Casthania."

Marahas at malakas niya akong tinulak. I got knocked down completely. Talo na naman ako. Sa loob nang ilang araw na pagsasanay na ginawa naming dalawa ay hindi ko nagawang manalo sa kaniya. Hindi ko alam pero masyado siyang mabilis at hirap akong habulin ang mga galaw niya. Hindi ko masabi kung kailan at ano ang magiging sunod na atake niya.

Minsan hindi ko maiwasan ang mapaisip. Sino kaya ang nagturo sa kaniya ng lahat ng itinuturo niya sa akin ngayon? Oh, sadyang siya lang mismo ang nagturo sa sarili niya?

"Change your clothes, bukas na natin ulit ituloy ang training mo. I need to go to office," humugot siya ng isang malalim na hininga. "I have important things to do."

I was catching my breath when I saw her walk to the bench. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko at abot abot ang hininga ko. There were beads of sweat on my forehead. Kahit hinihingal pa ay pinilit ko ang sarili ko na tumayo. Humakbang ako patungo sa bench at doon naupo para magpahinga. Dahil sa pagod ay hindi na namin magawang magsalita. Ilang saglit lang ay tumalikod na siya at naglakad palabas ng gym. Na-liwan akong mag-isa. I grabbed my towel and tumbler.

Kaonti lang ang ininom kong tubig. I grabbed my duffel bag then walked to the locker to change my clothes. Nang makita kong maayos na ang sarili ay lumabas na ako ng gym. Nasa labas na ako nang bumungad sa harapan ko ang driver ni Autumn. Si Ledger. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon pero hindi iyon halata dahil mukhang magka-edad lamang kaming dalawa.

Tides Turned (Ruin #1) Where stories live. Discover now