A/N: No updates this week. Busy po ako sa reporting. Thank you and enjoy reading!
CHAPTER 13
Past
"Hervisca! Where have you been?!"
I let out a squeak of pain when she suddenly hit my shoulders. I turned to face her and raised my eyebrows at her. Her long shinny hair a complete mess. She was catching her breath when she stopped in front of me.
"I've been looking for you everywhere!"
Napairap ako. "Galing akong library, Cereinna."
Nalukot ang kanyang mukha. "It feels like the library here became your home! Palagi ka na lang nandoon."
I sighed heavily. "Alam mo naman pala na nandoon ako palagi, bakit hindi mo ako doon pinuntahan?"
"Well, nawala sa isip ko."
Napailing na lang ako sa kanya saka nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan niya ako at ngayon ay nakapulupot na ang kanyang kamay sa aking braso. That's her favorite gesture to do to me. Nasanay na lang ako sa kanya.
"Anyway, punta ka mamaya sa bahay and be sure not to be late!" her eyes squinted. "Sa bahay ka na mag-dinner, ipagpapaalam kita kay Tita."
I shook my head, "Huwag na, wala 'yon sa bahay, nasa simbahan. Gabi na ang uwi no'n."
Napatango siya. "Basta 'wag mong kalimutan, this day is so important to me and I want you to celebrate it with me."
Kumunot ang noo ko. "Ano bang meron?"
She gave me a sweet smile. "Mamaya na lang okay?"
I took a deep breath before looking away. Hindi ko na siya sinagot. She's my only bestfriend, Cereinna Mhavien Cortezzi. She was breathtakingly lovely. With her long hair, glowing skin, and her stunning hazel eyes. She was really the epitome of beauty.
We became best friends when we were in high school. Magkaklase kami noon and Cereinna was really famous back then. Kahit hanggang ngayon na college na kami ay kilala pa rin siya sa buong campus. Maraming agency ang pinag-aagawan siya upang maging modelo. Kaya hindi na nakapagtataka ang kasikatan niya. Ang kaniyang pamilya ay kilala rin sa buong Pilipinas dahil sa husay nito sa pamamalakad ng kanilang negosyo.
Hindi pa man din tapos sa kolehiyo itong si Cereinna, nakalatag na sa kanyang harapan ang kinabukasan niya. Cereinna is the most genuine person I have ever met. Palagi niyang sinisigurado na hindi siya makakasakit ng damdamin ng isang tao. Sa tuwing may lalapit sa kanya ay kahit pa nga may importanteng ginagawa ay kaagad niya itong ititigil para sa taong iyon.
She's kind but fragile. Mabilis masaktan kaya hangga't maaari hindi siya pinapayagan ng mga magulang niya na gumamit ng social media. Hindi naman kasi lahat ng tao ay gusto siya. Maraming naiingit sa kagandahan at kabaitan na ipinapamalas niya. Cereinna seems like a threat to them.
Habang naglalakad kami sa hallway ay napapahinto ang mga lalaki sa kagandahan niya. Binibigyan niya lamang ito ng isang matamis na ngiti.
"Why they look stunned? May dumi ba ako sa mukha?" mahinhin niya na tanong sa akin.
I breath. "Hindi ka ba aware sa kagandahan mo?"
Nanlaki ang kanyang mata at pansin ko ang pamumula sa kanyang pisngi.
"So, they find me beautiful?"
"Yes, halos lahat naman." I lazily replied.
Napahawak siya sa kanyang pisngi at kitang kita ko ang kilig na dumapo sa kanyang mukha.
YOU ARE READING
Tides Turned (Ruin #1)
Romance"You're going to die in the worst possible tragic way, I'd make sure of that." Hervisca Caprisce Versaylles, a kind-hearted woman who allowed herself to be destroyed by the person she loves. She thinks she deserves it. She can't escape her past mis...