Chapter 16

13.1K 186 78
                                    

CHAPTER 16

Isang malambot na haplos sa pisngi ang gumising sa akin. Unti unti kong binuksan ang aking mata at ang mukha ni Kael ang bumungad sa harapan ko. His eyes filled with worry as if he was worried about my condition. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"You're crying, are you okay?" He spoke in quavering tones.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at nang hawakan ko ang pisngi ko, doon ko nakumpirma na lumuluha nga ako. There was a teardrop trickling down my cheek. Kaagad akong bumangon at umayos ng upo. Pinalis ko ang luha na bumagsak sa aking mukha.

I looked at him and gave him a weak smile. "Ayos lang ako, may napanaginipan lang."

He let out a deep breath. "What did you dream of? Is it bad?" malambing ang tinig niya.

Umiling lang ako at hindi siya sinagot. Kitang kita ko pa rin ang pag-aalala sa kanyang mukha. He took a long breath as his eyes were still on me.

Sumandal siya sa upuan. "May masakit sa katawan mo? Your position while sleeping is not comfortable,"

I shook my head. "Wala naman. Ikaw? Hindi ba namanhid ang hita mo?" mahinang tanong ko.

"No, I'm good."

Tanging tango lamang ang isinagot ko sa kanya. Hindi niya inalis ang kanyang paningin sa akin. Tila ba may gusto siyang marinig sa akin at hinihintay niya lamang akong sabihin iyon sa kanya. He was staring at me as if he was reading my mind. Hindi ko naman magawang alisin ang paningin ko sa kanya at nakipagtitigan din sa kanya. Umihip ang hangin ng malakas kaya hinangin ang buhok ko at nagulo ito. Natakpan ng buhok ko ang aking mukha. As the wind blew, his face lit up with a broad smile while shaking his head. Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang nakakalokong tawa niya na tila ba inaasar ako. He makes fun of me for having messy hair that once covered my face.

Naiinis ko siyang tiningnan ng masama. Tumikhim siya at mariin na kinagat ang pang-ibabang labi. Hindi pa rin naalis sa kanyang mukha ang nakakalokong ngiti niya. I irritatedly fixed my hair while rolling my eyes at him.

Nawala ang ngiti sa labi niya at tiningnan ako ng seryoso.

"Tumalikod ka," tanging bigkas niya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Anong gagawin mo?"

His lips rose. "Aayusin ang buhok mo."

Umangat ang kilay ko sa narinig sa kanya. Aayusin niya ang buhok ko? Paano naman? Marunong siya?

"Marunong ka?" I asked in disbelief.

Marahan siyang tumango. "Uh-huh, kaya tumalikod ka na at nang maayos ko na."

Walang imik akong sumunod. Tumalikod ako sa kanya habang nakaupo sa upuan. Naramdaman ko ang bahagyang pagtagilid niya ng upo para hindi siya mahirapan sa pag-ayos ng buhok ko. He put all of my long hair in his hands and softly combed it with his finger. Naramdaman ko ang boltahe ng kuryente na dumaloy sa aking katawan nang dumampi ang kanyang palad sa aking leeg. Napakagat ako ng mariin sa aking labi upang pigilan ang aking sarili.

Hinayaan ko siya na gawin ang lahat ng gusto niya sa aking buhok. Tahimik lang siya habang inaayos ang buhok ko. He focused his full attention on my hair and seemed like he didn't want to mess it up.

"Do you have a hair tie?" mahinang tanong niya habang hawak ang dulo ng buhok ko.

Umiling ako. "Wala."

Hindi na siya sumagot at muling itinuon ang atensyon sa aking buhok. Ilang minuto ang lumipas at natapos na rin siya sa kanyang ginagawa. Nilagay niya ang buhok ko sa balikat ko. Nang tapunan ko ito ng tingin ay halos mamangha ako sa aking buhok. My long hair was already braided, and he even added a small hair clips with a flower design. Unti unti ko siyang hinarap at sumalubong sa akin ang matamis niyang ngiti.

Tides Turned (Ruin #1) Where stories live. Discover now