Chapter 36

7.7K 129 50
                                    

CHAPTER 36

Now it all make sense. Ngayon ay alam ko na kung bakit noon pa lang ay mainit na ang dugo sa akin ni Casthania. Now I know why every time Cereinna and I were together back then, she thought of me as a bad influence. Hindi ako tanga para hindi ko maramdaman na hindi niya ako gusto bilang kaibigan ni Cereinna.

Kaya naman pala.

Siguro sa tuwing nakikita niya ako ay naaalala niya sa akin ang mga magulang ko. My parents tried to protect me from her. Ginawa nila ang lahat para mapalayo ako kay Casthania. Pero iba rin talaga maglaro ang tadhana at mas lalong pinaglapit ang landas naming dalawa.

I became friend with Cereinna and our paths crossed again. That's the game begin. Kung paano niya akong muling pinahirapan. She control my life in her hands.

Unti unting pumasok sa isipan ko qng lahat ng mga pinagdaanan ko nang dahil sa kagagawan niya. Ang akala ko noon sadyang hindi niya lang gusto ang presensya ko. Hindi ko alam na mayroon pala siyang koneksyon sa mga magulang ko. Magkaibigan pala silang dalawa noon ng nanay ko. Ngunit ng dahil sa inggit, she took everything away from my parents. Lahat lahat. Pati buhay nila.

Hindi ko alam pero wala na akong mailuha. Gusto kong umiyak pero hindi ko na magawa. Naubos na yata ang mga luha ko. Pakiramdam ko parang namanhid na ang buong katawan ko dahil sa mga nalaman ko. I was just looking down as my mouth fell slack.

Natunugan ko ang paghakbang ni Severino sa harapan ko. He pulled me close in an embrace as if he wanted to ease the pain I was feeling. Wala siyang ibang sinabi. Niyakap niya lang ako na para bang sinasabi niyang hindi ako nag-iisa. Na mayroong pa ring mga taong nandyan para samahan at patuloy akong sasamahan at mamahalin.

I didn't feel anything. Para sa akin, sobra sobra na ang lahat ng mga sakit na nasa puso ko. Nagpatong patong na 'yung sakit, galit, poot, at hinagpis. Hindi ko na alam kung ano bang dapat na maramdaman ko. Hinang hina na ako at gusto ko na lang magpahinga.

Humiwalay sa akin si Severino at hinawakan ang dalawang balikat ko. "May ipapakilala ako sayo." ngumiti siya pagkatapos ay hinila na ako.

Kahit hinang hina pa ako sa mga nalaman ko ay sumunod na lang ako sa kaniya. Ilang minuto lang ay narating namin ang sa tingin ko ang pinakadulong kwarto ng pangalawang palapag ng bahay niya. Bago niya iyon buksan ay nilingon niya muna ako at ginawaran ng isang mapait na ngiti.

Hindi ako nagsalita. Binuksan niya ang pinto at pareho kaming pumasok sa loob. I cast a glance around the room and my gaze rested on the woman who was seated in a wheel chair and gazing out the window. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Naguguluhan akong tumingin kay Severino.

He fixed his gaze on the woman. "She's your mother, Hervisca."

My brows furrowed.

Humugot siya ng isang malalim na buntong hininga. "Alam kong naguguluhan ka, pero hindi totoong namatay siya. After she left you in front of the church, nahanap siya ng mga tauhan ni Casthania. Doon nagsimula si Casthania na pahirapan siya."

Nanginig ang labi ko dahil sa narinig.

"We found her, sa isang liblib na lugar. Ang akala namin patay na siya but miraculously, she survived." he swallowed hard. "She had broken six ribs, both of her lungs had been punctured, and she had severe bruises all over her body. W-We also discovered different specimens inside her.."

Nanigas ang buong katawan ko. I felt like the world suddenly collapsed. Malakas na nagwala ang dibdib ko sa kaba. Fear chilled my heart as it was hampering in my chest. Para akong sinasakal at anumang oras ay mauubusan ako ng hininga.

Tides Turned (Ruin #1) Where stories live. Discover now