Chapter 18

12.1K 219 89
                                    

A/N: Hello, chinnies! This chapter and the next chapter will have vulgar words, abusive, aggressive, intense and sensitive scenes. Please, you can stop reading if this book brings discomport to you. I, myself the author doesn't want to cause any triggers. To those readers of mine who will continue reading this story, please prepare yourself. Thank you!❤️

CHAPTER 18

"Gosh! You're so stupid! Napakasimple na lang ng pinapagawa ko sayo, hindi mo pa nagawa ng maayos!" pagalit na sigaw sa akin ni Cereinna.

Ngayon ay nakaluhod ako sa harapan niya at isa-isang pinupulot ang mga bubog ng tasang inihagis niya sa harapan ko mismo kanina. Muntik na akong matamaan mabuti na lamang at nakaiwas ako.

"I want a tea, Hervisca! Not a coffee!"

Patagong nagtangis ang panga ko sa narinig. Ang hinihingi niya sa akin kanina ay kape. Nang bibigyan ko na siya ng kape, biglang nagbago ang isip niya at ang gusto niya na ngayon ay tsaa. Hindi ko siya maintindihan. Pabago bago ang takbo ang isipan niya. Oh, baka naman gusto niya lang talaga akong pahirapan?

"Pasensya na, ipaghahanda ko na lang po kayo ulit ng panibagong tsaa." nakayukong sagot ko.

She gave an exaggerated sigh. "Huwag na! I didn't know you were that stupid to not understand what I say. Hindi mo alam na magkaiba ang tsaa sa kape? Hindi ka lang tanga, boba ka pa." she stated strongly. "Nagsisimula na akong magtaka kung bakit ikaw ang naging suma cum laude ng paaralan nating dalawa, gayong simpleng bagay hindi mo pa magawa ng maayos."

Mas lalo akong napayuko at hindi magawang makapagsalita. Hinayaan ko siyang sabihin ang lahat ng gusto niyang sabihin.

"Linisin mo 'yan!" her last word as she started to walked away from me.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. It's been weeks since I started being their maid. Sa totoo lang, nakakapagod na. Wala na akong oras para makapagpahinga. Palagi akong inuutusan ni Cereinna. Sa tuwing nagkakamali, insulto ang natatanggap ko. Alam kong sinasadya niya 'yon. I'm fully aware of her intentions.

She wants to see me suffer at her own hands. Sa madaling salita, gumaganti siya. Sa tuwing susundin ko naman ang inuutos niya, palagi akong mali. Sa mata niya wala na akong ginawang tama. Sinusunod ko naman ng maayos ang inuutos niya, sadyang pabigla bigla na lamang nagbabago ang takbo ng isip niya.

Minsan uutusan niya akong kunin ang isang bagay, and then kapag ibibigay ko na sa kanya bigla niyang sasabihin sa akin na hindi raw iyon ang pinapakuha niya. Another one is she wants to put only two teaspoons of sugar in her milk but all of a sudden, she tells me that it should only be one teaspoon. Hindi raw ako nakikinig ng maayos.

There's a time na patulog na sana ako nang biglang dating ni Grace sa bodega at sinabing pinapatawag niya raw ako. Nang makarating ako sa kanya ay gusto niyang gawan ko siya ng powerpoint presentation about her meeting with her new client. Kung saan ilalagay ko doon ang iba't ibang disenyo na ginawa niya. Gusto niya na raw magpahinga kaya ako na lang daw ang gumawa.

Gusto ko na rin namang magpahinga dahil kagaya niya, wala rin akong pahinga. Buong araw akong kumikilos, ni hindi ko na ngang magawang kainin ang mga pagkain na pinadala sa akin ni Kael. Ngunit wala naman akong ibang magagawa kung 'di sundin na lamang ang inuutos niya. Nang matapos ko ang pinapagawa niya ay mayroon na naman siyang inutos. This time, ang gusto niya ihanda ko ang lahat ng gagamitin niya. From her clothes, jewelry, and shoes. Lahat.

I don't have time to rest. Pagod na pagod ang katawan ko.

"Hervisca, wala na si Ma'am, tara kain na tayo." sabi ni Grace mula sa aking likod.

Tides Turned (Ruin #1) Where stories live. Discover now