Chapter 38

8K 117 73
                                    

A/N: Gusto niyo ng update right? Here's the update! Last two chapters na lang tayo and we will say goodbye to Kael and Hervisca. Thank you so much for reading this story!

CHAPTER 38

"Are you really sure about this, Hervisca?" Severino said.

Nasa driver seat siya ng SUV na sinasakyan namin ngayon. Kasalukuyan akong nakaupo sa front seat habang si Grace at Andres ay nasa likuran naming dalawa.

I heard Grace sigh from behind. Si Andres naman ay tutok lang ang atensyon sa akin.

"I'm always sure of what I do, Severino. Ngayon, kung tutol ka sa napag-usapan natin, pwede ka namang umalis. I'm not forcing you to help me just because I'm your niece." diretsyong saad ko sa kanya.

Huminga siya. "I'm just worried about you, okay?"

Napairap ako.

Nilingon ko si Grace na ngayon ay mukhang handa na sa gagawin naming dalawa. Nang tapunan ko nang tingin si Andres ay abala na siya sa kakapindot sa kaniyang laptop. It turns out that he was a skilled hacker who knows everything related to technical problems. Malaki ang maitutulong niya sa akin.

Inayos ko na ang mga gamit ko at handa nang bumaba. I was about to get out of the car when I heard Severino reminding Grace as if they have something between them.

"Mag-ingat ka, Grace." aniya Severino na para bang nag-aalala.

Awtomatikong umangat ang kilay ko kasabay nang paglingon kong muli sa kaniya. Nagtataka siyang tiningnan ako na para bang hindi niya naiintindihan ang naging reaksyon ko. Tumango lang sa kaniya si Grace saka nauna nang bumaba ng sasakyan.

"You like her?" I asks.

Isang mapanglokong ngisi ang iginawad niya sa akin kasabay nang pag-iwas niya ng tingin.

"I like everything about her. . ."

He's in love. Kitang kita ko iyon sa kaniyang mata. Parang matagal na siyang may gusto kay Grace at tinatago niya lamang ito.

Hindi na ako sumagot at bumaba na ng sasakyan. I put the earpiece on my ear while tightening my grip on my bag. Huminga ako ng malalim upang lakasan ang aking loob. What I do now will be the end of Casthania. There's no turning back. I'm going to end this.

My heart continued to race as I stood next to Grace. Inaamin kong kinakabahan ako sa gagawin kong ito. This will be my greatest success but to Casthania, it will be her downfall. Literal na kakain siya ng abo at walang matitira sa kaniya.

Napatigil kaming dalawa ni Grace nang bigla ay hinarang kami ng security guard. My instincts is right. The security here is tight. Hindi sila basta basta nagpapapasok ng kung sino-sino. They have to check your ID first before you went in.

Pareho naming inabot ni Grace ang ID naming dalawa. The guy who's sitting in the front of computer started to check our identification. Wala kaming imik ni Grace. Nang sandaling tingnan kami ng lalaking nakaupo sa harapan ng computer ay alam ko ng makakapasok kaming dalawa.

He looked at me from head to toe. "Ms. Gaile Valerio?"

Tumango ako.

Sunod niyang binalingan ng tingin si Grace.

"And Ms. Selena Alegria?"

Grace gave him a smile.

"All clear," rinig kong sambit nito sabay abot sa amin ng ID.

The guard smiled at us and let us went in. Pagkapasok na pagkapasok naming dalawa ay agad kaming naghiwalay na para bang hindi magkakilala. No one will recognize us because we are dressed differently now.

Tides Turned (Ruin #1) Where stories live. Discover now