Chapter 11

17.5K 273 170
                                    

CHAPTER 11

Naging maayos ang kalagayan ko ng sumunod na araw. My body recovered quickly and now I am discharged. Maaari na akong umuwi. Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko. Si Grace ay kanina pa hindi mapakali. Kanina pa siya tanong ng tanong kung talagang maayos na ba ang pakiramdam ko. Nag-aalala pa rin siya.

"Wala na talagang masakit sa katawan niyo?" she checked my body.

Napairap ako at bumuga ng hininga. "Grace, kumalma ka nga. Maayos na sabi ang pakiramdam ko. Wala ng masakit sa akin."

She sigh. "Nag-aalala pa rin po ako. Paano kung habang naglalakad tayo ay bigla po kayong mahimatay? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari po iyon ulit."

I smiled. "Hindi na mangyayari 'yon."

Ngumuso siya at napatango na lamang.

Hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit nag-aalala pa rin siya. She blamed herself for what happened. Paulit ulit rin siyang nanghingi sa akin ng tawad. Kung nakinig lang daw sana siya sa akin na 'wag ng tumuloy ay hindi raw sa akin iyon mangyayari. She cried and asked for my forgiveness. I told her that I wasn't mad. Kapwa naming hindi inaasahan na mangyayari iyon kaya walang dapat ibang sisihin kung di ang sarili namin. Parehas kaming may pagkakamali.

"B-Babalik ka po sa mansyon?" nahimigan ang kaba sa kanyang boses.

I took a deep breath as I sat down on the bed. "Wala akong ibang mapupuntahan, Grace."

"Eh, si Sir Kael po? Doon na lang po kayo ma'am. Sigurado ako na aalagaan po kayo no'n!" napangiti siya. "Sobrang bait ni Sir Kael. Kung nakita niyo lang kung paano po siya nag-alala sa inyo ng datnan ka po niya sa mansyon."

I looked down. Hindi ako nakasagot. Naramdaman ko ang paghakbang niya at naupo sa aking tabi.

"Kitang kita ko po sa mga mata ni Sir Kael kung gaano niya kayo kamahal. Alam niyo po 'yong handa niyang gawin ang lahat para sayo?" she glanced at me. "Kumpara kay Sir Risen, hindi po kayo magagawang saktan ni Sir Kael. . . Bakit hindi na lang po kayo sumama sa kanya? Ano po bang pumipigil sa inyo?"

Muli akong nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. "Ayokong samantalahin ang kabutihan ni Kael, Grace. Hindi dahil sa alam kong gusto niya ako o dahil sa mahal niya ako ay gagamitin ko na siya. Ayoko ng gano'n, hindi ako ganoong klase ng babae."

"Hala si ma'am ang oa." her face crumpled. "Paano niyo naman po nasabi 'yan? Diba nga po si Sir Kael na mismo ang nagsabi sa inyo na hindi siya humihingi ng kapalit? Hindi niya rin po kayo minamadali. Handa nga daw po siyang maghintay diba?"

Napailing ako. "Sige, sabihin na natin na sa kanya ako sasama. Gaya ng sabi mo, maalagaan niya ako. Mamahalin niya ako ng higit pa sa sarili niya. How about after being with him for days, months or years I suddenly realize that I don't really have feelings for him? Na naghihintay lang siya sa wala? Anong mangyayari? Masasaktan ko lang siya Grace. Ayoko siyang paasahin."

"Kung mangyari man po 'yan, hindi niyo na po kasalanan iyon. Saka hello? Sinong hindi mai-inlove kay Sir Kael?" she shook her head na para bang hindi makapaniwala. "Full package na po 'yon ma'am! Gwapo, matalino, maganda ang hubog ng katawan, may-ari ng isa sa pinakakilalang kompanya sa buong mundo. May restaurant pa at magaling magluto! Pilot-Engineer pa 'yon ma'am, sa'n ka pa?" umangat ang kilay niya.

I rolled my eyes out of disbelief.

"Si Sir Risen po may-ari lang ng isang kumpanya dito sa Pilipinas. 'Yon na 'yon? Wala ng ibang talent?"

Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi siya nagpatinag.

"Eh, kasi naman ma'am. Doon na po tayo sa praktikal. Oo alam ko po na mahal na mahal niyo po si Sir Risen pero hindi po ba kayo napapagod?" she exhaled tirelessly. "Paulit ulit na po kayong sinasaktan pero balik pa rin kayo ng balik. Alam niyo kung mayroon lang pa-contest kung saan paparangalan ang pagiging all season tanga? Ikaw po ang mag-uuwi ng trophy at korona."

Tides Turned (Ruin #1) Where stories live. Discover now