CHAPTER 28
Ang akala ko naranasan ko na lahat ng hirap sa mundo. Hindi pa pala. Ang sabi nila ang pagiging ina ang pinakamahirap na pagdadaanan mo sayong buhay. The moment a child is born, the mother is also born. Your child will always come first. They will be the center of your world and you'll do everything just to make sure they are happy, safe, and they feel loved.
But not in my case. I didn't want it. At hindi ko ito kailanman matatanggap.
"Akin na 'yan, Autumn!" sinubukan kong kunin sa kamay niya ang gamot ngunit bigo akong makuha iyon sa kaniya.
She went straight to the bathroom and poured the medicines down the toilet. She flashed all of it. Wala siyang tinira. Nagtangis ang panga ko sa ginawa niya at kaagad na hinablot ang braso niya.
She automatically faced me as her eyes ablaze with so much rage.
"Bakit mo ba ako pinapakialaman ha?! Who are you to do that? Wala kang karapatan na pigilan ako da—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Nangatal ang buong katawan ko dahil sa impact nang pagkakasampal niya sa akin.
"You're insane, Hervisca!" her voice echoed throughout the room. "Papatayin mo ang isang sanggol na wala namang kaalam alam sa mga nangyari sayo?! Wala siyang kasalanan!" halos lumabas na ang ugat niya sa kaniyang leeg.
My eyes began to water as I clenched my fist. "A-Ayoko nito, Autumn."
"Whether you like it or not, wala ka nang magagawa, Isca. Mayroong ng laman 'yang sinapupunan mo. Magiging ina ka na."
I couldn't stop myself and tears started to streamed down my face. "Ayoko, Autumn! Hindi ko 'to kayang tanggapin! B-Bakit kailangan magbunga ang ginawang kahayupan sa akin ni Risen?!" my voice cracked. "Dahil sa ginawa sa akin ni Risen kaya nagkahiwalay kami ni Kael! At eto ngayon, binigyan na naman ako ng panibagong rason para hindi lalong magpakita kay Kael!"
She looked away.
"Putangina naman, Autumn. I planned everything now. Planado ko na ang lahat ng gagawin ko. Tapos ano? Malalaman ko na buntis ako at si Risen pa ang ama?" nangatal ang boses ko. "G-Gusto ko na agad matapos ang paghihiganti ko dahil gustong gusto ko na balikan si Kael. Mahal ko 'yong tao, Autumn. Pero sa nangyayari ngayon, mas lalo lang sa akin ipinaramdam ng tadhana na hindi talaga kami ang para sa isa't isa." hikbi ako.
My heart was torn by sorrow. Paulit ulit nawawasak ang puso ko at wala na itong mapaglagyan. Bakit? Bakit kailangan pa na mangyari 'to? Sadya ba talagang mapait para sa akin ang tadhana at ngayon ay binigyan na naman ako ng panibagong problema. I didn't know what to do anymore.
Hindi ko kayang maging ina. Hindi ko siya kayang buhayin.
"Isa pa, ano sa tingin mo ang magiging buhay ng batang ito sa akin? Hindi ko siya kayang alagaan, hindi pa ako handa. . ." another tears escaped my eyes. "Wala siyang magiging buhay sa akin, Autumn. Kaya ngayon pa lang, tatapusin ko na. She didn't deserve me as her mother."
"It's not like that, Isca. For sure, mamahalin ka ng batang 'yan. Baka siya pa ang maging kakampi mo sa lahat. So please, I'm begging you don't kill your innocent child." napansin ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng kaniyang mata.
Sunod sunod na pumatak ang luha sa aking mukha. Umiling ako. "P-Paano kung ang maging kamukha niya ay si Risen? Natatakot ako, Autumn. I don't want to hurt this child. She's too precious for me. Pero kung sakaling makita ko siya, araw-araw niya lang sa akin ipapaalala lahat ng ginawa sa akin ni Risen. Kapag nangyari 'yon, masasaktan ko siya."
Humakbang sa akin palapit si Autumn saka inabot ang dalawang kamay ko. Her tears began to trailed down her cheeks.
"That will never happen, Isca. Nandito ako. I'll help and guide you." she glanced at my tummy. "We don't know what will happen but I only know one thing. Mamahalin ka niya higit pa sa pagmamahal mo kay Kael. K-Kaya huwag, Isca hmm? Sasamahan kita, sabay nating pagmasdan ang mukha ng anak mo. The existence of your child will change your life."
YOU ARE READING
Tides Turned (Ruin #1)
Romansa"You're going to die in the worst possible tragic way, I'd make sure of that." Hervisca Caprisce Versaylles, a kind-hearted woman who allowed herself to be destroyed by the person she loves. She thinks she deserves it. She can't escape her past mis...