CHAPTER 24
TW: Mention of Abuse
Hinang hina ang buong katawan ko. I don't feel anything but pain and rage. Kahit kailan ay hindi ko matatanggap ang nangyari sa amin ni Risen. Hindi ko alam. I had no idea na siya ang kasama ko kagabi. Nilagyan niya ng droga ang juice at inutusan niya si Irena na ibigay at ipainom sa akin.
I was raped. Risen was the one who raped me. Hindi ko ginustong mangyari 'yon. Kung alam ko lang na si Risen ang kasama ko kagabi, hinding hindi ko ibibigay ang sarili ko sa kaniya. Si Kael ang nasa isip ko. Si Kael ang nakikita ko no'ng mga oras na 'yon. Pangalan ni Kael ang ibinibigkas ko habang ginagawa 'yon. Kaya masakit isipin na hindi si Kael ang nakita kong nakahiga sa kama pagmulat ng mata ko.
Ang akala ko si Kael. Nagkamali ako. Ang tanga ko. Bakit hindi ko man lang naisip na hindi si Kael ang kasama ko no'ng mga oras na 'yon? Dahil ba sa panghihina ng katawan ko kaya hindi na ako nag-abalang magduda? O baka dahil sa hindi ko pa talagang lubusang kilala si Kael?
Muling tumulo ang luha sa aking mukha. Nababaliw na ako. Pati pagmamahal ko kay Kael, pinagdududahan ko na. Si Kael ang totoong mahal ko. Nakikita ko na ang future ko na kasama ko siya. I see myself having a family with him. I see myself spending the rest of my life together with him. Gusto ko na siya ang kasama ko sa pagputi ng buhok naming dalawa. Hanggang sa huli ng buhay ko, siya lang ang gusto kong kasama. Siya lang ang mamahalin ko.
Pero paano ko pa magagawa 'yon kung nakagawa ako sa kaniya ng isang malaking kasalanan? Will he be able to forgive me if malaman niya ang nangyari sa aming dalawa ni Risen? Matatanggap niya pa kaya ako? Makikita ko pa kaya ang ngiti at liwanag sa kaniyang mukha sa tuwing tinititigan niya ako? Higit sa lahat, mamahalin niya pa rin kaya ako?
I guess not. Magbabago ang lahat. Pati ang pakikitungo niya sa akin. Maaaring mawala ang pagmamahal niya sa akin. Baka nga ipagtulakan niya pa ako at pandirihan. Takot ako. Takot na takot akong mangyari 'yon. Dahil baka sa oras na gawin niya sa akin iyon, I'm going to end my life.
Mahal na mahal ko siya kaya kailangan ko siyang bitawan. Kailangan ko siyang palayain. Simula pa lang naman noong una ay alam kong hindi talaga kami puwede. Bakit kasi pinilit ko pa? Bakit kasi hinayaan ko pa ang sarili ko na mahulog sa kaniya? Nahihirapan tuloy ako ngayon na bitawan siya. Wala, e mahal ko kaya gagawin ko 'to.
Pinalis ko ang luha sa aking mukha. Habang nakaupo sa kama ay nakita ko ang aking mukha sa harapan ng salamin. Magang maga ang mata ko at nawalan ito ng buhay. Pinasadahan ko ng tingin ang katawan ko. Napuno ng kalmot at sugat ang leeg, braso, at hita ko. Nakakapagtaka nga na hindi man lang ako nakaramdam ng sakit o hapdi sa kabila ng ginawa ko sa sarili ko. Namanhid na ako.
Tumayo ako kumuha ng damit na mahaba ang manggas upang takpan ang sugat at kalmot sa katawan ko. I also wear a scarf on my neck. Napalingon ako sa kama ko kung saan nakalagay ang cellphone ko sa ibabaw ng kama. Kanina pa iyon tunog ng tunog ngunit hindi ko pinapansin.
Alam kong si Kael 'yon. Wala ng iba pang tatawag sa akin bukod kay Kael. Huminga ako ng malalim at tinatagan ang sarili ko. Naglakad ako at kinuha ang cellphone ko.
989 missed calls
1001 new messagesLahat ng iyon ay galing kay Kael. I decided to turned off my phone. Hindi ko kayang sagutin ang tawag niya o basahin ang lahat ng mensaheng pinadala niya. Baka magbago pa ang isip ko at hindi ko magawang pakawalan siya.
Napalingon ako sa pintuan nang mayroong biglang pumasok. Inuluwa no'n ang isang kasambahay na hindi ko kilala.
"M-Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa labas ng mansyon. Kanina pa po kasi nagwawala." her hands is shaking. "Ang sabi niya po kapag hindi kayo lumabas, sisirain niya raw po ang gate at siya na itong papasok."
YOU ARE READING
Tides Turned (Ruin #1)
Romance"You're going to die in the worst possible tragic way, I'd make sure of that." Hervisca Caprisce Versaylles, a kind-hearted woman who allowed herself to be destroyed by the person she loves. She thinks she deserves it. She can't escape her past mis...