Chapter 32

8.4K 150 88
                                    

CHAPTER 32

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang maayos ang mga gamit na dadalhin namin. I decided to go to Tagaytay with them. I have already booked a reservation at a resort where we will stay for three days.

These past few days I have been busy trying to find out everything that happened to Autumn, including her death. Nakalimutan ko nang maglaan ng oras para kay Kael at Auri. Nawawalan na ako ng oras para sa kanila. Napapabayaan ko na sila. That's why I need to do this.

I threw a glance at Kael who was still sleeping on the bed. Ngumiti ako saka hinalikan ang noo niya. Nang makalabas ako sa kwarto naming dalawa ay kaagad akong nagtungo sa kwarto ng anak ko.

Bahagya kong binuksan ang pinto saka nakita ang aking munting prinsesa na mahimbing na natutulog sa kanyang kama. Nasa gilid niya ang kanyang manika. I went in and fixed the blanket on her body. Inayos ko rin ang buhok niya na tumatakip sa kaniyang mukha. I gave her a forehead kiss before I left.

Dumiretso ako sa kusina upang magluto ng agahan namin. Mahaba pa  naman ang oras at tanghali pa ang alis namin. May oras pa para mag-agahan. Ipinagluto ko si Kael ng hangover soup dahil paniguradong kapag nagising siya ay masakit ang ulo niya dahil sa alak.

Inihahanda ko na ang mga pagkaing niluto ko sa lamesa nang bigla akong mapasinghap. I felt a hand wrap around my waist and hug me from my back.

Napangiti ako. "Masakit ulo mo?" I asked him.

Hindi siya sumagot at tinanguhan lang ako.

"Ipinagluto kita ng hangover soup, maupo ka at kainin mo na habang mainit pa."

Humiwalay siya sa akin at pupungas pungas akong tiningnan. "Nagluto ka?"

Tumango ako. "Tikman mo,"

Kahit mayroon pang pagtataka sa kanyang mukha ay tinikman niya na lang ang soup na niluto ko para sa kaniya. Unti unting bumalatay ang matamis na ngiti sa gilid ng labi niya nang mag-angat siya ng tingin sa akin.

"Ikaw talaga ang nagluto nito?" hindi makapaniwalang tanong niya.

My eyes squinted. "Bakit hindi ba kapani-paniwala?"

His lips rose. "Yeah, it feels surreal."

Tanging iling lang ang naigawad ko sa kaniya. "Gigisingin ko lang si Auri."

Tinanguhan niya ako. Nagpunta ako sa kwarto ni Auri at bubuksan ko pa lang sana ang pintuan nang bigla itong bumukas at bumungad sa harapan ko ang anak ko.

She looked up at me. Kinusot niya pa ang kanyang mata. "Good morning mommy."

Ngumiti ako saka binuhat siya. "Good morning baby, maganda ba ang tulog ng baby ko?"

Humihikab siyang tumango. Kaagad ko siyang dinala sa kusina para makapag-almusal na. As soon as she saw her dad, her whole face lit up.

"Daddy!" nakangiting tawag niya kay Kael.

Kael glanced at her and gave her a wide smile. Naglakad ako palapit sa direksyon niya at inabot sa kaniya si Auri. Ngayon ay nakaupo si Auri sa hita niya. Naupo naman ako sa upuan sa harapan nila.

Ngumiti siya. "You're such a big girl, Auri. Mag-isa ka nang natulog sa kwarto mo."

"I want you and mommy to have time for each other. You always take care of me, and I know how tiring it is." nakayukong sambit niya.

Kaagad nagbago ang ekspresyon sa mukha naming dalawa ni Kael. We both didn't expect that from her.

"What are you talking about Auri?" mahinahong tanong ko.

Tides Turned (Ruin #1) Where stories live. Discover now