CHAPTER 9
Hindi na ako nakatulog ng maalimpungatan ako. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at binuksan ang ilaw. I fixed my hair and tied it like a bun. Nang matapos ay inayos ko ang aking higaan. I took the cellphone that Daynielle bought me to check the time. It's passed 4 am in the morning. Panigurado, wala pang gising sa loob ng mansyon.
I took a deep breath before I open the window. I shivered in the cold morning breeze that hit my skin. Bahagyang hinangin ang buhok ko. The moon was full and was hovering in the still-dark sky.
Napalingon ako sa pintuan ng makarinig ako ng mahinang katok. Nakakunot ang noo ko nang maglakad papunta sa pinto at buksan ito. Tumambad sa harapan ko si Grace na may matamis na ngiti sa kanyang labi. She was holding a tray with a glass of milk and a cup of ginger tea.
"Goodmorning, Ma'am! Nagdala po ako ng gatas at ginger tea, pili na po kayo ng sa inyo." she smiled sweetly.
Nasa labas pa rin siya at bahagyang nakaharang ang kamay ko sa pintuan. "Ang aga mo namang nagising Grace?" mahinang tanong ko.
Ngumiti siya. "Hindi na po ako makatulog ma'am, at no'ng tiningnan ko po kayo dito bukas na po ang ilaw niyo. Kaya pinagtimpla ko po kayo agad nito," nilahad niya sa harapan ko ang hawak na tray. "Ano po gusto niyo dito?"
Tinapunan ko ng tingin ang nasa ibabaw ng tray. "Gatas na lang."
Nginitian niya ako. Tinalikuran ko na siya at pumasok naman siya sa loob. Marahan niyang inilapag ang tray sa lamesa. She took the glass of milk from the tray and handed it to me. Binigyan ko siya ng malawak na ngiti ng abutin ko iyon mula sa kamay niya.
"Ayaw niyo po ng ginger tea, ma'am?" she asked curiously.
Napailing ako at umupo sa upuan na malapit sa bintana. "Hindi ko gusto ang lasa."
Ngumuso siya at tumango tango. "Naku, masarap ang ginger tea ma'am, nakakaganda ng boses." kinuha niya ang isa pang tasa at iniharap niya ang upuan sa direksyon ko. She sat down on the chair and sipped her tea.
Humalukipkip ako. "Bakit hindi ba masarap ang gatas? Maganda rin naman ito sa kalusugan."
"Wala naman po akong sinabi na hindi po iyan maganda sa kalusugan ma'am." she said matter of factly. "Ang sa akin lang po, maganda rin po itong ginger tea sa ating katawan."
Napairap ako. "Oo na."
Narinig ko ang mahinang halakhak niya. Sumilip ako sa bintana at muling pinagmasdan ang kulay asul na kalangitan. I sipped my glass while keeping my eyes on the sky. Kahit pa nga medyo maliwanag na ang kalangitan ay hindi pa rin nagpapakita ang anino ng araw.
"Pwede pong magtanong ma'am?"
I glanced at her and give her a nod.
Her lips parted. "Sino po 'yong babaeng kasama ni Sir sa loob ng mansyon? Ang sabi po kasi ng mga kasama ko, dati raw po iyong kasintahan ni Sir Risen."
Napalunok ako at nagbaba ng tingin.
"Ngayon ko lang po kasi sya nakita sa loob ng dalawang taong paninilbihan ko dito."
I licked my lips as my heart pounded in fear. Tumingala ako kasabay ng pagpikit ng aking mata. I remember everything happened that day. Sariwa pa ang lahat sa aking alaala at kabisado ko pa ang bawat detalye na naganap.
It's traumatizing. Nakakatakot. I want to scream that day, but I couldn't. Nanigas lamang ang katawan ko sa aking kinatatayuan. Hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko. Walang tinig na lumabas sa aking bibig. Takot na takot ako. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. Kung ang tumakbo ba dahil sa matinding takot na nararamdaman o ang tulungan siya dahil nag-aagaw buhay na siya sa aking harapan.
YOU ARE READING
Tides Turned (Ruin #1)
Romance"You're going to die in the worst possible tragic way, I'd make sure of that." Hervisca Caprisce Versaylles, a kind-hearted woman who allowed herself to be destroyed by the person she loves. She thinks she deserves it. She can't escape her past mis...