CHAPTER 10
I gradually open my eyes and the first thing I saw was the white ceiling. Mabigat ang pakiramdam ko nang magmulat ako. I could hear the sound of monitor definitely beside me. I slowly moved my head to scan the whole place.
Nasa hospital ako.
Napahawak ako sa aking ulo at napansin na may bendang nakapalibot doon. Naramdaman ko ang panghihina ng buong katawan ko. Igagalaw ko pa sana ang isa kong kamay na nasa loob ng kumot ng maramdaman ko na may nakahawak dito.
It was like as if it held my hand and our fingers intertwined. Tumingin ako sa gilid ko at napansin ang nakayukong lalaki. Mahimbing siyang natutulog sa harapan ko habang hawak ang aking kamay. Bigla siyang gumalaw at ngayon ay nakatagilid na ang kanyang ulo sa direksyon ko.
Kael? Bakit nandito siya?
Napatingin ako sa pinto ng matunugan ko na mayroong papasok. Kaagad kong ipinikit ang aking mata at nagpanggap na natutulog pa. Naramdaman ko ang paghakbang nito at lumapit sa gawi ko.
"Sir Kael . . ." boses iyon ni Grace. Marahan niyang niyugyog ang balikat ni Kael kaya nagising ito.
"Uwi na po kayo, ako na pong bahala kay Ma'am. Maraming salamat po sa tulong niyo." mahinang wika ni Grace.
"No. Hindi ako uuwi hangga't hindi siya nagigising." Kael replied with a soft voice and kind.
"P-Pero wala pa po kayong maayos na tulog, kagabi pa po kayo nagbabantay."
Uminit ang puso ko sa narinig. Siya ang nagbantay sa akin? Bakit niya naman ginawa 'yon?
I heard his heavy sigh. "I'm fine. Kahit pa umuwi ako hindi rin ako makakatulog ng maayos hangga't nandito siya. Don't worry, I'll take care of her."
Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Grace. "Hindi ko po talaga alam ang gagawin kahapon. Gusto ko po siyang dalhin sa ospital pero wala po kaming masakyan. Si Kuya Raniel po na nag-iisang driver sa mansyon ay nauna nang inihatid sa ospital si Ma'am Cereinna. T-Takot na takot ako." her voice broke. "Mabuti na lamang po at nakita ko sa phone ni ma'am ang number niyo. Kung hindi po kayo dumating hindi ko na po talaga alam ang gagawin ko."
I wanted to cry when I heard what she said. My hearts was torn apart and there is no hope for it to ever heal.
Kael didn't respond. Naramdamanan ko na lang na marahan niyang hinahaplos ang kamay ko sa ilalim ng kumot. I almost hear my heart racing. Hindi ko magawang igalaw ang kamay ko dahil natatakot ako na baka mahalata niya na nagkukunwari lamang akong tulog!
Binitawan niya ang aking kamay nang may biglang pumasok. Napahinga ako ng malalim. Tumayo siya at nilingon ang pintuan.
"I'm here to check her condition." tinig iyon ng isang lalaki.
Naglakad ito papunta sa gawi ko para mas matingnan ang kalagayan ko.
"Will she be alright, Luther?" may halong pangamba sa boses ni Kael ng tanungin niya ang lalaki.
Umismid si Luther. "No."
Bigla ay naguluhan ako sa sinabi niya. I'm perfectly fine!
"W-What do you mean?" Agap ni Kael.
"She had head injury where there is a break in her skull bone."
"What?! Is it serious? Anong dapat na gawin? Kailan siya magigising?" he asked furiously.
"D-Doc, please gawin niyo po ang lahat para mabuhay po si ma'am!" naluluha naman na saad ni Grace.
I heard Luther's sigh. "She has to undergo surgery."
YOU ARE READING
Tides Turned (Ruin #1)
Romansa"You're going to die in the worst possible tragic way, I'd make sure of that." Hervisca Caprisce Versaylles, a kind-hearted woman who allowed herself to be destroyed by the person she loves. She thinks she deserves it. She can't escape her past mis...