Chapter 39

8.2K 115 59
                                    

CHAPTER 39

The pain was so heavy that I continued to sink into the dark and deep abyss. I feel like something has died in me.

Sobrang bigat ng dibdib ko. Wala akong ganang gumalaw o kumilos. Ilang araw na rin akong nakakulong sa kwarto naming dalawa ni Kael. Lupaypay ang katawan habang yakap yakap ko ang ilan sa mga damit niya. Hinahanap hanap ko ang presensya niya, nagbabakasali na sana panaginip na lamang ang lahat ng ito.

Hindi ako makaramdam ng gutom. Wala akong ibang maramdaman kung 'di ang sakit.

Ilang beses nang sinubukan nina Severino at Grace na kausapin ako ngunit hindi ako pumayag. Wala akong kinausap sa kanila. Hindi ko na nga alam ang mga sunod na nangyari. I refused to know everything that happened in his death. Ang tanging alam ko lang ay ang kuya ni Kael na si Luther ang nag-asikaso ng lahat.

Mula sa damit na susuotin ni Kael, ang mga bulaklak na nakapalibot sa kabaong niya, kung sino ang tutugtog, ang litraro na gagamitin at ilalagay sa kaniyang tarpaulin, at kung saan siya ililibing.

I had no idea what it looks like. Kung anong itsura ni Kael sa loob ng kabaong. Hindi ko kayang makita siya na nakahiga roon. Baka maubusan ako ng hininga. Hindi ko kaya.

Ngayon ang huling araw ni Kael at hanggang ngayon nagdadalawang isip pa rin ako kung pupunta ba ako sa gaganapin na ceremony niya. Ang anak ko naman ay wala ring kaalam-alam sa nangyari kay Kael. Ang tanging alam niya lang ay nasa malayo ito at nagtatrabaho.

Wala akong lakas ng loob na sabihin ang totoo sa kaniya. Sa tuwing iisipin ko kung ano ang magiging reaksyon niya, pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga. It breaks my heart knowing that Kael is her biological father. Paano ko sasabihin sa kaniya ang totoo na si Kael ang tunay niyang ama? Paano ko rin sasabihin sa kaniya ang katototohan na wala na si Kael? That he's gone forever and will never come back?

Sa ngayon ay nasa pangangalaga siya ni Severino kasama ang kaibigan niyang si Sohayra. She had no idea. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Sa tuwing maaala ko kung paano siya gano'ng kadaling nawala sa akin ay hindi ko ito lubusang matanggap. In a short time and the blink of an eye, he's gone. I should have loved him more. Sana mas ipinaramdam ko sa kaniya ang pagmamahal ko.

Parang kailan lang hawak ko pa ang kamay niya, yakap yakap ko pa siya, at ibinubulong niya pa sa akin kung gaano niya ako kamahal. How am I supposed to accept his death? How am I supposed to continue my life without him by my side? More than that, how am I supposed to move on?

Muling bumagsak ang luha ko. I tightly shut my eyes and cried out in silence. Humigpit ang yakap ko sa damit niya. I miss him so much. I miss my man.

Buong araw na akong umiiyak. Paminsan minsan hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak ko. Magigising na lang ako na mugto ang aking mga mata at hinang hina ang aking buong katawan.

Ilang oras pa ang lumipas at nagdesisyon akong tumayo na. Nang hawiin ko ang kurtina, napansin kong malapit na mag-tanghaling tapat. In 3 o'clock, Kael ceremony will start. I should be there. Kahit sa huling araw niya, gusto ko siyang makita. Gusto kong ako ang huling tao na maghahatid sa huling hantungan niya.

I gathered all the energy left in me to take a shower. But as soon as the water touched my body, I started to sob once more. Sumabay sa agos ng tubig ang luha ko na walang humpay sa pagbagsak sa aking pisngi. I fell on the floor as I hugged myself, crying helplessly. Nakakapagod nang umiyak. It was exhausting me.

Wala ako sa sarili nang makalabas ako sa shower. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng aking sarili sa harapan ng salamin. My eyes looks tired. Halata ang eyebugs sa ilalim ng aking mata, habang ang labi ko naman ay halos mawalan ng kulay dahil sa putla nito. Marahan kong sinuklay ang basa kong buhok. I was dressed in a white dress that was up to my knees. Mayroon rin akong puting ribbon na suot sa aking buhok.

Tides Turned (Ruin #1) Where stories live. Discover now