Chapter 7

11.4K 187 73
                                    

CHAPTER 7

"Hey! Bakit ba ang bilis mong maglakad? Hindi na ba masakit ang paa mo?" iritado nitong sabi sa akin ngunit hindi ko siya nilingon.

I kept on walking fast. Hindi ko alam kung paanong nagawa kong maglakad ngayon ng mabilis gayong masakit pa ang aking paa. My heart pounding briskly. I could also feel that my face is red. Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil nanghihina ang mga tuhod ko. This is new to me, I feel strange. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito sa kanya! Shit.

He went in front of me and blocked my way. Napasinghap ako sa ginawa niya. There was a glimpsed of playful smile on his face.

"Are you avoiding me?" he asked, raising his eyebrows.

Napalunok ako. "I-Ikaw? Bakit naman kita iiwasan? Gusto ko lang talagang umuwi na agad!" depensa ko sa kanya.

Ngumisi siya. "Hindi ka ganyan kanina, Hervisca. Pagkatapos kong alayan ka ng kanta naging ganiyan ka na. Now, tell me are you avoiding me?"

Kinagat ko ng mariin ang aking labi. "Sinabi ng hindi!" malakas kong sigaw sa kanya.

He chuckled. "Really? Then why you suddenly want to go home? Ayaw mo na akong makita? Ayaw mo akong makasama?"

"Ang kulit mo! Kanina ko pa naman talagang gustong umuwi, ikaw lang itong hinihila ako kung saan saan!" I glared. "And may I remind you, may fiancé na ako!"

He tilted his head as he bit his lower lips. "I know, Hervisca. But still, I want to break the rules just to make you mine."

Malakas na kumalabog ang aking dibdib. "Nababaliw ka na nga. The last time I asked you if you like me, you said that you're just kidding!"

"Well, I'm not kidding right now." he beamed in delight.

Bigla akong sininok sa narinig sa kanya kaya napatakip ako sa aking bibig. Kanina pa dinadaga ang dibdib ko at hindi ko alam kung paano ito patitigilin.

"S-So, may gusto ka nga sa akin?" kabado kong tanong.

"Isn't it obvious? Gusto mo isigaw ko ngayon dito kung gaano kita kagusto?"

Mukhang sinusubukan talaga ako ng lalaki na 'to.

"No way! Pero paanong nangyari na matagal mo na akong gusto? The first we saw each other is the time you went to mansion dahil may pag-uusapan kayo ni Risen."

"Curios hu? Try me first. Nang malaman mo kung paano at saan kita nakilala." he grinned widerly.

I made a face at him that makes him laughed loudly. Inirapan ko siya at nilagpasan. Parang aso naman siyang bumuntot sa aking likuran. Magkasalubong pa rin ang aking kilay habang binabagtas ang daan palabas ng mall.

"Hey, that's my car." sabi niya sa aking likuran ngunit hindi ko siya nilingon.

I looked at the white car in front of me. I was about to open the door but he suddenly stop me. Naiirita ko siyang binalingan ng tingin.

"That's not my car, ayun ang sasakyan ko." itinuro niya ang kanyang sasakyan gamit ang kanyang nguso.

I gritted my teeth. Bigla akong tinamaan ng hiya sa ginawa. Narinig ko ang mahinang halakhak niya, animo'y nangangasar. Sinamaan ko siya ng tingin kaya mas lalong lumakas ang tawa niya. Naiinis ko siyang tinalikuran pagkatapos ay pumunta na sa sasakyan niya. He was about to open the door for me but I quickly opened it. Tinaasan niya lang ako ng kilay. I rolled my eyes at him at padabog na pumasok sa kanyang sasakyan.

Nandito ako ngayon sa front seat at inayos ko ang seatbelts. Kumunot ang noo ko dahil hindi niya pa sinasarado ang pintuan. Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko at pinapanood ang bawat galaw ko. I glanced at him and then I noticed a serious expression in his face. Napalunok ako.

Tides Turned (Ruin #1) Where stories live. Discover now