Chapter 3

10.7K 245 130
                                    

CHAPTER 3

When I became aware of my surroundings the moment I opened my eyes, I knew I wasn't in the warehouse. Mabigat ang pakiramdam ko at masakit ang katawan ko. I tried to move my body but I can't as I felt a searing pain all over my body.

Napansin ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Wala sa sarili kong sinilip ang katawan ko sa loob at ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang mapansing wala akong saplot!

I felt my heart racing faster and faster. I could hear the blood pumping through my ears.

Hubo't hubad ang katawan ko sa ilalim ng kumot. Wala man lang akong suot na bra at underwear! Paanong nangyari na wala na akong saplot? What happened?

Tumingin ako sa gilid ko at napansin na mayroon akong katabi sa kama. Namilog ang mata ko nang makita ang mukha ng isang lalaki na ngayon ay katabi ko. Mahimbing ang tulog niya at sa side ko pa sya nakaharap. What the heck?! Bakit ko siya katabi?

Parang bumalik ang lakas ng katawan ko at sa sobrang pagkagulat ko ay nasipa ko siya ng malakas kaya nahulog siya sa kama. Tumayo ako at mabilis na kinuha ang kumot pagkatapos ay binalot ito sa buong katawan ko.

Naiinis siyang tumayo at muling nanlaki ang mata ko nang makita na maski siya ay wala ring saplot! Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko nang makita ang buong katawan nya. Oh my freaking gosh! My virgin eyes!

Nagpapanic ko syang tinalikuran habang sunod sunod ang pagsinok ko. Napakagat ako ng mariin sa aking labi. Ayan na naman ang sinok ko! Hindi ko na maalala kung kailan ang huling beses na sininok ako. Nangyayari lamang ito kapag kinakabahan ako, kinikilig at natutuwa sa nangyayari.

Teka nga muna? So it's just means na natutuwa ako sa nakikita ko at kinikilig ako? No way!

"What the fuck is your problem Hervisca?!" malakas at galit niyang sigaw.

Napaigtad ako sa narinig. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito. Naguguluhan ako sa nangyari. Bakit ko siya katabi sa kama? Nasaan ako? Anong lugar 'to? Bakit parehas kaming walang saplot? May nangyari ba sa amin? Did he rape me?

Bakit kasama ko sa iisang kama ang nagmamay-ari ng Vuenoista?!

"A-Anong ginawa mo sa akin? Bakit wala akong suot? Bakit magkatabi tayo sa kama? Ginahasa mo ba ako?!" nakatalikod kong tanong sa kanya.

Naramdaman ko ang paghakbang niya at sigurado ako na pupunta siya sa direksyon kung saan ako nakaharap. Nagtungo siya sa harapan ko at ngayon ay mayroon na siyang suot. Thank God!

Napansin ko ang bagsak niyang buhok at medyo natatakpan nito ang kilay niya. Nakasuot na siya ngayon ng itim na pantalon at puting polo na long sleeves. Hindi nakabutones ang damit na suot nya kaya kitang kita ko pa rin ang katawan niya. Napatitig ako sa eight packs abs niya. Bigla akong natauhan sa naisip ko, I can't believe you Hervisca! Nagawa mo pa talagang bilangin ang abs nya!

He crossed his arms as he directly meets my eyes. "Unang una sa lahat, ikaw ang nakikihiga sa kama ko. This is my fucking bed, malamang ay dyan ako matutulog."

Napalunok ako.

"I didn't do anything to you," he said in calm, deep voice while staring my face. "You don't need to hide that, I don't have interest to your body, it's too small for me." saad nya sabay tingin sa dibdib ko.

Nanlaki ang mata ko sa narinig at kaya napayakap agad ako sa sarili ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at napansin ko ang nakakalokong tingin nya. Sinasabi niya ba na maliit ang boobs ko?! Nag-init ang ulo ko sa narinig at pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay umakyat sa aking ulo.

Tides Turned (Ruin #1) Where stories live. Discover now