CHAPTER 37
Dumaan ang ilang araw na hindi nga kami nagpansinan ni Kael. Kapag kasama naming dalawa si Auri ay saka niya lamang ako kikibuin, ngunit kapag kaming dalawa lamang ay maski tingnan ako ay hindi niya ginagawa. Hindi niya na rin ako tinatabihan sa kama naming dalawa at mas pinipili niyang matulog sa sala.
Kapag nagigising naman ako sa umaga ay hindi ko na siya nadadatnan sa sala. Maaga siyang pumapasok sa opisina niya. Madaling araw na rin siya kung umuwi sa gabi. Minsan ay hindi na.
Iniiwasan niya ako. Ramdam kong unti unti na siyang lumalayo sa akin. Pakiramdam ko tuluyan na siyang napagod sa akin. Ilang araw na rin ang lumipas ngunit ganoon pa rin ang pakikitungo niya sa akin.
Nandito siya pero parang hindi ko siya kasama.
I know he's mad at me at ramdam ko 'yon. Naiintindihan ko naman dahil kasalanan ko. Mali ako. Nasaktan ko siya. Hindi ko man lang naisip ang nararamdaman niya. Sa aming dalawa alam kong siya itong marami nang naisakripisyo para lang sa akin. He gave everything to me even if I didn't ask for it. Kahit kailan ay hindi siya nagkulang.
Mahal ko siya pero palagi na lang ako ang may pagkukulang. It was hard. Hindi ako sanay na ganito kaming dalawa. I want my old Kael back. I miss him so much. . .
Maaga akong nagising para maipaghanda ko siya ng breakfast niya. Pagdating ko sa sala ay naabutan ko pa siyang natutulog ng mahimbing sa couch. He was still wearing his shoes and his neck tie. His hair was completely a mess. Naglakad ako papunta sa gawi niya at bahagyang naupo sa harapan niya upang tanggalin ang kanyang sapatos.
Isinunod kong alisin ang neck tie niya at sinuklay ang kaniyang buhok gamit ang aking kamay. Pinagmasdan ko ang buong mukha niya. I bring my hand to his face. I softly trace his lips with my index finger with my trembling hands. Marahan lang ang bawat haplos ko dahil ayokong magising ko siya. Habang ginagawa iyon ay hindi ko napigilan ang aking sarili at kusang nanubig ang mga mata ko.
Bigla ay gusto kong ibulong sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Ewan ko ba pero mayroong takot sa puso ko. Takot na baka mas piliin niyang iwanan kaming dalawa ng anak ko. He can run away from us. Anumang oras ay maaari siyang umalis dahil hindi niya kami responsibilidad.
He can choose himself. He can be with any woman. He can love someone else. Pero hindi ko kakayaning makita na may minamahal siyang iba. Hindi ko kakayanin kapag umalis siya. He helped me live on, he has been my strength ever since. Kael fill my world with love and hope. I enjoy every second with him. He have never stopped loving me, even when I am unable to love myself, he still loves me.
Mahal na mahal ko siya kahit paulit ulit akong nagkakamali at nagkukulang pagdating sa kaniya. Masyado ko siyang mahal. And I don't want this to be the reason for our breakup a second time. Ayoko nang malayo sa kaniya.
Pinunasan ko ang luha na bumagsak sa aking pisngi. Hinawi ko ang buhok niya na tumatakip sa kaniyang noo at binigyan siya ng isang matamis na ngiti kahit alam kong hindi niya iyon makikita. I kissed him on the forehead, hoping that after this, he will forgive me.
Matapos kong gawin 'yon ay kaagad akong nagtungo sa kusina upang ipaghanda ang pagkain niya. Niluto ko ang mga putahe na alam kong magugustuhan niya. Nagluto rin ako ng pancakes, but this time hindi na sunog. Mabilis lang din akong natapos at nang makita kong maayos na ang lahat sa ibabaw ng lamesa ay agad akong nagtungo sa kwarto ko upang hindi niya ako maabutan sa kusina.
Nang magising siya ay dumiretso siya sa bathroom para maligo. He fixed himself and I've been watching him secretly. Nagtatago lang ako at hindi nagpapakita sa kaniya. Pumunta siya sa kusina at napansin kong napatigil siya nang makuha ng atensyon niya ang mga pagkaing nakahanda sa ibabaw ng lamesa.
YOU ARE READING
Tides Turned (Ruin #1)
Romance"You're going to die in the worst possible tragic way, I'd make sure of that." Hervisca Caprisce Versaylles, a kind-hearted woman who allowed herself to be destroyed by the person she loves. She thinks she deserves it. She can't escape her past mis...