CHAPTER 30
Nagising ako na wala na sa tabi ko si Kael. Si Auri ay mahimbing pa rin ang tulog habang yakap niya ang kanyang manika. Before getting out of bed, I kissed my daughter on her cheeks. Tumayo ako at lumabas na ng kwarto. Hindi pa man din ako nakakarating ng sala ay rinig ko na ang pamilyar na boses na nagtatalo.
Kumunot ang noo ko at agad na tinungo ang sala. Then I saw Kael and his two brothers, Aushe and Viyou. Lahat sila ay iisa lang ang reaksyon sa kanilang mukha. Mukhang problemado at parang may pinag-aawayan na hindi ko alam.
Nanatili ako sa kinatatayuan ko at hindi muna lumapit sa kanila. I mean, usapang magkapatid 'yon, I shouldn't bother them.
"There's no evidence, Kael. Malinis 'yung crime scene. It's been 3 years since she disappeared." si Aushe. "Ngayon lang natagpuan ang katawan niya, we tried to convince her family to do an autopsy to find out the caused of her death . . . but they refuse. Mas lalong matatagalan ang kaso na 'to."
Napasabunot si Kael sa kaniyang buhok. "It's not her body, Aushe! Imposibleng sa kaniya 'yon!" he hissed. "Hindi ako naniniwala na katawan ni Autumn ang nakita niyo!"
Terror flooded through me, raising the hairs on the back of my neck. Pakiramdam ko ay nanigas ang buong katawan ko sa aking kinatatayuan.
"Then how will you explain this shit?!" sigaw ni Viyou pagkatapos ay binato sa harapan ni Kael ang napakaraming litrato.
Nang tapunan ko ng tingin ang litrato ay nakita ko ang ilan sa mga gamit ni Autumn. Her bag, cellphone, wallet, and her clothes. Autumn was identified as the owner. I'm afraid to say na sa kaniya nga ang mga gamit na 'yon lalo at nakikita ko iyon sa kaniya noon.
"Sinabi na rin ng mga magulang niya na katawan niya nga 'yon, Kael! Ano pa bang kailangan mo para maniwala ka?" galit na sigaw ni Viyou.
My body felt numb and I quickly fell on the floor. Awtomatikong napalingon sa direksyon ko si Kael. The moment he saw me, his eyes widened in shock and he quickly approached me.
Nanubig ang mata ko kasabay ng panginginig ng mga kamay ko. Hinawakan ni Kael ang balikat ko.
"Hervisca,"
"S-Sabihin mo sa akin na hindi si Autumn 'yon, Kael." my throat tightened. "Hindi puwede, Kael! Hindi si Autumn 'yon!" I shouted as I grabbed him by the collar.
Hindi siya sumagot. He bit his lower lips to repress his tears. I tightened my grip on my palm and gathered all of my strength to stand up straight. Nanghihina akong naglakad palapit kay Aushe at Viyou.
Pinulot ko ang lahat ng litrato na nakakalat sa sahig at tiningnan ito ng mabuti. My hands trembled in fear while looking at the pictures.
Tiningnan ko si Aushe at Viyou. "S-Saan niyo 'to nakita?" nanghihina kong saad.
Aushe took a deep breath. "Nahanap ng team ko ang mga 'yan sa ilalim ng bangin. Sira-sira ang sasakyan niya and we suspect na aksidente lang ang pagkahulog niya. At dahil nasa loob ng sasakyan niya ang ilan sa mga ID niya, we confirmed that the body we found was Autumn."
Paulit ulit akong umiling. "No . . . you're joking right?"
He didn't respond. Ganoon din si Viyou. Nang lingunin ko si Kael ay maski siya ay hindi rin magawang makapagsalita. Malakas na kumalabog ang dibdib ko.
Autumn's face suddenly flashed in my head. Ang pag-iinarte niya sa akin noon kapag may ayaw siya na ginawa ko. Ang pagtulong niya sa akin at pagpasok sa organisasyon na Deluxe Durga. Kung paano siya nairita sa akin no'ng time na hindi niya na ako magawang matalo dahil mas magaling na ako sa kaniya. Ang pagpigil niya sa akin na huwag ipalaglag ang anak ko. She was excited to see my daughter. Ni hindi niya pa nakikita si Auri.
YOU ARE READING
Tides Turned (Ruin #1)
Romance"You're going to die in the worst possible tragic way, I'd make sure of that." Hervisca Caprisce Versaylles, a kind-hearted woman who allowed herself to be destroyed by the person she loves. She thinks she deserves it. She can't escape her past mis...