Chapter 4

14.1K 223 85
                                    

CHAPTER 4

"I'm kidding," he mumbled as he started to eat.

Nawala ang kaba sa dibdib ko at napahinga pa ng malalim. Mabuti na lang at hindi ako uto-uto. It's too impossible for him to like a girl like me. Nakilala niya lang ako dahil sa pamilya ni Risen. It was all because of their business. Kailangan nila ang tulong ni Kael para mas lalong lumago ang kumpanya nila. Isa pa, may fiancé na ako, sooner or later ay maaari akong ikasal dahil handa na ang lahat. Isang pitik lang ni Risen ay maaaring ikasal na kami.

Ngunit ayaw pa ni Risen sa ngayon or should I say, wala siyang balak na magpakasal sa akin. Hindi siya papayag na matali sa isang babae na hindi nya naman gusto. Well, it's obvious, I knew it from the beginning.

His parents said that Risen is too busy right now, especially since their business is going through a huge problem. But the truth is, Risen doesn't have time for our stupid marriage.

Binalik ko ang atensyon sa pagkain at muling sumubo. Infairness, masarap ang caldereta na niluto niya. This is the very first time in a while that I get a chance to eat this. Grace always bring me food, she didn't forget it. Subalit palaging dried fish iyon, minsan nga puro panghimagas lang. There's a time na hindi ko nauubos kasi hindi naman ako mahilig sa mga gano'n.

Wala naman akong ibang choice kung 'di ang kainin ang mga iyon. Kung gusto kong magkalaman ang sikmura ko, wala akong karapatan na magreklamo o tanggihan ang pagkaing dinadala niya sa'kin.

Nag-angat ako ng tingin at napansin na tahimik na lang siyang kumakain. Nakayuko siya at tutok ang atensyon sa kinakain nya. Mabilis ang bawat pagsubo nya na para bang gutom na gutom siya kaya umangat ang kilay ko.

"M-Masarap." pagtutukoy ko sa caldereta na niluto niya.

He raised his head as he landed his eyes at me. Umarko ang kilay niya pagkatapos ay umayos siya ng upo.

"Ako?" He smirked and lean to the chairs.

Napairap ako sa sagot nya. "Asa ka. Yung luto mo ang tinutukoy ko."

He chuckled loudly. "That's my specialty and ikaw pa lang ang nakakatikim n'yan, consider yourself lucky."

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Baka ito lang ang alam mong luto kaya gano'n."

Ngumisi siya ng malawak saka umiling. "I can cook anything. You probably forgot that I also own one of the famous restaurant here in Philippines."

Wala sa sarili akong napailing sa kanya. Oo nga pala, siya rin ang nagmamay-ari ng isa sa pinakasikat na restaurant dito sa Pilipinas. Ang Grand Plaza Osteria. It is well-known throughout the entire world and has countless branches everywhere. I just know that it is famous and that its always on top compare to other restaurants. Nalaman ko ang mga bagay na 'yon nang minsang magbasa ako ng magazine dahil sa wala akong magawa.

"Yeah, right. Hindi ka nga lang pala isang CEO ng Vuenoista."

"To make it clear, I'm not just CEO, I'm also Chairman. Hindi sa pagmamayabang but I am licensed Flight-Engineer too," he bragged at mas lalong lumawak ang ngisi.

"Hindi ko naman tinatanong," I uttered coldly. 

Muli siyang natawa. I don't really get this guy. Parang gusto niya palagi na nakikitang naiinis ako. Hindi ko siya maintindihan. Masyado siyang magulo at pinasasakit niya ang ulo ko. Hindi ko nga alam kung bakit humantong kami sa gan'tong sitwasyon. I can't believe I'm talking casually to him right now, even though we only knew a little about one another, it seemed like it came naturally for us to have a conversation like this.

I was about to take a bite but I heard voices laughing outside. Napalingon ako doon at hinintay na pumasok sila sa pintuan. When they came in, tatlong lalaki ang natanaw ko. Ang isa sa tatlong lalaki ay ang kaninang pumasok sa kwarto ni Kael. Nakilala ko agad siya dahil sa suot niyang salamin. He was wearing a black browline glass. Masyadong seryoso ang mukha niya at sa tingin ko ay may pagkasuplado. Lumipad agad ang tingin nila sa amin at mukhang nagtataka sa nakikita nila.

Tides Turned (Ruin #1) Where stories live. Discover now