Featured Song
Marry Me by JASON DERULO“Vixen!” Napalingon ako kay Seah, isang taon na rin ang nakalipas nang magdesisyon akong iwanan ang industriya.
Nandito kami ngayon sa Bonjour Restaurant dahil gusto raw nila akong makita. Sa Sta. Catalina kasi ako nag-stay, sa Casa Alextre. Kauuwi lang namin ni Kai galing Switzerland para tapusin ang nasa list niya noon.
Kaya pala nasabi kong wala naman dito noong nasa number five niya, Switzerland pala talaga ang gusto niyang puntahan noon pa. Nakangiti akong lumapit sa kanila, wala pa si Kai dahil nasa law firm pa siya.
“Ay nasaan si Attorney? Siya pa naman ang ipinunta ko rito.” Inirapan ko si Seah, sa pagkakatanda ko ako ang kaibigan niya ang crush nito at hindi ang boyfriend ko.
“Patingin ng kamay!” Kunot noong iniabot ko kay Deana ang kamay ko pero ngumuso siya at bumusangot. Mukhang disappointed ang bakla.
“Ay, akala ko naman ay may singsing na! Bagal pala ni Attorney!” Natawa ako sa pagmamaktol niya.
Hindi naman kami nagmamadali, marami pa namang oras. Lalo pa ngayon na wala ng multo mula sa nakaraan ang hahabol sa amin.
“Anong order mo?” Sinimaan ko ng tinig si Zach na tumawa lang naman. Padarag ba naman kasi ang pagtatanong niya sa akin.
“What’s your order maem?” Aniya sa malumanay na paraan. Muntik pa akong matawa.
“Bakit ka nandito?” Sa pagkakaalam ko kasi ay siya na ang nag-aasikaso ng Rivero Shipping Line.
“To get your order Ma’am. As you please,” sinenyas pa niya ang menu na nakapatong sa table. Gusto ko siyang sapakin ngayon. Kita ko ang kilig ng mga kasama ko, gwapo naman talaga si Zach pero red flag.
“Iyong order niya,” saad ko. Umasim ang mukha ng lalaki kaya ako naman ang natawa. Marahan siyang tumango bago napahinga ng malalim.
“Bakit ko ba kasi kailangan danasin ito?” Bulong niya. Inakbayan siya ni Zyeus na malapad ang pagkakangiti.
“Hindi tayo papalag, Kuya. Hello ate Vi.” Lumingon siya sa akin bago kumaway at padarag na hinila papunta kay Ate Ayi si Zach.
Napangiti akong sinundan sila ng tingin bago napailing. Successful ang surgery ni Zyeus at nakakalakad na ulit pero tulad ko, iniwan na rin niya ang showbusiness. Hindi na naman niya iyon kailangan dahil maganda naman ang buhay ng pamilya niya.
Tumunog ang wind chime ng restaurant kaya napalingon kami roon. There he is. My man is walking with his forehead creased, Maurice is holding his arm dragging him inside.
Behind them are their friends fighting the urge to laugh. Kahit busangot ang gwapo-gwapo pa rin ng lalaking ito.
Kai stopped beside our table, just before they walk past us. Maurice dodge him but he didn’t move a muscle.
“Come on Lopez!”
Kai looked at me as if he is asking for a rescue, Maurice’s eyes went to me. She smiled sweetly at me and I gently bowed my head, smiling.
“Hello, Vi. Hiramin ko muna si Kai, is it okay?” Tinignan ko ang boyfriend ko, halatang ayaw niyang sumama kaya naman tumango ako. Tuwang tuwa si Maurice at nalaglag naman ang balikat ng mahal ko.

BINABASA MO ANG
silhouettes of the past | ✓
Romans𝗽𝗵𝗼𝗲𝗻𝗶𝘅 𝘀𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗶𝗶 𓆩♡𓆪 Vixen has always been smitten by the brown eyed Chinito; despite losing her memories, she still ended up drowning in Kai's love. But will she still be able to grasp that love after discovering how tangled their...