After 1 month..
Madami ang nangyari sa loob ng isang bwan. Bumalik na ang dating samahan namin ni Drew. Halos araw-araw siya pumupunta sa bahay. Nakikipag kulitan, nakikikain at higit sa lahat nakikitulog. Pero syempre sa guess room siya.
Hindi ko maintindihan ang sayang nararamdaman ko pag magkasama kami. Ibang iba ito kesa sa mga araw na magkasama kami nuon. Hindi ko alam pero, parang ayaw ko na siya ibigay kay Jenny. Haha.
About naman sakanila ni Jenny, madalang na sila magkita at magkausap. Parang umiiwas si Andrew. I heard palagi sila nag-aaway. Pero hindi ko alam ang dahilan. Tinatanong ko naman kay Andrew pero ayaw niyang sabihim. Gusto ko naman kausapin si Jenny pero hindi ko magawa kasi biglang lamig ang trato niya sa akin. Ano kayang problema nila?
Sabado ngayon at walang klase. Wala naman akong balak lumabas ng bahay. Tsaka, wala ako kasama kung sakali man. May mga lakad kasi sila. SiKim, malamang kasama niya si Josh! Anniversary kasi nila. Si Mitch, umuwing batangas. Si Nikki, kasama ang ate niya sa hospital. Si Bryan, ewan ko dun! Bigla nalang ako iniwasan. Si Andrew, kasama siya ni tito na magpunta sa Hacienda ng lolo niyang si Don Geronimo.
Kaya no choice ako, magkukulong ako dito sa bahay maghapon. Busy naman si kuya sa trabaho.
Nanunuod ako ng TV ditosa sala ng mag vibrate ang phone ko. Kinuka ko ito para tignan kung sino ang nagtext.
From: 0905*******
It's me Jenny. Can we talk? Meet me at starbucks. 9am. Near at our school.
Bigla ako nagtaka. Bakit gusto niya magkausap kami? May dapat ba kaming pag usapan? Siguro, about kay Andrew.
At exactly 9 o'clock, nakarating ako dito sa starbuckskung san kami mag-uusap ni Jenny. Nakita ko naman siya at agad akong lumapit.
"Hi" Bati ko sabay upo sa upuan na nasa harap niya. Ngumiti lang siya bilang tugon. Nakita ko naman na nakapg order na siya. Mamaya may lason to. Haha. Joke lang!
"Hmm. Ano pala pag-uusapan natin?" Tanong ko skanya.
"Gabby, May sakita ako. Cancer, nasa critical stage na ako" Paninimula niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya pala sobra ang ipinayat niya.
"Gabby, ano namg oras baka mamatay ako" Umiiyak na sabi niya.
"Alam na ba ni Andrew to"? Alalang tanong ko habang hawak ang mga kamay niya. Umiking siya. So, hindi pa alam ni drew?!
"Hindi ko pa sinabi dahil hindi pa kami nag-uusap. Natatakot akong sabihin sakanya, baka iwan niya ako" Umiiyak na sabi niya.
"Hindi. Kilala ko si Drew, he loves you so much. Hindi ka niya kayang iwan" Sabi ko sakanya. Naluluha na din ako dahil naaawa ako sa kalagayan niya.
"No, kaya niya akong iwan Gabby, para sayo kaya niya ako iwan. Gab, mahal na mahal ko si Andrew. Gusto ko siyang makasama habang nabubuhay pa ako. Pero alam kong malabong mangyari yun. Dahil hindi ka niya kayang iwan" Sabi niya. Bigla naman ako nakonsensya sa sinabi niya.
"Gabby, ayaw kong maging selfish. Pero Gabby, ibigay mo sa akin si Andrew. Kahit sandali lang. Alam ko naman na hindi na ako magtatagal. Parang awa mo na Gab" Nagmamakaawang sabi niya.
"Jenny, hindi ko pag mamay-ari si drew" Sabi ko sakanya.
"Pero Gabby, nasa'yo siya. Na sayo yung atensyon niya. Gabby, kailangan ko si Andrew. Please?" Hindi parin siya tumugil sa pag-iyak.
"Kakausapin natin si Andrew. Ipapaalam natin yang sakit mo. Hindi ka nun iiwan. Maniwala ka" Pangungumbinsi ko sakanya.
"Hindi Gabby. Ayaw kong nag aalala si Andrew. Sasabihin ko din sakanya, pero hindi pa ngayon." Sabi niya.
"P-pero Jenny, m-mahirap yang--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nakita kong hinawakan niya yung ulo niya.
"A-araaaay! Araaaay!" Bakas sa mukha niya ang sakit na nararamdaman.
"Jenny! Ano nangyayari?? Jenny, dadalhin ka namin sa hospital." Natatarantang sabi ko. Jusko! Wag dito. Please.
"No, ako nalang. Ihatid mo nalang ako sa sasakyan namin. Inaantay ako ni kuya" Sabi niya at tumayo na kami. Naglalakad kami habang inaalalayan ko siya.
"Gab, pag isipan mo sana yung sinabi ko. Please?" Sabi niya ng makarating kami sa sasakyan nila.
"Sige" Tipid na sabi ko. Isinara ko na yung pintuan ng sasakyan nila.
Malungkotakong naglakad pabalik sa loob. Mag-iisip muna ako. Ayaw ko muna umuwi.
Ano ba ang dapat kong gawin? Hindi kaya ng konsensya kong maging masaya kung alam kong may nasasaktan. Pero kaya ko bang layuan si Andrew? Iniisip ko palang, parang hindi ko na kaya.
Pero pano si Jenny? Ang bata pa niya para maranasan ang hirap na nararanasan niya ngayon. Kaninang makita ko siyang nsasaktan dahil sa sakit niya, parang sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko lubos maisip na may dinaramdam siyang malubhang sakit.
Mabait si Jenny. She don't deserved those illness. Konting panahon nalang ang natitira kay Jenny. Sino ba ako para ipagkait ang taong magpapasaya sakanya.
Kaya ko ba i-let go ang taong mahal ko? Oo, mahal ko si Andrew. Matagal na. Pero pilit kong kinukumbinsi ang sarili kong hindi pwede. Hindi tama.
Sa mura kong edad, minahal ko na si Andrew. Kaya ginagawa ko lahat para sakanya. Para sumaya siya. Niligawan ko yung mga babaeng nagugustuhan niya dahil alam kong sasaya siya pag ginawa ko yun. Kahit alam kong ako ang masasaktan sa bandang huli.
Ngayon, may nangangailangan kay Andrew. Pero hindi niya makuha dahil sa akin. Kaya ko ba magparaya? Ano ba ang dapat kong gawin?
Hanggang sa makarating ako dito sa bahay, iniisip ko pa din kung ano ang dapat kong gawin. Nahihirapan ako. Hindi ko na alam.
Maghapon akong hindi lumabas ng kwarto ko. Pinuntahan ako ni Kuya dito sa kwarto ko dahil sinabi ni nanay rosa na kanina pa ako hindi lumalabas. Nagdahilan nalang ako kay kuya na masama ang pakiramdam ko. Gusto ko sana humingi ng tulong kay kuya pero alam kong masyadi siyang busy para dito.
Hanggang sa nakapag desisyon na ako sa dapat kong gawin. Sana lang tama ang naging desisyon ko at hindi ako magsisi sa bandang huli.
