Chapter 46

8 1 0
                                    

Andrew's POV

I must admit, nasaktan ako nung tawagin niya ako sa pangalan ko. Dati kasi last name basis kami, ngayon hindi na. Ang ibig sabihin ba nito ay talagang kinalimutan na niya ako? Ako tong halos hindi siya makalimutan tapos yun pala, halos hindi na niya ako maalala.

Maraming beses kong sinasabi sa sarili ko na kakalimutan ko na siya, pero bakit sa tuwing nakikita ko siya bumabalik lahat. Why is the world really unfair? bakit ako lang nakakaramdam ng sakit? I want to be happy. But, I don't know how.

Simula nung bumalik siya, walang gabi na hindi ko siya naalala. Sa tuwing gusto ko siya maalis sa isip ko, andyan naman si Ate na magpapaalala ng tungkol sakanya, so tell me.. How can I move on?

"How long you've been friends with Shane?"

Okay na ako eh, ang alam ko okay na ako.

"If you and Shane are bestfriends, why it seems that you're not?"

Pero bumalik siya, nagbago ang lahat.

"Babe?"

Yung mga tingin niya kanina, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya naman masabi sakin. Parang magkahalong galit at inis. Matagal kaming nagkasama ni Gabby kaya alam ko na may ibig sabihin ang mga tingin niya kanina. Lalo na nung may pinag uusapan sila at bigla siyang tumingin sakin.

"You're not listening!"

May nagawa ba akong mali o kasalanan? Ni hindi nga kami nagkausap nung huling nagkita kami. Ako nga ang dapat magalit dahil sa hindi niya ako sinipot sa usapan namin. Ibang-iba na talaga siya kumpara nuon. Ang hirap na niyang basahin ngayon.

"You're spacing out Andrew!" Nabaling ang atensyon ko kay Valerie ng marinig ko siyang magsalita.

"I'm sorry. Ano nga yung sinasabi mo?"

"Is there bothering you? Kanina kapa ganyan." Tanong niya.

"May naalala lang ako" Sagot ko.

"What? or should I say who?" Sabi niya habang nakatingin direct sa mga mata ko.

"Don't mind it. it's not important anyway." Sabi ko sabay ngiti.

"You sure?" Paniniguro niya.

"Yes babe. Ano nga pala yung sinasabi mo?"

"Ahh.. I was asking if how long you've been friends with Shane?" Nakangiting tanong niya.

"Since birth" I said then I chuckled.

"But, both of you look strangers to each other. And on my own observation she's giving you a cold treatment" Panandalian akong natahimik sa sinabi niya. Masyado na bang obvious?

"Well.. We have unsolved problems when she left. That's why we are not comfortable with each other" Sagot ko .

"May I know what problem is that? maybe, I can help"

"Nah, I can fix it by myself. But thank you" Sabi ko.

Hindi na siya umimik at kumain nalang. Ganon din ang ginawa ko. Nang matapos kaming kumain nag nag-aya na siyang umuwi. She needs to pack her things, she needs to go back in Paris. Mawawala siya ng halos isang buwan, mayu project kasi ang company nila.

"Babe" Tawag niya sakin ng huminto ang sasakyan ko sa harap ng bahay nila.

"Yes, babe?" Sabi at humarap sakanya. "what?" Tanong ko ng hindi siya magsalita.

"Is she just your bestfriend? Or more than that?"Nakayukong tanong niya. Should I tell her the truth or should I keep the truth from her?

"Just.. bestfriend" Okay. I prefer not to tell her. Because if I chose the last one, maybe things are getting complicated. I know Valerie, mabait siya. Pero ayaw niya ng may kahati lalo na kung mas nauna kesa sakanya.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon