Andrew's POV
Bigla ako nagising sa tunog ng phone ko, kinuha ko ito at tinignan ang caller..
Bryan calling..
"Dude!" Sagot ko sa kabilang linya.
[F*ck dude! Kagigising mo lang? Aalis na si Gabby!!] Sigaw niya sa kabilang linya. Bigla naman ako napabangon. Ngayon na ba? Wala naman nabanggit si ate na ngayon na pala yun!
"WHAT??!!! Where are you?!" Tanong ko sakanya, habang nagmamadali akong magpunta sa cr.
[I'm waiting for Josh. Dadaanan ka namin dyan. Bye] Sagot niya. Agad naman ako nag-ayos!
Nang makapag bihis ako, tumakbo na ako sa labas para hintayin sila Bryan. Agad kong naalala yung kapatid ni Jenny, tinignan ko ang phone ko kung may text na siya. Nakatulugan ko kasi ito kagabi.
From: 0917*******
What?? Si ate may sakit?! You must be kidding me! San mo naman napulot ang balita na yan?!
Sh*t ka Jenny!! Hindi ko lubos maisip na nagawa mo magpanggap! Akala ko, iba ka. Pinahalagahan kita! Dinamay mo pa si Gabby.
Dumating na sila Bryan at agad na akong sumakay sa sasakyan nila. Dumiretso kami sa bahay nila Gabby.. Nang makarating kami sa bahay nila, agad kaming bumaba at pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan namin si Nay rosa sa sala.
"Nay! Si Gabby po ba andyan pa?" Tanong ko.
"Nako anak, kanina pa nakaalis" Sagot ni nanay.
"Anong oras po ang lipad niya?" Josh.
"9:30 anak. Lumarga na kayo, baka maabutan niyo pa" Pagtataboy ni nanay. Nagmadali naman kami bumalik sa sasakyan at pinatakbo na ni manong ng mabilis.
"Pano niyo nalaman na ngayon aalis si Gab?" Tanong ko sakanila.
"Tumawag ako kay Kim kanina, kaso hindi ko macontact. Then I tried to call her brother. Nalaman kong hindi siya umuwi kagabi. Dun daw silang tatlo natulog sa bahay nila Gabby dahil aalis na daw siya ngayon." Detalye ni Josh.
"So, all this time yung mga babae lang ang nakakaalam ng lahat." Sabi ko.
"Girls are girls dude" Sabi naman ni Bryan.
Ang gagaling talaga nila magtago ng sikreto. Hindi na ako magtataka kung alam na din nila yung ginawa ni Jenny. Pero hindi nila alam ang totoo.
Sana maabutan ko pa si Gabby. Sana makahingi pa ako ng tawad sa mga nasabi ko. Gabby please. Hintayin mo ako.
"Dude, try to contact Kim. Sabihin mong antayin nila tayo." Utos ko kay Josh.
"Kanina ko pa ginagawa dude! Maski sila Nikki at Mitch, hindi ko macontact!!" Naiinis na sabi ni Josh.
"Sinadya nila to! Even kuya Shawn. He's not answering my calls" Sabi ko. Ayaw talaga nila ipaalam sa amin.
Andito sa kami sa airport. Naghiwahiwalay kami para hanapin sila.
"Dude! Ayun sila!" Sigaw ni Bryan. Agad naman kami tumakbo para puntahan sila.
Nagulat sila ng makita nila kami. Agad na hinanap ng mga mata ko si Gabby. Pero wala, maski si kuya Shawn wala din.
"S-si kuya Shawn? Si Gabby? Asan sila?" Kinakabahang tanong ko.
"Si kuya, umalis na. S-si Gabby, u-umalis na din" nakayukong sagot ni Mitch.
"What? Bakit hindi niyo sinabi sa amin?! Bakit niyo itinago?!!" Galit na tanong ni Josh. Habang ako naman, nanghihina akong umupo sa bench.
"For what?!! Do you guys care?!!! Tsaka, malaman niyo man o hindi, aalis at aalis pa din siya. Because Andrew hates her!! She left us, because she's hurt!!! She left us, because she wants to help a person who's sick!!! She sacrificed everything, even her own happiness!! We just want to help Gabby that's why we hid it from you guys!!" Umiiyak na sabi ni Kim. Pagkatapos humarap siya kay Josh "And you!! Don't you dare to get mad of me, or else hihiwalayan kita! And I'm dead serious Joshua!" Biglang natakot si Josh sa sinabi ni Kim.
