Nikki's POV
Nakangiti ako habang pinagmamasdan sila Gabby at Liam. Ang saya nilang tignan, makikita mong nagmamahalan silang dalawa. Siguro tama nga yung desisyon nilang dalawa.
Flashback..
Pagkaalis na pagkaalis ni Gabby ay naghanda na ako ng pwedeng lutuhin. Sa totoo lang wala akong gana magluto kaso wala naman ibang maaasahan. Si Kim, nilalaro si Shanelle na akala mo taon na hindi sila nagkitang mag-ina. Si Michelle naman, andun sa kwarto nagkukulong. Hindi ko alam kung bakit.
Pagkatapos ko makapag luto ay pumunta ako dito sa sala para manuod. Alangan naman tutunganga ako dito? Makikipag laro sa mag-ina o dadamayan si Michelle sa loob? Jusko! wag na..
Nakaprente akong nakaupo ng may mag doorbell sa labas ng unit. Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. Hindi na ako nag-abalang silipin kung sino. Binuksan ko na agad at nagsisi ako ng makita ko si Gerry.. Iniwan kong nakabukas ang pinto at naglakad pabalik sa inuupuan ko. Napansin ko naman na isinara niya ang pinto at naglakad papunta sa tabi ko.
"Knock knock" Gerry
"Pwede ba?!" Nakakunot noong lingon ko sakanya.
"Okay boss" Sabi niya at ang loko sumaludo pa! Waaah. Ano ba ginagawa ng lalaking 'to dito?!
Dingdong..
Tumayo na naman ako ang tumunog ang doorbell, at ngayon sinilip ko na kung sino at nakita ko si Rams na nakatayo sa labas.
"H--" Hindi ko na siya pinatapos at tinalikuran na siya. And at this time dumiretso na ako dito sa mini bar area. Naglakad naman si Rams at umupo sa tabi ni Gerry. Nag-uusap silang dalawa pero hindi ko maintindihan kung ano.
Dingdong..
"Hayst!! Bakit ba kasi hindi pa kayo naghintayan sa baba kung may balak kayong mang-istorbo ngayon?!!" Inis na sabi ko habang naglalakad palapit sa may pinto. Binuksan ko at nakita ko si Bryan na nakangiti.
"Ano nginingiti-ngiti mo dyan?" Inis na tanong ko.
"Wala lang" Sabi niya at nanuna na naglakad papasok. Anong meron dun? Siya masaya, samantalang nakasimangot naman yung isa.
"Where's Michelle?" Tanong ni Bryan. Tinuro ko naman kung asan si Michelle at dumiretso siya sa kwarto.
"What are you doing here?!" Nakapamewang na tanong ko sakanilang dalawa.
"Sweety naman. Ang init parin ng ulo mo" nakangusong sabi ni Gerry.
"Wag mo ako masweety sweety dyan! nabubwisit ako sayo!" Galit na sabi ko sakanya.
"Pfft"Tinaasan ko naman ng kilay si Rams.
"Ano?!"
"May sasabihin kami" Sabi ni Rams.
"Ano? Pakibilis!"
"Liam needs our help, kaya kailangan kumpleto tayo" Sabi naman ni Gerry. Sinimagutan ko lang siya pagkatapos ay naglakad na ako para tawagin sila. Una ko binuksan anmg kwarto ni Kim.
"Labas.. May unggoy!" sabi ko at naglakad apapunta sa kwarto ni Michelle.
"Ka-- Sh*t! Mamaya na yan. Lumabas muna kayo" Sabi ko at isinara ang pinto. Grabe! I saw them kissing. Nako! Humanda ka mamaya Michelle.
Magkatabi kaming nakaupo ni Kim dito sa isang malaking sofa. Magkatabi naman sila Bryan at Michelle na ngayon ay nakangiti na. Kaharap naman namin sila Rams at Gerry.
"Talk!" Kim.
"Okay.. Plano ni Liam na magpropose kay Gabby" Umpisa ni Rams.
"What?" ako.
"Huh?" Michelle.
"Ano?" Kim.
"Wedding proposal" Bryan.
"When?" Kim.
"Tonight" Rams.
"How?" Ako.
"Before his flight" Gerry.
At sinabi na ni Rams kung ano ang gagawin. Aaminin ko, kinikilig ako. Hanep naman talaga ang pagka Don Romantiko ni Captain. Napag usapan din namin na kalimutan muna namin yung samaan namin ng loob. Hindi ko nalang papansinin si Gerry para iwas bangayan.
Kitang-kita ko kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Masayang masaya ako para kay Gabby dahil sa wakas nahanap na niya ang lalaking makakasama niya sa pagtanda. Hindi ko mapigilan ang maiyak dahil sa sayang nakikita ko sa dalawa.
"Pano ba yan, ikaw nalang" Sabi ni Michelle at ipinapakita sakin ang daliri niya kung san nakasuot ang binigay ni Bryan na engagement ring sakanya.
"Tss. Aanhin ko ang singsing kung hindi pa ako sigurado na siya nga talaga. Ayaw kong umasa" Sabi ko at napansin ko na napalitan ng lungkot ang kaninang ngiti ni Michelle.
"Hey! Are you okay?" Tanong ko.
"Y-Yeah. Let's go?" Sagot niya at naglakad na papunta kila Gabby. Bakit parang hindi? Bakit parang may problema siya? Kanina pa siya ganyan simula kaninang umuwi siya, nagbago lang nung dumating si Bryan.
****
Andrew's POV
Siguro nga kailangan ko ng tanggapin ang katotohanan na hindi na siya babalik sakin. Na hanggang magkaibigan nalang kami. Sana simula palang ipinaglaban ko na, siguro ako ngayon ang nasa lugar ni Liam. Sana hindi ko inuna ang pride ko at inayos ang lahat nuon pa. Tama nga siguro si Ate, na ang laki kong tanga dahil pinakawalan ko siya.
Sana simula pa nuon inamin ko na ang totoo kong nararamdaman para sakanya. Sa tuwing tinutulungan niya ako, naiinis ako. Dahil ang totoo siya yung gusto ko at hindi sila. Hindi lang ako tanga, torpe pa.
Kaninang papasok kami ni Valerie ang airport, nakita ko na sila na parang nagtatalo. Nakita kong umalis si Gabby at hindi siya sinundan ni Liam. Agad ako nagpaalam kay Valerie ng makita kong palabas si Gabby, pumayag naman siya.
Hinila ko agad si Gabby ng makalapit ako at tinanong kung bakit siya umiiyak. Hindi ako naniwala nung sinabi niyang hindi. Magsasalita pa sana ako ng may ingay kaming narinig.
At ngayon, andito ako nakatayo at pinapanuod silang dalawa. Nakita ko kung gano kasaya si Gabby, ngayon ko lang ulit nakita ang mga ngiti niya. Ramdam kong mahal na mahal nila ang isa't-isa.
"They look so happy and loved" Nilingon ko kung sino ang nagsalita at nakita ko si Bryan.
"Yeah" I said in a low tone.
"Are you okay?"
"Yes.. I hope" Sagot ko at ngumiti ng pilit.
"She's now happy and you should be happy for her" He said and he tapped my shoulder.
"I will" I smiled bitterly. "I have to go dude" I added, naglakad na ako paalis ngunit napahinto ako nang magsalita siya.
"It's so hard to lose the one you love, to finally you have to say goodbye. Let go all the feelings and keep the memories" Bryan said. Pagkatapos niyang sabihin yun ay nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Bryan is right, I should be happy for Gabby.
At gagawa ako ng paraan para maibalik ang pagkakaibigan namin. Kahit yun lang, masaya na ako.
****
![](https://img.wattpad.com/cover/40032116-288-k636311.jpg)