Andrew's POV
"Sir, andito po si ma'am Valerie" Rinig kong sabi ni ng secretary ko mula sa intercom.
"Let her in" Sabi ko. Agad naman bumukas ang pinto ng office ko at iniluwal nito si Valerie. She's so hot with her red fitted dress.
"Miss me?" Sabi niya ng makalapit sa harap ko.
"Yeah!" Sabi ko sabay hila sakanya para makaupo sa kandungan ko at agad ko siya hinalikan sa labi. Naghalikan kami hanggang sa kusa na kami bumitaw sa isa't isa.
"Let's eat outside babe" Sabi niya habang inaayos ang necktie ko.
"Okay!" Maikling sabi ko sabay hawak sa bewang niya.
Sa mall namin naisipan kumain. Andito na kami sa parking lot ng magsalita siya.
"Looks like you don't miss me" Sabi niya at bababa na sana siyang bigla ako lumapit sakanya at hinalikan siya. Napasandal naman siya sa may bintana.
Hinawakan niya ako batok ko habang ginagantihan ako ng halik. The kiss was aggressively hot. Naghahalikan kami ng hindi ko napansin na nakababa na pala ang bintana ng kotse ko. Nadaganan pala ni Valerie ang control button nito.
Naramdaman kong may nakatingin sa amin. Kaya agad akong tumingin sa labas ng bintana at lumayo ako bigla kay Valerie ng makita ko ang isang pamilyar na mukha ng babae. Hindi ito nakatingin, lalabas na sana ako ng biglang umandar paalis ang kotse nito.
Tama ba yung nakita? Siya ba yun? Hindi ako pwede magkamali. Limang taon na ang lumipas pero hinding hindi ko makakalimutan ang mukha niya. Pero imposible, dahil base sa sinabi ni nay Rosa hindi na siya babalik dito.
"Tama na Andrew.. kalimutan mo na siya. Wala na kayong pag asa!" Sabi ko sa sarili ko.
"Babe, what's wrong?" Tanong sa akin ni Valerie.
"Nothing. Let's go" Sabi ko at lumabas na kami ng kotse.
5 years is enough. It's time to move on.. Siguro kinalimutan na talaga niya ako. No more Andrew in her life and I'll do the same thing. I'm taking her out of my life.
Nagbago ang isip ni Valerie at ayaw na niya kumain s loob ng mall. Napagpasyahan namin na kumain nalang sa isang Italian restaurant na pagmamay-are ng matalik kong kaibigan na si Bryan. Hindi ko naman maintindihan kung bakit isang italian food ang gusto niya, hindi naman siya italiano. Haha.
Sa main branch kami nagpunta at eksaktong andun din si Bryan, may kausap siya na isang babae, matangkad ito at maputi. Nakita kong may itim na balat siya sa bandang braso, parang may nakita na akong ganyan na balat, hindi ko lang matandaan kung kanino. Hindi ko lang makita ang mukha nito dahil naka side siya sa akin at naka shades.
Nang makita ako ni Bryan, may binulong siya sa babae at pasimpleng umalis. Nang makaalis yung babae, agad namn na lumapit si Bryan sa amin at umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.
"Hey Val! Kailan ka pa bumalik?" Tanong niya kay Valerie.
"Yesterday. By the way, I love your foods here. Bilib na talaga ako sayo" Puri niya kay Bryan.
"Haha. Thank you" Sabi niya sabay tingin sa akin. "Pare, did you received the invitation for our Grand alumni?" Tanong niya.
"Yup!" Maikling sabi ko.
"Good then. Who's your date anyway?" Kailangan pa ba yun?
"Requirements?" Tanong ko.
"Hahaha. Hindi naman. Why don't you invite Valerie?" Suggestion niya. Tumingin naman ako kay Val to ask permission.
