Taon na ang lumipas pero wala pa rin siyang balita kay Gabby. Kaya tuluyan na siyang sumuko. Pagod na siya maghintay sa pagkakataon na alam niyang malabo mangyari.
Nagkaroon siya ng kaliwa't kanan na girlfriends. Wala siyang sineseryoso. Ngunit may isang babae na naka fling niya pero hindi na siya nito tinantanan. Siya si Jane. Kahit ilang ulit niya itong ipahiya, hindi pa din umuubra sakanya. Kaya sa tuwing makikita niya ito, palagi nalang siya nagtatago.
Ginagawa niyang parang damit ang mga babae, pagkatapos niyang pagsawahan, tinatapon nalang niya ito. Ganon din ang kanyang kaibigan sa si Josh. Kaya naghiwalay sila ni Kim.
Nahuli kasi niya itong may kasamang ibang babae sa condo niya. Gusto sana niyang habulin si Kim pero pinigilan siya nung babae. Pinakitaan siya nung babae ng motibo para hini niya ituloy ang paghabol sa kasintahan. Hindi na niya nagawang mag explain dito hanggang sa malaman niyang nakaalis na siya kasama ang dalawang kaibigan.
Ngunit, lingid sa kaalaman ni Andrew at Josh lihim na nakikipag usap si Bryan sa apat na magkakaibigan. Siya lang ang pinagkakatiwalaan nila. Lihim din na nanliligaw sa Bryan kay Michelle. Ang alam ng dalawa, ayaw sa babae ni Bryan. Paminaan minsan dumadalaw din si Bryan sa Paris para bisitahin ang mga ito.
Palagi sa Bar sila Andrew at Josh. Dun sila nakakakilala ng mga babaeng naiuuwi nila sa condo unit nila. Pareho silang sawi kaya naghahanap sila ng paglilibangan.
Alam sa sarili ni Andrew na hanggang ngayon si Gabby parin ang mahal niya. Hindi niya ito magawang kalimutan. Kaya hindi din niya magawang magseryoso sa iba.
Nagagalit na nga sakanya ang ate Andy nia dahil mga pinaggagagawa niya. Palagi kinukumpara ng kapatid niya ang mga nagiging babae niya kay Gabby. Kaya minsan naiinis siya, dahil pano niya kakalimutan si Gabby kung palagi ito pinapaalala ng ate niya. Minsan nag away sila dahil nahuli siya na may inuwing babae sa condo niya.
Flashback
*ding dong*
Nagising siya dahil sa tunog ng doorbell sa labas. Pupungay pungay siyang naglakas patungo sa pintuan.
"You look so tired Drew!" Bungad ng ate niya. Nagulat siya dahil hindi niya inaasahan na darating ito.
"What are you doing here?!" Gulat na tanong niya kay Andy, napansin naman niyang kakaiba ang kinikilos ni Andrew dahil bigla niya sinara ang pintuan ng kwarto niya.
Naglakad si Andy para tignan kung may tinatago ang kapatid, ngunit bago pa niya mabuksan pinigilan na siya nito. Pero pareho silang nagulat ng bumukas ang pinto at nakita ang babaeng nakatayo sa loob.
Tinignan ito ni Andy mula taas hanggang baba.
"Andrew! Get her out of here. Now!!" Galit na utos nito sa kapatid. Hindi naman agad nakakilos si Andrew aa kinatatayuan.
"And who do you think you are?" Mataray na tanong ng dalaga. Napataas naman ng kilay si Andy sa sinabi ng babae.
"Andy Brioness! Andrew's sister. And you? Oh! Let me guess? You're one of my brother's toy!" Sabi ni Andy in a sarcastic tone. Napahiya naman ang babae kaya bigla niya kinuha ang gamit at biglang tumakbo paalis.
Pagkaalis ng babae, bigla nagsalita si Andrew.
"Look what you did! Pinahiya mo yung tao!" Galit na sabi niya.
"She deserves that! Kailan kaba magbabago?!! It's been a years since she left you! Pano ka niya babalikan kung ganyan ka?! You're a damn womanizer! Kung sinu-sino ang mga inuuwi mo!! Buti sana kung mga katulad ni Gabby. Kaso hindi eh! Ang layo nila para maging si Gabby." Padabog na kinuha ni Andy ang bag niya at lalabas na ito ng bigla ulit siya nag salita "Fine! Do what ever you want drew. Maghanap ka ng katulad ni Gabby. Pero palagi mong tatandaan, nag-iisa lang ang Gabriella Shane Jimenez na nagmahal sayo, pero sinayang mo" Sabi niya at tuluyan ng lumabas ng unit niya.
End of flashback
Sa tuwing naiisip niya ang mga nagawa at nasabi niya kay Gabby, hindi niya naiiwasang magsisi. Pero kailangan tanggapin na wala na siya.