Simula kaninang bumalik ako dito sa table namin galing kay Gabby at hanggang sa matapos ang plano no Bryan ay wala parin imik si Josh.
"Did you talked?" Tanong ko sakanya.
"Not yet! When I was about to grab her hand, biglang may lumapit sakanya. At sabay silang umalis" Sabi niya.
"Better luck next time dude!" Natatawang sabi ko. Masaya ako, kasi nayakap ko si Gabby kahit saglit lang.
"He owe us an explanation!" Sabi niya. Alamkong si Bryan ag tinutukoy niya.
Hindi namin inaasahan na si Michelle yung babaeng tinutukoy niya. Siya yung nakita ko sa restaurant niya. Tama! Kay Michelle ko nakita yung balat na yun. Tss!
Sinabi niyang pinupuntahan niya sa Paris si Michelle, ibig sabihin may communication siya sakanila at matagal na niyang alam kung nasaan sila? Pero bakit hindi niya sinabi sa amin?
"So, si Michelle dela Fuente pala. Such a lucky guy" Hindi ko napansin nasa tabi ko na pala si Valerie, hinatid niya sa labas si Stephanie. Nainis kasi siya sa inaasta ni Josh ngayon.
"Do you know her?" Tanong ko sakanya. Bigla naman siya natawa.
"Oo naman. Alam ko kung san yung table nila. Let's join them!" Sabi niya sabay tayo. Wala na kaming nagawa kundi sumunod sakanya.
Palapit na kami sakanila, at nakita ko si Gabby na nakangiti. Bigla sila tumahimik ng makita nila kami. Tinignan ko si Josh, a nakita kong masama ang mukha niya, napatingin ako sa tinitignan niya. Nakita ko si Kim at Rams, magkahawak sila ng kamay.
"Hi Sissums!" Masayang bati ni Valerie sakanila at umupo sa tabi ni Nikki. Umupo na din kami ni Josh sa bakanteng umupuan.
(A/N: Round table kasi siya, eto ang arrangement! Andrew-Valerie-Nikki-Gerry-Rams-Kim-Gabby-VacantSeat-Michelle-Bryan-Josh then katabi ni Josh si Andrew)
"Hey!" Sabi naman ng apat. Hindi nalang kami umiimik ni Josh at naghihintay ng kasagutan kung bakit sila magkakakilala.
"How are you sissums?" Nakangiting tanong ni Valerie.
"We're doing great! Kailan kapa dumating?" Una sumagot si Nikki.
"Nung isang araw lang" Sagot ni Valerie. "Ikaw bry ha! Isa pala sa mga sissums ko yung tinutukoy mo" Sabi pa niya at ngumiti ng nakakaloko
"Hey Val! Stop teasing." Saway sakanya ni Michelle. Kinindatan lang naman siya ni Valerie.
"Wait! You know each other?" Sa wakas ay tinanong na din ni Bryan.
"Yes!" Halos sabay sabay nilang sabi. Pinigilan naman nilang matawa.
"Yes! Okay, I'll explain it to you guys. Diba nga, I'm working in Paris as a vogue magazine model? They are the fashion designer and also a model. Kaya yum!" Paliwanag ni Valerie.
"To make it clearer, we're working on the same company!" Dagdag naman ni Kim.
Sa nakikita ko, ibang iba na talaga sila sa dati. Well.. lalo na kay Gabby. Ang dating maingay ay tahimik na ngayon. Ni hindi siya makatingin sa akin.
Samantalang si Josh, hindi makatingin kila Kim at Rams. Parang may iba sa kanilang dalawa. Mukhang mahihirapan siJosh na pabalikin si Kim sa buhay niya.
"Hey Shane! Ang tahimik mo. Are you okay?" Sabi ni Michelle sabay hampas ng mahina sa braso niya.
"Huh? Y-yeah! I'm okay" Sabi niya sabay ngiti, pero halatang pilit lang.
"Where is he? Is he coming?" Tanong naman ni Nikki. He? Sino? Boyfriend niya?
"Yeah! He's on his way na daw" Sagot naman niya.
