"Hindi kapa ba tapos dyan? Bilisan mo, baka may pumasok!" Sabi ni Andrew habang nagbabantay sa may pintuan.
"Teka lang naman po! Makautos ka ah. Ikaw kaya dito!" Sabi ko habang pilit na binubuksan ang isa sa mga locker. Grabe! Pinagpapawisan na ako. Daig ko pa ang magnanakaw sa ginagawa ko. Buti nalang at sira ang CCTV dito.
Andito kasi kami ngayon sa locker room. Wanna know why? E, kung hindi ba naman kasi isa't kalahating tanga tong bespren ko, maglalagay na nga ng love letter sa maling locker pa niya nailagay. Ang masaklap pa dun pa sa kaibigan ni Jenny. Ang linaw linaw na Angela yung nakalagay na pangalan. Ang layo ng Angela sa Jenny! San kaya niya naiwan yung utak niya at mahanap nga. Baka may makapulot pa. Kawawa naman sa nakapulot pag nagkataon. Tsk!
"Ahem! Ano ginagawa mo sa locker ko?" Tanong ni Angela ata? Ko ka niya diba? Waiiiit!! Ano gagawin ko? Waaah! Nalintikan na! Isip-isip.
"Ahh.. Hehe! Sayo ba to? *sabay tingin sa pangalan* Ahh! Sayo nga. Kaya pala hindi ko mabuksan buksan eh" Sabi ko habang nagkakamot ng ulo. Maniwala ka. Please?
"Ah! Ganon ba? Yun yung locker mo oh" Sabay turo kung san ang locker ko.
"Ahh.. sabi ko nga. Hehe! Sige, punta na ako. Pasensya na ha" Sabi ko habang pilit na ngumingiti.
"Ang weird" Rinig kong bulong ni Jenny.
Habang naglalakad ako, hindi ko mapigilang hindi mainis kay Andrew! Aba, dahil sakanya nagmukha akong engot sa harap ni Angela at Jenny! Waaaaahhhh! Walanghiya ka Andrew. Dinamay mo pa kasi ako sa katangahan mo. Hindi mo lang ako dinamay, pinagmukha mo pa akong engot! Bwiset! Bwiset talaga. Huhuhuhuhu. Pero, asan na ba siya? Pinagtataguan na naman ako nun for sure. You better hide Mr. Brioness!
**
I'm here at MY PLACE! Dito sa rooftop, dito ako nagpapalipas ng sama ng loob. Dito din ako pumupunta sa tuwing inaantok ako sa klase. This place is FORBIDDEN! HAHAHA. Anyways, dito muna ako. Napagod ako kakahanap sa taong ayaw magpahanap. I'm about to close my eyes ng maramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Sino kaya tong nagtext?
From: Baby kim
Hey Gabby! Where are you na ba?! We're waiting for you for almost 30 mins. I'm so hungry na. Halika na dito!
Nah, bat kailangan pa nila ako antayin? As far as I know, I'm one of the student here and not a canteen! Psh. Makapunta na nga, mahirap na baka magtampo pa sila.
Papasok palang ako ng canteen pero rinig ko na ang mga tawanan ng mga kaibigan ko. Ang iingay talaga. Tsk. Magsasalita na sana ako pero bigla ko narinig ang boses ni.. Andrew?!
"Epic talaga si Gab kanina. HAHAHAHA. Kung nakita niyo lang yung mukha niya. Priceless! HAHAHAHA" Sabi niya habang hawak hawak ang tyan sa kakatawa. Samantalang nagpipigil naman ng tawa yung iba dahil napansin nila akong nakatayo at nakikinig sa kwento ni Andrew. Di nagtagal naglakad ako papunta sa bakanteng upuan na nasa harap ni Anderew.
"Oh, Bat ka tumigil? Ituloy mo lang, makikinig ako. O baka gusto mo ako na magkwento?!" Sabi ko habang nakatingin sakanya with a fake smile. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. "Fine! Ako na. Ganito kasi yun. Tinulungan ko kasi tong si BESPREN sa katangahang ginawa niya. Pero hindi ko naman akalain na iiwan niya ako sa ere. Nagmukha tuloy akong ENGOT sa harap ni Angela at Jenny. Then, ang masaklap pa pinagtatawanan pa pala niya ako. Ang galing diba?" Sabi ko in a sarcastic tone. Nakakainis kasi eh!
"Ahh. Tara na Gabby, mag order na tayo. I'm so hungry na kasi talaga" Sabi ni Kim with matching hawak pa sa tyan. Style din nito eh.
"Ako din. Naguguto na ako. Una na tayo girls"Sabi naman ni Michelle sabay hila sa akin.
"Hmm. Nawalan na ako ng gana kumaen eh. Antayin ko nalang kayo sa room" Sabi ko sabay lakad palabas ng canteen. Rinig ko ang pagtawag ni Nikki sa pangalan ko pero hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
Papasok na ako sa room ng nag vibrate ang phone ko. Pag tingin ko, si Andrew yung nagtext.
From: Bespren kong Andrew
Gab, let's talk. I just want to apologize. Please?
Tss. Apologize your face! I turned off my phone ang put it on my bag. Pumasok na ako sa room at diretso na ako sa upuan ko. Nakinig nalang akong musics from my ipod while waitng for my friends. Well, hiwalay ang room ng girls sa boys kaya malabo kami magkita. Haha
**
"CLASS DISMISSED" Sabi ni teacher Anne.
"Ladies, I go ahead. Bye!" Sabi ko sakanila at hindi ko na hinintay yung sasabihin nila dahil nagmamadali akong pumunta sa parking lot para hindi ako makita ni Andrew. Pero sa kasamaang palad, pagdating ko sa parking lot nakita ko si Andrew na kausap si Tatay Eddie na driver ko. Tatalikod na sana ako pero huli na ang lahat dahil tinawag na ako ni Tatay, Hayst! Kahit kailan talaga napaka wrong timing ni tatay eh. No choice. Kunwari di ko siya nakita. Tama! Haha.
"Tatay, tara na po" Sabi ko at dinaanan ko lang siya. Papasok na sana ako sa sasakyan pero bigla niya akong hinawakan sa kamay.
"Let me go drew!" Sabi ko sabay hila sa kamay ko pero hindi pa din niya binitawan.
"Can we talk? Please?" Sabi niya with paawa effect. Utot niya!
"Yes! We can, but not now. Now let me go!" Sabi ko at kusa na niyang binitiwan ang kamay ko. Pumasok naman na ako sasakyan ng hindi tumitingin sakanya.
This is not the first time na iniwan niya ako sa ere. Madaming beses na niya akong nailagay sa kahihiyan because of his stupidity!
**
I was about to step on the stair ng may nagsalita mula sa likuran ko. Pagtingin ko, si kuya pala. Ang aga niya umuwi ah.
"What's the effin face, princess?" Tanong niya sabay akbay sa akin.
"Nothing kuya" Sabi ko sakanya habang naglalakad kami papunta sa living room.
"How's your day?" Tanong niya sabay upo sa couch. Syempre sumunod na din ako.
"My day? Nah, someone ruined my day kuya" Sabi ko sabay patong ng ulo sa balikat niya. Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko.
"Haha. Let me guess, si Andrew na naman ba?" Tsk. Alam na alam talaga ni kuya.
"No other than! He's so stupid kuya. I look like a damn weird in front of other people!" Sabi ko sabay punas ng luha gamit ang likod ng palad ko. Waaah! Hindi ko na talaga kayang itago yung sama ng loob ko.
"Your mouth Gabriella! Tell me, what happened?" Tanong niya habang inaayos yung nagulong buhok ko. Ang sweet. Hehe
Then ayun nga, naikwento ko kay kuya yung nangyari kanina. And based sa nakikita ko, ang aking magaling na kapatid ay kanina pa nagpipigil ng tawa. Hayst! Isa din to eh.
"Fine! Feel free to laugh Mr. CEO!" Sabi ko sabay walkout. Nasa hagdan palang ako, narinig ko na yung tawa niya. Tss! Akala ko pa naman, kakampihan niya ako. Yun pala tatawanan lang niya ako.
Mr. CEO! Yan ang tawag ko kay kuya pag naiinis or galit ako sakanya!
