Chapter 14

10 0 0
                                    

Naikwento ko na kila Nikki ang napag-usapan namin ni Jenny kahapon, pati ang sakit niya. Umamin na din ako sa totoong nararamdaman ko para kay Drew. Nangako naman sila na wala sila ibang pagsasabihan.

"Anong balak mo? Lalayuan mo na talaga siya?" Tanong ni Nikki.

"Oo. Yun ang alam kong tama." Sagot ko.

"How about you? Okay lang sayo kahit alam mong masasaktan ka?" Worried na tanong ni Kim.

"Oo naman. Kakayanin ko. Ako pa ba?" Then I smiled bitterly.

"Hindi kaba napapagod sa pagiging mabait?!" Seryosong tanong ni Mitch.

"Hindi eh. Actually, naeenjoy ko siya. Hahaha" Natatawang sabi ko.

"Nako girl, whatever your decision is, we're here to support you. Kung gusto mong umiwas sakanya, tutulungan ka namin" Nakangiting sabi ni Nikki. Pagkatapos niyakap nila ako.

"Nako! Babae kana talaga!!" Biro ni Mitch. Nagtawanan lang kaming apat.

Masaya pa din naman ako dahil kahit papano, andito sila para pasayahin ako.

Buo na ang desisyon ko. Para sa ikabubuti ng lahat.

**

Andrew's POV

After 1 month..

Isang bwan na.. Isang bwan na ang nakaraan nung huli kaming nagkausap ni Gabby, kung san sinabi niyang kalimutan na namin ang mga pinagsamahan namin.

Flashback

Ilang araw na ako iniiwasan ni Gabby. Sa tuwing tinatawagan ko siyam pinapatay niya at magtetext siyang busy siya. Pag pinupuntahan ko naman siya sa bahay nila, palagisiyang wala kung hindi sila Kim ang kasama niya, andun naman siya sa office ng kuya niya. Tapos pag makikita ko siya sa schoolm andami niyang dinadahilan.

Hindi ko siya maintindihan. Wala naman akong alam na pinag awayan namin. Tinanong ko na din sila Kim pero wala daw silang alam.

Kailangan ko na siya makausap. Hindi ko na kaya ang ginagawa niyang pag iwas..

Andito ako sa labas ng classroom nila, dito ko nalang siya hihintayin. Pero nagsilabasan na sila pero hindi ko pa din siya nakikita. Lumapit ako kila Nikki, pero hindi day pumasok si Gabby.

Imposible, nakita ko lang siya kanina. Nagtanung-tanong ako kung nakita nila si Gabby. Sabi nung isa, nakita daw niya si Gabby paakyat sa rooftop.

Agad ako naglakad papunta sa rooftop. Pag dating ko, may nakita akong isang babae na nakahiga sa mahabang bench. Kilala ko ang babaeng yan, si Gabby..

Naglakad ako palapit sakanya. Natatakpan ng mga papel ang mukha niya. Kinuha ko ang mga ito at nakita kong mga reviewers ito.
Ang aga naman niya magreview.

Pinagmasdan ko lang habang natutulog. Pati ba naman sa pagtulog, mukha pa din siyang mabait. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya, bigla siya umayos ng upo.

"Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na tanong niya.

"Andito ako para makita at makausap ka" Sagot ko sakanya.

"Wala tayong dapat pag usapan drew" Sabi niya. "Umalis kana. Nagrereview pa ako" Dagdag niya at hindi man lang siya makatingin sa akin.

"Meron Gabby. Ano bang problema mo? Bakit mo ako iniiwasan?" Mahinahong tanong ko. Pero sa totoo lang, gustong gusto ko nang sumigaw. Naiinis ako sa mga ikinikilos niya.

"Wala nga! Pwede ba Andrew. Umalis kana?!!" Galit na sabi niya.

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo sakin sinasabi ang dahila kung bakit mo ako iniiwasan!!" Sigaw ko sakanya. Hindi ko na kaya magtimpi. Ibang Gabby ang nasa harap ko.

"Gusto mo talaga malaman ang dahilan? Okay! Listen.. Listen very carefully! Nuon, gusto kong andito ka palagi sa tabi ko, gusto ko sa akin lang ang atensyon mo! Pero nakakasakal pala. Eh, daig mo pa si kuya kung makabantay sa akin drew! Andyan ka para sabihin na wag mo gawin yan, wag mo gawin to! Wag mo siya kakausapin! Wag ka lalapit sakanya!! Gustong gusto ko na lumayo sayo, matagal na!!" Diretsang sabi niya.

"Bakit hindi mo ginawa?!" Tanong ko sakanya.

"Dahil mahal kita!! Oo drew, mahal kita matagal na! Kaya ko ginagawa lahat para mapasaya ka. Ginagawa ko lahat kahit alam kong masasaktan ako! Pero alam mo, pagod na ako! pagod na akong mahalin ka!! Idagdag mo pa yung mga ginagawa mo! Alam mo drew, pahalagahan mo nalang kung sino ang meron sayo ngayon, si Jenny yun. Wag mong hintayin na mawala din siya sayo!!" Naiiyak na sabi niya. Kitang kita ko ang pagpipigil niya para wag maiyak.

"Is that your damn reasons Gabriella?! What do you want me to do? To stay away from you?!!" Galit na sigaw ko sakanya.

"Oo! I want you to stay away from me!!"Sigaw din niya.

"Ano?! Itatapon mo nalang ba yung mga pinagsamahan natin? Yung pagkakaibigan natin? Ha?!!" Tanong ko sakanya. Hindiganon kadali kalimutan ang lahat.

"Why not?!" Walang kaemoemosyong sabi niya.

"W-what?! No no no!! Hindi Gabby, hindi mo kayang gawin to!" Pagbibigay diin ko sakanya. Kilala ko si Gabby, hindi niya kaya.

"Kaya ko!! Andrew please? Hayaan mo na ako." Sabi niya sabay kuha ng mga gamit niya. Naglakad na siya paalis, hinabol ko naman siya at niyakap ko siya mula sa likod niya.

"No Gabby. Please, don't do this to me. Gabby, hindi ko kaya" Pagmamakaawa ko sakanya. Hindi ko na napigilan at napaiyak na ako.

"Don't make it hard for me drew" Umiiyak na sabi niya at tuluyan na siyang umalis.

Wala na si Gabby. Iniwan na niya ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasasaktan ako ngayon. Bakit ka ganyan Gabby? Bakit mo ginawa sa akin to?!

End of flashback

Isang bwan na ang nakalipas ng marealized kong, mahal ko si Gabby. Ganon pala yun no? Kung kailan wala na siya, dun mo lang malalaman na mahal mo siya.

Ginawa ko ang kagustuhan ni Gabby, iniwasan ko na siya at sinusubukan kong kalimutan ang lahat. Nakipag ayos na din ako kay Jenny. Pinipilit kong maging masaya sa harap niya.

Ewan ko ba, kasi simula nung lumayo si Gabby parang nawalan na ako ng gana. Parang hindi na ako masaya. Parang nakalimutan ko na kung pano ngumiti at tumawa.

Sa tuwing nakikita ko si Gabby, parang gusto ko siya lapitan at magmakaawang wag na siya lumayo. Pero kahit papano, masaya ako dahil nakikita ko pa din siya. Lalo na pag tumatawa siya at ngumingiti.

Namimiss ko na yung mga hirit niya. Yung mga jokes niya. Yung mga yakap niya. Bawat galaw niya, namimiss ko.

"Gabriella Shane Jimenez! I missed you so much" Bulong ko sa sarili.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon