Andrew's POV
Hinihintay ko si Jenny dito sa Freedom park dahil kakausapin ko siya about kay Gabby.
"Hi Babe" Bati niya "I missed you" She added.
"I missed you too" Nakangiting sabi ko.
"Ano ba yung sasabihin mo?" Tanong niya habang hawak ang kamay ko at umupo kami isa sa mga bench.
"Babe, please listen first. You know naman na Gabby is my bestfriend. Kasama namin siya nung pumunta kami sa bagong resort namin" Sabi ko at napansin ko biglang kumunot ang noo ah "I promised not to do such things that could hurt her, but I did! I did hurt her feelings because of you, because I love you. Jenny, hindi ko na kayang iwasan si Gabby. Sana maintindihan mo ako" Umiiyak na sabi ko.
"Mahal mo ba siya?" Tanong niya sa akin.
"Yes! I love her, because she's my bestfriend. Hanggang dun lang Jenny" Diretsong sagot ko sakanya.
"Andrew, promise me hanggang dun lang yung pagmamahal mo sakanya" Naiiyak na sabi niya.
"Promise babe. Hanggang dun lang" Pangako ko sakanya. Ngumiti lang siya sa akin. Hinila ko naman siya para yakapin.
Alam kong maiintindihan ako ni Jenny. Ibang-iba siya compare to my ex-girlfriends. Oo, naging selfish siya before pero alam kong nagseselos lang siya kaya niya nagawa yun. Naiintindihan ko siya.
Sa mga naging girlfriends ko, si Jenny lang ang naging kaibigan ni Gabby. Kaya alam kong hindi na ako mahihirapan na hatiin ang oras ko para sa kanila.
**
Jenny's POV
Pinapunta ako ni Andrew dito sa freedom park para sabihing hindi niya kayang iwasan si Gabby. Ano bang meron sa Gabby na yan?
Oo, sinasabi ng karamihan na nasa kanya na ang lahat. Pero may isang taong hinding-hindi mapapasakanya.. Si Andrew! Alam ko, ramdam kong mahal niya si Andrew ng higit pa sa kaibigan. Pwes, gagawa ako ng paraan para mailayo sakanya si Andrew. Bata palang kami, may gusto na ako kay Andrew! At lahat ng gusto ko, nakukuha ko.
Masyado kasing mabait si Gabby, kaya gusto siya ng lahat. Pero para sa akin, masyado siyang papansin! Attention seeker!!
**
Gabby's POV
Nagising ako sa tawag sakin ni Nikki. Nakatulog pala ako? Tss!
"Gabby! Someone's calling on your phone" Sabi niya.
Agad ko naman kinuha ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag..
Mommy calling...
"Zup mom!" Masiglang bati ko sakanya.
[How are you honey?] Tanong niya. Bakas sa boses ni mommy ang kasiyahan.
"I'm doing great mom! I miss you mom, so much" Naiiyak na sabi ko.
[I miss you too baby.. You don't know how much I wanted to see you honey and also kuya Shawn..] Malungkot na sabi ni mommy.
"Don't be sad mom, kuya and I are planning to visit you there soon" Sabi ko sakanya, at pinilit kong pasiyahin ang boses ko kahit sobrang lungkot ang nararamdaman ko.
[Really? Your daddy will be happy to hear that.. I gotta go baby, mommy needs to work. Study harder. Okay? I love you so much] Sabi ni mommy.
"Yes mom. I love you most mom" Sabi ko.
[Okay. Give kuya a hug. I'll hung-up] Paalam niya.
Matagal ako nakatitig sa phone ko, hoping na sana tumawag ulit si mommy..