Chapter 21

11 2 0
                                    

Iang taon na ang lumipas.. 2nd year college na siya. Madami na ang nangyari. Isa na dito ang paglipat ng tatlo niyang kaibigan sa pinapasukan niyang University sa Paris.

Flashback

Nagpapahinga na si Gabby sa condo unit niga ng may nag doorbell sa labas. Hindi nasiya nag abalang silipin kung sino ang nasa labas dahil baka ito na yung pinadeliver niyang pagkain.

Pagbukas niya ng pinto, agad na pumasok ang mga ito sa loob ng hindi man lang muna siya pinansin at diretso silang naupo sa couch. Nang makarecover siya sa pagkagulat, bigla siya nagsalita.

"What are you guys doing here?!" Nakapamewang na tanong niya sakanila.

"We're here to.. *kunwari nag iisip* study!" Nakangiting sabi ni Kim. Agad naman siya lumapit sakanila.

"Why?" Takang tanong niya.

"Ask her! *sabay turo kay kim* Sumunod lang kami sakanya" Sabi naman ni Nikki. Tumingin naman siya kay Kim na parang naghihintay ng explanation. Huminga naman ng malalim si Kim bago nagsalita.

"Josh and I broke up! I saw him with another girl in his condo. I think they had a you know. Because the girl is wearing Josh's shirt. One day, she's asking for my.. basta! Then I said I'm not yet ready. Sinabi niyang he understand. Simula nun, madalang na siya magpakita sa akin. Then, nung anniversary namin nagpasya akong puntahan siya sa condo niya to surprise him, yun pala ako yung nasurprised! I took so much effort. I don't attend my classes that day. Gabby, ayaw ko na siya makita. Kaya nag decide akong mag-aral na lang din dito" Umiiyak si Kim habang kinukwento ang nangyari. Niyakap naman siya ng mahigpit ni Gabby.

"Sshhh. Stop crying. That man doesn't deserved your tears. Listen kimmy, kalimutan mo na siya. Okay? Magsimula ka ulit kagaya ko. Andito lang ako, kami." Pag aalo niya sa kaibigan.

"Let's just be happy! Lalo na't magkakasama tayo." Nakangiting sabi ni Nikki.

"I missed this!" Sigaw naman ni Mitch at nag yakapan na silang apat.

End of flashback

Kumuha din ang tatlo ng fashion designing, sa una ayaw ni Mitch ang fashion designing pero hindi sumuko sila Gabby para pilitin ito. At sa wakas nagtagumpay din sila.

Nakabuo sila ng bagong samahan, kasama sina William, Rams at Gerry na half-filipino half-Parisian.

Alam na ng tatlo na mag pinsan sila ni Rams, nagulat nga sila ng aaminin ng huli ang totoo niyang pagkatao. Sayang nga daw ang itsura nito, madami pa daw sana siya mapapakilig na babae.

Pero sabi ni Kim, gagawin niyang lalaki si Rams. Tinawanan lang nila ang sinabi ni Kim. Malabo daw kasi ito mangyari.

Architecture ang kinuha nila Gerry at Rams. Iba naman kay William, pangrap kasi niya maging piloto. Kaya, wala na din naman nagawa ang magulang niya. Nangako naman siyang tutulong din siya sa company nila.

Nalaman na din niya ang totoo na wala talagang sakit si Jenny. Syempre nagalit siya kay Jenny pero hinayaan nalang niya dahil tapos na ito at dahil naiintindihan niya kung bakit nagawa niya iyon. Nagpasya siya nuon na tawagan si Andrew para sabihin na alam na niya ang totoo.

Flashback

Nang malaman ni Gabby ang totoo, kinuha niya ang wireless telephone niya at tinawagan ang binata.

Tatlong ring bago sinagot ng kabilang linya.

"Hello?" Boses ng babae ang narinig niya.

"H-hello. Si Andrew ba andyan?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Yup! Who's this?!" Mataray na tanong nung babae.

"S-shane. Can I talk to Andrew?" Nag aalangang tanong niya.

"Wait a minute!" Sabi niya. At narinig niyang sumigaw ito.

[Babe, someone's want to talk to you!] Sigaw nung babae sa kabilang linya.

[Sino!] Sigaw din na tanong ni Andrew.

[Shane daw] Sabi niya.

[Tell her I'm busy and I don't wanna talk to her. Ever! Tell her to forget about me because I already did!] Inis na sabi ni Andrew.

Nang marinig niya ang sinabi ni Andrew, hindi na niya hinintay na magsalita ang nasa kabilang linya at pinatay na niya ito. Nakaramdam na naman ng sakit si Gabby dahil sa narinig. Taliwas itosa inaasahan niyang magkakaayos sila.

End of flashback

Simula nun, tuluyan na niyang kinalimutan si Andrew.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon