Chapter 54

11 2 0
                                    

Gabby's POV

Katatapos ko lang mag shower ng may maalala aking tao na pwedeng tumulong samin ni Michelle. Tama!

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at kinuha ang susi ng kotse at lumabas ng unit ko. Nang makarating ako dito sa parking lot ay mabilis kong pinatakbo ang kotse ko.

Mabilis akong nakarating dito sa bahay dahil wala naman traffic. Agad akong bumaba upang ilagay ang pass code. Nang bumukas ang gate ay bumalik ako sa kotse ko para maipasok ito dito sa loob.

Hindi ko na inistorbo ang guard dahil nakakahiya. Hinanap ko ang susi ng bahay, unti-unti kong binubuksan ang pinto para makapasok ako.

"Hija, uuwi ka pala" Napalundag ako ng may marinig akong nagsalita.

"Nay naman. Papatayin mo ba ako?" sabi ko habang hawak hawak ang dibdib ko.

"Pasensya na. Nakarinig kasi ako ng ingay kaya ako lumabas. Kumain kana ba?"

"Opo nay, tapos na. Si kuya po ba gising na?"

"Oo, kakaakyat lang din niya"

"Sige ho nay. Akyat na din po ako. Matulog na po ulit kayo. Goodnight po" Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi bago ako umakyat sa kwarto ni kuya.

Knock knock knock..

"Kuya?" Tawag ko.

"Come in" Rinig kong sabi ni Kuya. Kaya naman ay mabilis ko itong binuksan.

"Oh! Did I disturb you?" Tanobg ko ng makita ko siyang nakahiga na.

"Nope. What brought you here princess?" Tanong niya at umayos ng upo. Naglakad naman ako palapit sakanya at tumabi ng upo.

"Kuya.. I need your help" Nag-aalangang sabi ko.

"What is it?"

"Actually, not me"

"Who?"

"Michelle"

"Why?" He asked. Huminga muna ako ng malalim bago kwinento sakanya yung nalaman ko. Tahimik naman si Kuya habang nakikinig sakin.

"So, what do you want me to do?"

"I want you to help her"

"How?" Tsk.

"By using your connections?" Patanong na sagot ko.

"Haha. Okay" Nagulat ako dahil sa agad ng pag sangayon niya.

"Really kuya?" Nakangiting sabi ko.

"In one condition"

"What?" I asked.

"Sasama ka sa dinner bukas"

"Yun lang pala--what?!" hindi pwede! Makikita ko siya.

"Do you want me to help your friend?" Ugh!

"Fine!" Sabi ko pero.. "Thank you talaga kuya. You're the best!" sabi ko at niyakap siya.

"For you princess" sabi ni kuya.

Napakaswerte ko talaga sa kuya ko. Superb!

"It's getting late. Go to your room. Take a rest" sabi ni kuya.

"Okay captain!" I said and kissed him on his forehead. We used to do that.

"Goodnight" he said. I smiled and started to walk. I'm about to open the door when he called my name.

"Gab! Congrats" lumingon ako nakita ko siyang nakangiti.

"Thank you kuya" nakangiting sabi ko.

"You're getting married soon. But not so soon" nakangising sabi niya. I know, siya muna bago ako. Haha.

"I feel excited" sabi ko at itinaas ang kamay ko kung san nakalagay ang engagement ring sa binigay ni Liam.

"Yeah!" matipid na sabi niya.

"But, I'm still your princess." sabi ko.

"Of course. One and only" Sabi niya. Naglakad ako pabalik sakanya at niyak siya ng mahigpit.

"I love you kuya" sabi ko.

"I love you more princess" at hinalikan ako sa noo.

Pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa kwarto ko.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon