Andrew's POV
Nakauwi na ako pero parang ang saya saya ko pa din. Hindi makakalimutan ang araw na to. Alam niyo kung bakit? Ganito kasi yun..
Flashback
Nakasakay kami ngayon ni Jenny dito sa Wheel of fortune, dito sa Enhanted kingdom. Exactly 8pm nakarating kami dito sa pinaka tuktok. Masaya kaming nanunuod ng fireworks display nang bigla siyang nagsalita.
"Iloveyou" Sigaw niya. Bigla naman ako nagulat sa sinabi niya.
"Huh?" Ako.
"Sabi ko Iloveyou!" Ulit niya.
"You mean? Ikaw, ako? Tayo na?" Tanong ko, Wow! I didn't expect this!
"Oo! Ayaw mo?" Tanong niya. F*ck! Gustong gusto ko.
"Hindi. I mean, gusto ko. YES! YES! YESSSSSSS!" Sigaw ko. Habang siya naman, pinapatigil ako. Haha. Ang saya kooo!!
End of flashback
Yun nga! Yun ang rason kung bakit ako masaya. Tatawagan ko nga pala si Gabby.
I dialed Gabby's number..
[The number you have dialed is--]
[The numbe--]Aish!! Bat ba di ko siya macontact? Siguro kasama niya yung Rams na yun. Sige na nga, itetext ko nalang.
To: Bespren kong Gabby
I have a good news Gab. Kami na! She gave me her YES! See you tomorrow :*
Siguradong matutuwa siya. Haha! Magpapasalamat ako sakanya bukas. Ang swerte ko talaga sa bestfriend ko.
**
Gabby's POV
Waaaaaah! Nakauwi na rin sa wakas. Grabe tong si Rams kung makagala. Dinaig pa si Dora! Pero okay lang, binusog naman niya ako. Hahaha!
Pagsarado ko sa pintuan ng kwarto ko, agad akong tumakbo sa kama ko at humiga. Balak ko na sana ipikit ang mga mata ko ng maalala ko yung phone ko. Pagtingin ko, empty bat na pala. Kinuha ko yung charger ko sa drawer.
"Mamaya na kita oopen ha? Maliligo lang ako" Sabi ko sabay lapag ng phone sa may side table. Pumunta na ako sa cr para maligo. I feel so sticky na kasi. Yay!
After 30 mins. Tapos na ako naligo. Pagkatapos ko magbihis, agad ko naman inopen ang phone ko.
1 message received..
Isa lang talaga??! Hmp. Inopen ko at nakita ko ang pangalan ni Andrew..
From: Bespren kong Andrew
I have a good news Gab. Kami na! She gave me her YES! See you tomorrow :*
Napangiti ako sa ibinalita ni Andrew sakin. Masaya ako dahil sa wakas sinagot na siya ni Jenny, but there's a side of me na nakaramdam ako ng takot. Takot na baka mawala sakin yung Andrew na palaging andyan pag malungkot ako, yung Andrew na nagbibigay sakin ng lakas ng loob, yung Andrew na tumutulong sakin sa pagtayo sa tuwing nadadapa ako, yung Andrew na kasama ko sa mga kalokohan. Takot ako na baka mawala yung bestfriend ko.. But I trust Andrew that no matter what, hinding hindi niya ako iiwan.
**
Kinabukasan..
"Josh! Bryan!" Sigaw ko ng makita ko sila dito sa parking lot.
"Hey! Ang aga natin ah" Sabi ni Josh, palagi kasi ako nalalate eh.
"Hmm. Maaga ako nagising eh. Sila kim andito na ba?" Tanong ko sakanya. Onga pala, mag jowa sila ni Kim. Hahaha.