Chapter 15

14 2 0
                                    

Gabby's POV

1 month had passed since the last time we talked. Masaya ako dahil nakikita kong masaya si Jenny, ganon din si Andrew. Sa tingin ko tama yung naging desisyon ko.

Kinausap ako ni Jenny nung malaman niyang sinunod ko ang gusto niya. Nagpasalamat siya sa akin. Hiniling ko lang sakanya na wag niya iiwan si Andrew. At sana sabihin na niya yung totoong karamdaman niya.

Sa tulong ng tatlo kong kaibigan, nagagawa ko pa din ngumiti at tumawa. Pinapanatili ko yung Gabby na nakilala nila nuon. Yung Gabby na, masiyahin, palaban, very positive. Hindi ko pinapakita yung sakit na nararamdaman ko dahil ayaw kong malungkot sila. Sakanila na kasi ako humuhugot nang lakas ng loob para malampasan lahat ng sakit.

**

After ng graduation umuwi kami agad ni kuya dahil kailangan ko pa mag ayos ng damit. Baka kasi hindi ko na to maharap mamaya. May pupunta kasi ako sa celebration ng batch namin.

I am the class valedictorian. Nag bunga din lahat ng paghihirap ko. Syempre, my parents are very proud of me. Hindi nakauwi sila daddy, which is I understand. Andito naman si kiya eh. Haha.

Nag-aayos ako ng gamit ko ng pumasok si kuya dito sa kwarto ko.

"Sigurado kana ba talaga dito?" Bungad na tanonb ni kuya.

"Kuya, ilang beses mo na tinanong sa akin to? Oo kuya, siguradong sigurado" Paniniguro ko. Kahapon pa kasi niya ako tinatanong eh.

"Hay! Iiwan mo din pala ako dito." Malungkot na sabi ni kuya. Aba! Si kuya nag pout. Hahahaha. Ang cute!

"Sus! Nag-iinarte ang kuya ko. Wag kana malungkot. Tatawag naman ako sayo eh."Sabi ko sabay yakap sa braso niya.

"Mamimiss kita. Wala na mag iinagay dito sa bahay. Wala na mangungulit sa akin." Sabi niya habang yakap yakap ako.

"Kuya naman! Nag eemo ka. Wag ganyan. Hindi bagay sa CEO na katulad mo. Kuya, dapat pag balik ko may ipapakilala ka ng fiancee ha?" Biro ko sakanya. Hahaha! Gusto ko na kasi magkaroon ng sister-in-law eh!

"Hahaha. Susubukan ko baby." Natatawang sabi niya.

"Eh? Kuya, gawin mo. Wag mo subukan. Baka maunahan pa talaga kita eh!" Nakasimangot na sabi ko.

"Gabriella Shane!!" Tawag niya sa buong pangalan ko. Patay! Galit na tong si kuya.

"Hehe. Joke lang kuya. Aral po muna ako" Sabi ko with peace sign.

"Good! Sige, tapusin mo na yan. Baka dumating na sila Nikki" Sabi ni kuya sabay labasng kwarto ko.

Alam na ni kuya yung nangyari sa amin ni Andrew. Naiintindihan naman niya yung naging desisyon ko. Pero nanghihinayang din siya sa pagkakaibigan namin ni Andrew. Andami na din kasi namin pinagsamahan.

Sinabi ko na din kay ate Andy. Alam niya yung dahilan kung bakit ko yun ginawa. Gaya ni kuya, nanghihinayang din siya. Pero naiintindihan naman daw niya ako. Kung siya daw ang nasa katayuan ko, malamang yun din daw ang gagawin niya. Laking pasasalamat ko dahil hindi siya nagalit aa akin.

Palagi ko kinakamusta si Andrew, ayon kay ate nakikita naman daw niyang mukhang masaya ito. Palagi daw niya kasama si Jenny. Sobrang mahal nila ang isa't isa at masaya ako para sakanila.

**

Andito na kami ngayon sa isang beach resort na pagmamay-ari ng pamilyang Standford. Ito na raw ang regalo nila sa batch namin.

Nagpaalam muna ako sa mga kasama ko para maglakad lakad muna. Parang hindi kasi ako komportable sa lugar na yun, lalo na't andun si Andrew. Wala si Jenny, may sarili daw silang celebration.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon