Chapter 44

9 1 0
                                    

Michelle's POV

"okay, for the nth time.. What are we doing here?!" Nababagot na tanong ko kay Bryan. Halos mag iisang oras na kaming nakaparada dito sa harap ng isang napaka laking bahay. Ni hindi ko alam kung sino ang nakatira dyan.

"Fine! Let's go" Sabi niya at akmang bubuksan na ang pintuan ng kotse niya ng pigilan ko siya.

"Where?" Tanong ko.

"Inside the house" Sabi niya at tuluyan ng binuksan ang pinto at naglakad papunta sa side ko upang pagbuksan ako.

"Kanino bang bahay yan?" Nagtatakang tanong ko. Imposibleng sa kamag-anak niya. Halos napuntahan ko na lahat ang bahay ng relatives niya eh.

"Basta. Sumama ka nalang" Sabi at niya at hinila na ako papasok ng gate. Kahit nagtataka, hindi nalang ako umimik at nagpahila nalang sakanya.

Huminto kami sa paglalakad ng makarating kami dito sa tapat ng main door ng bahay. Napaka yaman siguro ng may ari ng bahay na'to. Ang ganda, plain black ang color ng pintuan. Actually, napansin kong black and white ang theme ng bahay.

"What now?" Nakapamewang akong tumingin kay Bryan. At nakangisi lang ang loko habang tinitignan and kabuuan ng bahay.

"Anong nginingisi-ngisi mo dyan?" Tanong ko.

"Come" Sabi niya at hinawakan ang kamay ko at hinila ako papasok ng bahay. Halos malaglag and panga ko ng masilayan ko ang loob nito. Mamahalin ang mga kagamitan, halos lahat ay babasagin. Napaka luwang. Hindi ko siya maexplain kasi ang ganda talaga.

Hindi ko na namalayang wala na pala sa tabi ko, San na naman kaya nagpunta gun? Baka dumating yung may-ari, pagkamalan pa akong magnanakaw.

"Bryan? Asan ka?!" Bulong ko. Maya't-maya ay may narinig akong kaluskos, hinanap ko kung san galing ang ingay na yun, hanggang sa makarating ako dito sa harap ng sliding door, hindi ko makita ang labas dahil tinted glass ang gamit. Unti-unti kong binuksan ito at napangiti ako sa ganda ng nakikita ko.

Tanaw ko ang isang napaka gandang tanawin, may nakikita akong maliliit na burol sa isang napaka lawak na dagat, ngayon ko lang napag tanto na nakatayo ang bahay na to sa gilid ng isang bundok. Tumingin ako sa baba at lalo ako napangiti ng makita ko ang isang sapa na nakapaligid ay makukulay na mga bulaklak at isang malaking puno na may dalawang gulong na nakasabit sa ibaba nito, parang duyan siya. Teka! Hindi lang pala dalawang duyan, may nakikita din akong isang malaking duyan na gawa sa laga. Color white siya.

"It's my dream house" Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko, nakita ko si Bryan na kampanteng nakaupo sa may couch. "Sinabi ko nun sa sarili ko na, pag nagkaroon ako ng sariling bahay, gusto ko nasa gilid ng bundok at malapit sa dagat. And I know that you are wondering kung bakit may sapa dyan sa baba, because when I was young, my mom and I always go to my lolo's ranch, at palagi kami naglalaro ni lolo sa tabi ng may sapa. Pag nakakakita ako ng sapa, naaalala ko ang magagandang alaala kasama si lolo. Pakiramdam ko kasi, kasa-kasama ko siya" Bigla ako nalungkot ng makita kong nanunubig ang mata niya. Ugh! I hate it when I see him crying.

"Come here, let me tell you a secret" Nakangiting sabi niya at inabot ang kamay ko, naglakad ako papunta sa tabi niya at umupo, tahimik lang ako habang hawak ang kamay niya.

"I started to build this house when I was in highschool, of course with the help of my parents. Then they asked me why, I just smiled and said that I finally met the right person in my life, the right girl who will become my lifetime partner. At first, tutol sila sa gusto ko dahil nga daw sa bata pa ako. Pero syempre, pinilit ko yung gusto ko kaya wala na silang nagawa kundi sundin ako. Hahaha" Napapangiti nalang ako habang nakatingin sakanya at nakikinig, kita ko kasi ang saya sa mga mata niya habang nagkukwento. Lalo ako napangiti ng hawakan niya ang ulo ko at inilapit sa may balikat niya, sumandal ako sakanya ng magsalita ulit siya.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon