Chapter 19

15 2 0
                                    

San Francisco California..

"Welcome home!" Nagulat si Gabby pagbukas ng main door nila.

"Dad, mom! Why are you here? Akala ko ba busy kayo?" Takhang sabi tanong ni Gabby. Sabi kasi ng sumundo sakanya, pinasundo nalang daw siya ng daddy niya dahil busy sila sa trabaho.

"Eto kasing si daddy mo, andaming gimik! Sabi ko kami susundo sayo. Kaso, gusto niya isurprise ka daw namin." Paliwanag ng mommy niya.

Natuwa naman si Gabby dahil sa surpresang ginawa nila para sakanya. May hawak kasing tarpaulin ang daddy niya at ang nakasulat "WELCOME HOME PRINCESS!" Samantalang nakahawak naman ang mommy niya ng isang round cake na chocolate flavor.

"I missed you both!" Naiiyak na sabi ni Gabby sabay yakap sa mommy at daddy niya.

"We missed you too baby" Sabi ng mommy niya sabay hawak sa magkabilang pisngi niya. Hinalikan din naman siya ng daddy niya sa noo.

"Come, we will show you your room" Sabi sakanya ng mommy niya. Umakyat na sila sa mataas na hagdan.

Namangha si Gabby sa laki at sa ganda ng kwarto niya. At ang themed niya, Pink and White. May sarili siyang sala sa loob ng kwarto niya. May walk-in closet, queen sized din ang gamit niyang kama. Malaki rin ang cr niya. Alam kasi nilang ayaw ni Gabby ang nasisikipan siya.

The house is done in white concrete, stainless steel and glass. It designed by her father.

"Get a rest pricess. I know that you have a heavy jetlag" Sabi sakanya ng daddy niya.

"Okay dad" Sabi niya sabay halik sa pisngi ng daddy niya.

Kanina pa umalis ang mommy niya dahil daw sa emergency. Pagkalabas ng daddy niya, agad naman siyang pumunta sa cr para maglinis ng katawan at agad na nagpalit pagkatapos.

Bago siya humiga, nahagip ng mata niya ang bag kung saan nakalagay ang laptop niya. Kinuha niya ito at agad nag log in sa account niya. Nang makita niyang naka online si Andrew, nagmadali siyang ideactivate ang account niya. Nagpasya kasi siyang putulin lahat ang communication nila.

Pagkatapos, inilagay na niya sa side table niya ang laptop. Kinuha na din niya ang mga gamit niya at nagpasya siyang ayusin muna ang mga ito bago magpahinga.

Nang maayos niya ang lahat, pabagsak na siyang humiga sa kama. Balak pa sana niyang tawagan ang kuya niya at ang tatlong kaibigan ngunit hindi na kaya ng katawan niyang kumilos. Bumibigat na din ang talukap ng dalawang mata niya.

"The New Beginning" Nakangiting sabi niya sabay pikit ng mga mata.

***

Sabaw po siya. Pasensya na po, medyo masama kasi pakiramdam ko. Huhuhu

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon