Chapter 18

15 1 0
                                    

Eksaktong 4pm, andito na siya sa park at hinihintay si Jenny. Nakaupo siya sa ilalim ng malaking puno kung saan sila palagi tumatambay ni Gabby. Dito sila nagpupunta pag pinapagalitan sila pag masama ang loob nila.

Nakapikit siya ng maramdaman niyang may humalik sa pisngi niya. Agad niyang iminulat ang mga mata niya at nakita niya ang babaeng kanina pa niya hinihintay.

"Kanina kapa ba dito? Sorry ha, dumaan pa kasi ako sa mall" Nakangiting sabi ng dalaga. Tumango lang siya bilang sagot.

"Kamusta naman ang party niyo? Masaya ba? Sayang, hindi ako nakapunta" Nakangusong sabi niya at sumandal siya sa balikat ni Andrew.

"It's fine. Masaya naman kahit papano" Sabi niya. Gusto muna niya paglaruan si Jenny Ngayon.

"Ganon ba? Mabuti naman. Andun din ba si Gab?" Tanong niya.

"Of course. Pwede ba naman mawala ang valedictorian?" Sabi niya. Proud siya kay Gabby. Very consistent yung mga grades niya, kaya deserved niya lahat ang mga natanggap niyang award.

"Sabagay. Anyways, alam mo ba babe ang ganda ng napuntahan namin. Very relaxing yung place. Sayang nga hindi kita kasama. Dun namin ginanap yung party para sa akin. Tsaka alam mo babe, ang sayang maligo sa beach. Ang saya din pala mag surfing. Babe, sa susunod punta tayo dun. Siguradong sasaya ka. Tsaka para makapag relax ka at para makalimutan mo na si Gabby!" Bigla siya napatiim-bagang sa sinabi ni Jenny. Ngunit hindi ito nahalata ng dalaga.

Kanina pa nagpipigil si Andrew. Gustong gusto na niyang itulak si Jenny palayo sakanya.

"Alam mo, dito sa lugar na to kami lagi tumatambay ni Gabby dati. Dito nabuo yung samahan namin, dito mismo sa ilalim ng puno. Dyan sa inuupuan mo, palagi dyan si Gabby. Kasi sabi niya nuon, she's the right girl for me. Sabi ko sakanya nung mga bata pa kami, kung hindi siya ang mapapangasawa ko hahanap ako ng babaeng katulad niya. Pero ang sabi niya, wala na siyangnkatulad dahil nag-iisa lang siya. Kahit hindi na kamukha basta yung katangian lang na meron sakanya. Na kay Gabby na kasi ang lahat. Maganda, matalino, mabait, very jolly, very understanding, at higit sa lahat very positive. Alam mo bang ang swerte ko dahil ako ang napili niyang maging bestfriend? Biruin mo yun? Isang Gabriella Shane Jimenez? Wow! Madami siguro ang naiinggit sa akin no?" Nakangiting kwento ni Andrew. Pero si Jenny, kanina pa siya naiinis sa mga sinasabi ni Andrew. Kulang na nga lang takpan niya ang dalawang tenga niya.

"Really? Kaso, iniwan ka niya! Iniwan ka ng nag-iisang Gabby. Walang halaga sakanya yung mga pinagsamahan niyo. Ang dali para sakanya ang kalimutan at itapon nalang ang lahat. Dapat nga magalit kapa sakanya eh. Wala siyang kwentang kaibigan!!" Galit na sabi ni Jenny. Hindi na nakapag pigil si Andrew.

"Wala kang karapatan para sabihan siya ng walang kwenta!! Dapat nga magpasalamat ka sakanya eh, dahil iniwan niya ako para sayo. Para sa SAKIT mo!! Yun kung talagang may sakit ka nga" Halatang nagulat si Jenny sa sinabi niya. Hindi niya magawang magsalita. "Nagulat ka sa nalaman ko?!! Alam mo, hindi ko alam na ganyan ka kadesperada. Napaka bata pa natin! Nagsisi nga ako na niligawan kita lalong lalo na nang naging tayo. Dahil sayo iniwan niya ako!! Dahil sayo nawala yung babaeng mahal ko!!" Sigaw ni Andrew sakanya.

"Mahal? Wag tayo maglokohan dito! Alam kong ako lang ang mahal mo!"Sabi naman ni Jenny.

"Yun nga din ang alam ko eh. Pero hindi pala!!" Diretsong sabi niya.

"Ano bang meron sa Gabby na yan ha?! Bakit siya nalang palagi ang bida?!!!" Naiinis na sabi ni Jenny.

"Tinatanong mo ako kung anong meron kay Gabby?! Lahat! Lahat nasa kanya na. Poor you! Dahil walang wala ka kumpara sakanya!! Nakakaawa ka! Talagang gagawin mo lahat para makuha ang gusto mo! Sinira mo ang lahat!! Grabe ka! Nagpanggap ka pang may sakit. Napaniwala mo si Gabby. Pero wag mong iisipin na naishan mo siya, dahil sadyang maawain lang si Gabby sa mga taong nangangailangan at mga taong KAAWA-AWA!" Nangunguyam na sabi ni Andrew.

"Totoo lahat ang sinabi ko! May sakit ako. I have Leukemia" Naiiyak na sabi ni Jenny. Natawa naman si drew sa sinabi niya.

"Leukemia na ngayon? Sakitin ka pala, nuon cancer. Ano ang susunod? Sakit sa puso?!!" Sarkastikong sabi ni Andrew. "Jenny, let's break-up. Hindi ko kayang mahalin ang mga taong katulad mo!" Sabi niya sabay talikod kay Jenny, niyakap naman siya ni Jenny mula sa likod.

"No! Don't do this to me. Please? Hindi ko kaya drew. Mahal na mahal kita. Magsimula tayo ulit" Umiiyak na sabi ni Jenny.

"Bitiwan mo ako!! Hindi na kita kayang mahalin. Alam mo kung ano ang sakit mo? Sakit sa utak!" Sabi niya sabay layo sa pagkakayakap ni Jenny.

"She don't deserve to be loved! She deserve to admit at mental. Isa siyang baliw!!" Sa isip isip ni Andrew.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon