Chapter 10

13 1 0
                                    

Mariin akong napadilat ng maramdaman ko ang pag hinto ng sasakyan namin. Inilibot ko ang mata ko sa labas dun ko napansin na nakarating na kami.

"Gisingin mo na si Gabby. Sunod nalang kayo." Sabi ni ate pagkatapos, lumabas na sila ni kuya.

"Gab? We're here!" Sabi ko sabay tapik sa pisngi niya.

"Hey! Wake-up" Gising ko sakanya.

"Tss. Tulog mantika ka talaga!" Iiling-iling na sabi ko.

Kahit kailan talaga ang hirap niyang gisingin. Pano ko kaya gigisingin to? Hayst!

**

Gabby's POV

*Poke*
*Poke*
*Poke*

"Hayst! Ano ba?!" Nakakainis ah. Palagi nalangmay umiistorbo sa pagtulog ko.

"Finally! Akala ko tutubuan na tayo ng ugat dito" Rinig kong sabi ni Drew.

Nagmulat ako ng mata at napansin kong kami nalang ang andito.

"Asan sila? Asan na tayo?" Tanong ko.

"Wala na! Umalis na. Ayaw mo kasi magising!"Sagot niya. Kita mo to! Nagtatanong ako ng maayos eh.

*Glare*

"Chill! HAHAHA. Nasa rest house na sila, kaya tara na." Sabi niya sabay kuha sa mga gamit namin. Sasagot din pala ng maayos pinatagal pa!

Bumaba na kami ng sasakyan at napansin kong ang ganda ng atmosphere dito. Ang sarap ng hangin. Nakakarelax.

"Close your mouth. You look stupid! Hahaha" Sabi niya pagkatapos nauna na siya maglakad. Bastos talaga! Hmp.

Wow! Ang ganda talaga dito. Napaka maaliwalas tignan. Yung dagat, kulay asul. Parang tinatawag ako para maligo. Hehe.

Pag dating namin sa rest house nila Andrew, namangha ako sa ganda. It's a bungalow, pero sobrang luwang. May terrace din, kung san makikita mo ang magandang view, tanaw mo ang kulay asul na dagat.

"Hey sweetie!" Tawag sa akin ni tita. Andito kasi ako sa terrace nila. Humarap naman ako sakanya.

"Hi tita" Nakangiting bati ko sakanya.

"How are you sweetie?" Tanong ni tita. Tita Andrea is my mom's bestfriend.

"Okay lang naman po tita" Sagot ko.

"Good then. You really look like your mom. I missed your mom so much" Sabi niya sabay upo sa couch.

"Me too. I missed dad and mom so so much" Sabi ko, sabay tulo ng mga luha ko. Pag dating sa parets ko, nagiging iyakin ako.

"I'm sorry Gabby. Stop crying sweetie" Pag alo sakin ni tita sabay halik sa noo ko.

"Mom! What did you do to Gabby?!" Tanong ni Andrew in a worried tone.

"I mentioned about her mom. Get Gabby, mamasyal muna kayo" Sabi niya kay Andrew. "Go sweetie. Again, I'm sorry" She added.

"It's okay tita. Hindi ko lang po talaga mapigilan" Sabi ko habang nagpupunas ng luha.

"I understand. Sige na, mamasyal na kayo ni Drew. Enjoy!" Nakangiting sabi ni tita. Tumango lang kami at nagpaalam.

Nagpaalam muna ako kay Drew na para magpalit ng damit at ganon din siya.

I'm wearing white v-neck shirt and a black jersey short. Haha. I feel comfortable with my outfit. Bakit ba?! Hahaha. Oh! I forgot, I'm wearing flip-flops din pala ^_^

"Let's go Rusty!" Aya ko sakanya. Humawak ako sa braso niya at akmang aalis na kami ng may nagsalita mula sa likuran.

"San kayo sasayaw na dalawa?" Natatawang tanong ni Ate Andy.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon